PART EIGHT: EMERGENCY

6K 368 34
                                    

Ako nga ba ang red flag o si Felix pa rin?

Kinukulit ako ni Blaire kung paano ako nakakuha ng commendation letter from Felix. It wasn't easy to get, according to her.

"Ikaw ha," naniningkit ang mga matang sabi ni Blaire sa akin. "Don't tell me binigay mo ang pechay mo?"

"Ang alin-Pechay?!" gulat kong reaksyon.

"Oo. In short, sex," direktang sabi ni Blaire.

Mabilis kong naitikom ang bibig ko. Gusto kong magsinungaling pero ayon ang nangyari. We had sex and then the next morning, he gave it to me. He knew what I wanted. He knew what I needed.

"Alam mo naman 'yan sila, minsan oportunista. They will take advantage of the situation, especially if you are desperate for something," Blaire explained. "Felix is a womanizer, of course, init ang katawan ang gusto niya. Are you sure nothing happened?"

"S-Siyempre," pagsisinungaling ko. "Ano ako, easy to get?"

Oo, Maia. Easy to get ko. To think na dalawang beses na iyong nangyari at parehong ako pa ang nag-initiate, I can't seem to fathom why Felix still wants me. There's no thrill in getting me. One hot moment and I'm in. I guess, I'm part of the problem.

"Okay, sige, sabi mo e," sabi ni Blaire. "Congrats, Maia!"

Doon na ako ngumiti. "Totoo na ba 'to?"

"Oo naman, 'no," sabi ni Blaire at natawa. "Tawagan ko si mommy, magpa-help ako para mabilis tayong maka-enroll. Omg, can you imagine yourself wearing a white coat?"

I felt as excited as Blaire.

"And I will command you, "Scalpel please.""

Tumili kaming dalawa.

"Okay, okay, tatawagan ko na talaga si mommy. Dyaan ka muna."

Nagpaalam sa akin si Blaire at nang ako na lang ang maiwan ay tinitigan kong muli ang commendation letter. Kitang-kita ko ang pangalan ni Felix mula roon.

Did he really give it because I gave him my body voluntarily?

Or masyado lang akong walang tiwala sa kaniya?

I sighed.

Kahit na. Sinabi ko naman sa sarili ko na desperado na rin naman ako para makuha itong letter. A part of me wanted what happened. Kung ginamit niya lang ako to satisfy his needs, I have no regrets at all.

For the past few days, naging busy ako sa pagkukumpleto ng requirements para sa enrollment namin. Nag-qualify ako sa scholarship kaya wala akong gagastusin na kahit na ano at pabor sa akin 'yon.

When Blaire's mom found out my plan to still work while I'm studying, kinausap niya ako at in-offeran na maging tutor ni Blaire at ng kamag-anak nilang BS Pharmacy din ang pre-med course. I will get enough allowance raw to meet my needs. Tinanggap ko na iyon.

Nang mag-resign ako sa company bilang Customer Service Representative, kinausap ako ng manager ko at sinabing isa ako pinaplano nilang i-promote to a higher position. When he disclosed the salary package, I wouldn't deny, I almost got swayed by it. Almost doble sa sahod ko.

In the end, I declined it. I vowed to myself na magfo-focus ako sa pangarap ko. Kahit na gaano katagal ang abutin o kahit na ano mang hirap ang danasin ko, pag-iigihan ko.

Ilang araw ang nakalipas ay officially enrolled na kami ni Blaire. Natanggap ako sa scholarship at nakuha na mismo ang schedule ko. Pareho kami ng section ni Blaire at base sa mga nakausap namin ay terror daw ang iba naming professors.

Bumisita kami sa campus para hindi kami masiyado manibago 'pag pasukan na. Kasama namin ang mommy ni Blaire at ang sarap lang sa pakiramdam na kaunting tiis na lang ay magiging doktor na rin ako.

Taking A Step Closer To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon