Encounter 5

2 0 0
                                    

Noene's POV

Be my girlfriend Noene...
Be my girlfriend Noene...
Be my girlfriend Noene...

Paulit ulit kong naririnig sa isipan ko ang sinabi ni Raphael kanina. Did I hear it right? O sadyang nag dedelulu lang ako?

"Girl, lasog lasog na ung hotdog. Baka maawa ka naman dyan?" napatingin ako sa ulam ko nang marinig ang sinabi ni Nicole. Itinigil ko ang pag tusok dito at hiniwa saka isinama sa kanin.

"Ano bang nangyari?" Tanong pa nito, kaya napangiti ako

"May boyfriend na ako beh" nakangiting sabi ko sabay subo ng isang kutsarang pagkain.

Biglang bumagsak ang mga hawak nila Nicole na kutsara nang marinig ang sinabi ko. Sila Andrea ay napaubo at tatawa tawa.

"Hoy! HAHAH seryoso ba? Ineeme molang ata kami eh. Sinong pumatol sa yo te, ung crush mo na boss mo pala? HAHAHA" patuloy pa nito na ikinalawak ng ngiti ko

"Oo sya nga. Wells... wanna hear a story?" Their jaw drops. Bigla silang nagkatinginan at napainom ng tubig ng sabay sabay.

"You're lying... " saad ni Louise

" I am not sweetie. We're in a relationship for atleast.. 3 months. " I said. Bahagyang nawala ang ngiti ko nang banggitin ko ang contract duration. Yes, it's like a fake relationship. Funny right? Hindi ko naisip na dahil sa sobrang gusto ko ang tao ay gagawin ko itong bagay na ito... but who knows.. maybe he will love me too.

"Sabi na! Girl, sinasabi ko sayo you are putting yourself into a snake pit. Bakit ka pumayag? Ikaw ang talo dyan! Mafafall ka lalo sa ... sa.. hays nako te, bahala ka nga" saad nito ay uminom uli ng tubig.

" How? Why? Bakit kailangan nyo na gawin yun?" Tanong ni Louise,

"I know, I know. I appreciate na concern kayo at gulat kayo. But... I just wanna try. Wala naman sigurong mawawala if magtake risk ako diba? And you know... how much I like him. It sounds crazy... pero ganon eh hahah.."

" What happened was... naencounter namin ang parents nya sa may parking lot. He talked to them and.. secret lang ha but his ex.. is coming back. Gusto silang ipakasal ng parents nila sa isa't isa pero.. pede nyang hindi gawin. If may maipapakilala sya na girlfriend nya.." I said at napasapo nalang sila sa noo nila

" Ano to teleserye? Wattpad lang ang peg? Sa tingin moba titigilan yan ng ex nya. Hindi babalik yun kung di nya mahal si Raphael. Isa pa bakit three months lang?" Usisa ni Nicole, sa lahat ng mga pinsan ko pinaka mature syang mag isip

" Well...mag sstay lang dito ng 1 month ang ex nya para maikasal sila at babalik na ito uli sa Europe."

" Ate Noene, hindi sa nangengealam ako pero this is not what you planned to become of your love life. I don't want to keep my thoughts at magaya ka nanaman sa dati.. kaya I'm voicing out. But if you think this is fine... then go."

" I understand Nicole, I'll be fine don't worry. Thank you sa inyo." I said and they all nodded, nagsimula silang mag ligpit ng mga pinagkainan namin.

Such long day...

***

Pababa ako ng hagdan nang may marinig akong nagtatawanan sa baba. Boses nila tita at mama yun at isang pamilyar na boses ng lalaki. Could it be... ?

"Oh eto na pala si Noene eh, ija nandito ang nobyo mo. Hindi mo sinasabi ay may nobyo kana pala. Pumunta tuloy dito nang wala kaming handang pagkain. Ay pagka gwapo at tangkad neto, wag mo nang papakawalan yan!" Mahabang litanya ng isa sa aking mga tiyahin, jusko lalaki ang ulo nitong si Raphael dito. Yes it's him, he's here!

Umalis sila tita at iniwan kami ni Raphael sa sala. Luh, sinundo nya ba talaga ako? Kinikilig ako! Pero syempre pakipot muna HAHAH.

"Bat di mo sinabi na pupunta ka... nakakahiya di manlang kami nakapag ayos ng bahay Raph.." saad ko dito at umupo sa tabi nya,

"It's fine, it looks nice here actually." He said then smiled at me. His eyes are shining and his teeth are so white... ang gwapo nya talaga..

"Ayieeeeee!! Raphael and Noene sitting in a tree, K I S S I N G! HAHAHHAA" sabay sabay na kantyaw nila Andrea and Louise. Jusko mga batang ito talagaa!

"Huy ano ba!" Saway ko sa mga ito pero natigilan ako nang tumawa si Raphael

" It's fine, ang cute nga eh.." he said looking at me then pulling me into his lap. He snuggles his face on my neck while hugging me on my waist.

" I haven't had breakfast yet sweetpea.."he said in a husky cute tone. Gosh.. he's melting me.

Trying not to fall into his moves , I gave in and caressed his face.

" What do you want to eat?" I asked him
"I can cook anything you like, It's one of my specialties." I smiled, melting in his gaze.

He smiled and kissed my cheeks " Your best dish" I was stunned and speechless at what he did. Hoy... first day palang to ng pagpapanggap namin ha. This is a literal snake pit.

I managed to pull a smile and stood up from his lap. "Hmm , dinner na lang kaya kita ipagluto? Mag 7:30 na pala boo eh. " I said , helping myself from laughing because I called him 'boo'

"Oh I almost lost track of time, pero kain muna tayo sa labas." He said , tumayo din ito at kinuha ang bag ko.

" Tinapay ka nalang muna boo, malalate na tayo.." saad ko dito

"So what if I get late? I own the company sweetpea. So, are you ready?" He said offering his hands

I accepted it at sabay kaming naglakad palabas. Naabutan pa namin doon sila mama at mga tita na nagkwekwentuhan.

"Ma, alis na po kami Noene. " Saad nya at nag mano kay mama.

I looked at him as my aunt and uncles talk to him. Nakikisabay lang sya sa mga ito. Mukang nag eenjoy pa.

"Aba Noene, ginayuma mo ata ang batang ito. Ay ang pagkakagwapo ay, mestiso pa. Ano at nagkagusto sa iyo?" Saad ng tiyo Arnel na ikina busangot ng muka ko.

"Grabe, hindi ba pedeng maganda talaga ako kaya ako nagustuhan nito? Tito naman!" Nilingon ko si Raphael at hinila sa balikat.

"Sige na po, una na kami ni Raphael. Malayo layo papo ang papunta sa office."

"Ay hindi ba muna kayo magmeryenda saglit? Shot muna ng isa si Raphael." Saad ng aking ama, oh jusko, agang aga shot ang nasa isip.

"Pa magtatrabaho papo kami saka ang aga aga pa!" Saad ko

"Maybe next time tito, nagagalit na po ang boss eh" saad nito at tumingin sa akin habang sinasabi ang salitang " boss"

"Aysus, sya sige balik kayo sa susunod sa aking birthdayat tayo ay iinom ha!" Saad ni papa at tinapik ang likod ni Raphael

Ngumiti naman ito at sumang ayos saka muling nag paalam na aalis na kami.

This man.. if only he's mine....








Encounter Where stories live. Discover now