"MAGIGING DOKTOR AKO!"
It felt good. Ang sarap pala sa pakiramdam na magkaroon ka ng goal sa buhay. Na after being so selfless for so long, you finally decided to choose yourself.
Matagal ko nang kinalimutan ang pangarap ko na maging doktor. Sa hirap ng buhay namin, ni-hindi ko na nga alam kung may karapatan ba akong mangarap-at kung afford ko ba ang mangarap.
"MAIA, Super happy ako for you!" Tuwang-tuwang sabi ni Blaire at nagtatalon pa habang hawak-hawak ang kamay ko. "Prove to your mom na hindi siya kawalan, na kaya mong mag-isa."
Bigla akong nakaramdam nalungkot. Gusto kong maabot ang pangarap ko kasama ang pamilya ko. Tutal, sila rin naman ang dahilan kung bakit ako nagpupursige sa buhay. Ayaw kong maranasan nila habang-buhay ang hirap na nararanasan namin. Sobrang hirap.
Pero anong magagawa ko? Ang sariling pamilya ko pa mismo ang nagtakwil sa akin. Kaya kahit masakit, kailangan kong unahin ang sarili ko ngayon.
Bigla kong naalala si Papa. Siguro, kung naririto lang siya, sobrang proud niya sa akin. Baka nga bigla pa 'yong maghanda para lang dito. Ganoon ka-supportive ang papa ko, especially sa mga bagay na gustong-gusto ko.
"O, ba't ka nalungkot bigla?" tanong ni Blaire. "Don't tell me nami-miss mo 'yong nanay mong buang at ate mong may saltik? Jusko Maia ha, no offense pero ungrateful talaga sila. Nakakainit ng ulo!"
"No, hindi sila," sabi ko at malungkot na ngumiti. "Si Papa. Siguro sobrang saya niya ngayon kung nandirito pa siya. Alam mo naman kung gaano ka-supportive noon sa akin."
"I know," Blaire said and sighed. "Nakaka-miss nga si tito, pero anong magagawa natin? Just make him proud, Maia. Be successful. Kapag sucessful ka na, hindi mo na need habulin ang pamilya mo, sila na ang hahabol sa 'yo. O, 'di ba?"
"Sa bagay," pagsang-ayon ko. "So ano na? Anong next?"
"Anong anong next?" tanong ni Blaire at natawa. "Syempre, 'no, maghahanap na tayo ng school."
"May napili ka na ba?" tanong ko.
"Oo, kaso..."
"Kaso?" tanong ko.
"You know, private school kaya super pricey. Almost millions magagastos. Hindi kita malilibre kung sakali..."
"Hoy, anong libre?" gulat kong tanong. "'Wag, Blaire. Nakakahiya sa parents mo. Wala bang mayroong scholarship? Mataas naman ang nakuha kong grade sa pre-med ko at decent naman ang grade ko sa NMAT. Medyo confident naman ako na kaya ko pumasa kung sakali."
"Hmm, okay, okay," sabi ni Blaire at binuksan ang laptop niya. "Let's search online para marami tayong choices. Okay?"
"Sige lang," sabi ko. "Kung ano ang mad okay."
We spent the next hour searching for the best school for us. Pero kung hindi sobrang mahal, sobrang layo naman sa amin.
"How about this one?" Blaire asked.
"Super mahal ng tuition," reklamo ko. "Hindi ko kaya 'yan, Blaire. Mamumulubi ako nang malala."
"May scholarship naman sila. I think malaki ang magiging less mo," suhestiyon niya.
"Kahit na may scholarship, malaki pa rin ang need bayaran. Hindi ko talaga kaya 'yan, Blaire. Pasensiya na."
"No, it's okay. Ito ang last choice natin," turo ni Blaire sa isang school. "Public school siya but they only accept the best students. Top school for med school in our country, kaso mahirap makapasok at mag-stay dahil duguan ng utak talaga."
Biglang natawa si Blaire. "Kaya kaya natin dito? Ganda lang mayroon ako, e."
"Wala naman sigurong masama kung susubukan natin, 'di ba?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Taking A Step Closer To You
RomansThey said that love will find you on the most unexpected and unpredictable day of your life. Whoever said that may be right all along, because when I met a man who's a ray of sunshine in my pitch-dark times, I was definitely knocked off my senses. ...