Noene's POV
“1.. 2.. 3! Jump shot!” Saad ng photographer at sabay sabay kaming tumalon. Hospitality Management section 1B is now graduate! Finally, lahat ng hirap at pagod na pinagdaanan namin ay nagbunga na. Lahat ng gastos sa food prep, tours at iba’t ibang curriculars sa school ay unti unti nang mababawi.
“CONGRATS SATIN!!! MAMIMISS KO KAYO!!" saad ni Aica ang class president namin for four years na agad kaming hinila sa isang group hug.
" Oh outing naman tayo para maka shot puno! Graduate na eh HAHAHA” Saad ni Fince na sinang ayunan naman ng mga kaklase naming lalaki.
Hays kahit kailan talaga puro shot ang isip ng mga ito. Pero deserve naman nila ngayon HAHAHA. Ang bilis nga naman ng panahon parang kahapon lang first year college lang kami na nangangarag sa mga school activities at ngayon heto, maghihiwalay hiwalay na kami para tahakin ang panibago naming journey.. with ourselves.
Natapos na nga ang program sa school, dumaan na din ako sa department office namin para mag paalam at magthank you na rin sa aming mga professors. They have been a big part of this success.
Pag uwi namin sa bahay may nakahanda na na mga pagkaing niluto ni ate at ng asawa nya. Pati mga pinsan ko ay nandito at kumpleto. Mga gumagawa ng leche flan at graham. Hindi na kase makapagluto si mama at papa dahil sila ang sumama sakin sa graduation ko.
Pumasok ako sa kwarto upang magbihis, naupo ako sa harap ng make up table at nagawi ang tingin ko sa salamin.
Napatingin ako sa graduation hat na nasa ulo ko. Hays… tapos na ang mga kakaba kaba na araw ko tuwing may quiz/exam at recitation. Tapos na rin ang mga ambagan tuwing may luto sa food prep. Tapos na ang mga araw na magsasaway ng mga kaklaseng nagcocolor game.
A smile formed onto my lips as I reminisced. Then, a notebook reached my eyes. Isang picture ng lalaki ang nahulog pagkabukas ko nito.
“Hi Mrr. Mysterious crush, graduate na ako pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo." Natatawa kong saad sa sarili ko nang buksan ko ang diary ko during my college days.
Idinaan ko ang daliri ko sa stolen picture nito, nasaan na kaya siya ngayon? Sa pagkakaalam ko ay ahead sya ng isa o dalawang taon sa akin.
Nagkibit balikat akong ibinalik ito sa loob ng diary at muling nilock ang notebook.
“Tama na ang kaka pantasya, hindi na tayo college HAHA” mahina kong saad sa aking sarili.
“Noene! Kain na sa baba!" Tawag sa akin ni ate
“Ge, pababa na!" Sagot ko naman at dali dali nagbihis, napatitig ako masyado sa picture ng nakaraan HAHA!
Ilang oras pa ay maghahating gabi na kaya't nagpasya na ang lahat na pumasok na sa bahay at magpahinga. Natapos ang celebration na puno na inuman, umuwi kase ang halos lahat ng kamag anak namin. Nagkaroon ng kaunting salo salo, inuman ng mga tiyuhin ko, videokehan ng mga tiahin ko at syempre chismisan naming mag pipinsan. Ung iba nag iinom din namumulutan habang ako ay taga nood.
Nagpasya naman ako na magpa iwan muna dito sa may terrace, gusto ko lamang tumitig sa night sky ang dami kaseng bituin ngayon. Sumandal ako sa upuan at binuksan ang wattpad book ko.“La Heredera" ang title nito, sana all nalang kay Razie at Diego may progress na ang love story. Sakin kase hindi ko padin alam ang pangalan HAHAHAH.
Ilang chapter pa ang binasa ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako…
*******
“Noene, wake up.." saad ng isang lalaki..teka.. si mysterious to ah..
Akmang aabutin ko ang muka nito nang bigla akong makaramdam ng mahapdi sa pisngi ko at walang ano ano ay napamulat bigla ang mata ko. Humapdi ito nang matamaan ng sinag ng araw kaya agad nanaman akong napapikit.
“Ate gurl!! Nakanguso ka?? HAHAHAHA” pang aasar na sabi ni Nicole, so nanaginip lang ako? Kainis..
Sinamaan ko ng tingin si Nicole at inayos ang upo ko.
“ Gaga! Bat kaba nanggigising eh alas siete palang!" Inis na saad ko dito, kakagraduate ko lang pagod ako kahapon no! Deserve ko naman ang matulog kahit hanggang 8 am manlang!
“Aba gurl, kung di ka ginising ay maabutan kapa nila tita na nananaginip dyan! Aysus, sino bang napanaginipan mo? Crush mo? Na hindi mo naman alam ang pangalan, aba ay first year college kapa noon nung nakilala mo yan ah. Move on, baka hindi talaga kayo." Mahabang litanya ni Nicole, agang aga naman eh..
“Eh basta, kapag nakita ko sya uli.. go gora na talaga ako. Ang tagal kase mag make move ni tadhana hays!" Saad ko nang hindi pinapansin ang sinabi nya. Napailing nalang ito saka nagsimulang lumabas ng pinto.
“Bahala ka, ewan ko sayo te!” Naiiling na saad nito saka tuluyang umalis.
Pinulot ko ang libro kong nalaglag sa sahig. Niligpit ko ang kumot at unan na dinala ko sa terrace at pinasok sa kwarto.
Nagsimula na akong maghilamos at ginawa ang mga morning routines ko para fresh ang fresh graduate na itez! Hahahah
I was busy doing my skincare routine when my phone suddenly rang. Unknown number ito, pero telephone number.
Kinuha ko ang cellphone para sagutin ang tumatawag.
“Hello? Noene speaking, who's this please?" I said
“Good day Mam, this is Casa de Paraiso Hotel and Restaurant. We have reviewed your application online for Front Desk Receptionist. We would like to inform you that you are going to have your interview tomorrow at Casa de Paraiso , 9 am, fourth floor Office number 502.” Saad nito, napahawak naman ako sa aking bibig. I just applied three days ago, it was my dream company to work with! So ganda ng paligid doon!
“Noted on that, thank you so much!” Saad ko
" Thank you too Mam, see you tomorrow!” Saad nito saka pinatay ang tawag.
Isang impit na tili ang nagawa ko, halos magtatalo na nga din ako, kung ako lang mag isa sa bahay ay baka nga HAHAH.
Sa sobrang excited ko nga ay sinimulan konang ayusin ang mga documents ko na maaring kailanganin bukas. Gayundin ay naghanap na ako ng damit na isusuot bukas para hindi na ko tanghaliin sa pag aayos.
“God guide me..” I said in a whisper and started joining my family downstairs.
****
YOU ARE READING
Encounter
RomanceFebruary 2, 2023 Dear Notebook, Sumakay ako ng jeep papuntang school, Friday ngayon kaya commute ako. Hindi kase magpapasahero ang tatay ko dahil coding ng jeep nya. Sobrang aga ko ngang gumising dahil 7 am ang start ng klase ko. Ang masaklap p...