𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 1

1 0 0
                                    

One Day, i met Crizza.

"Hi pwedeng maki share ng table?" She asked.

"Oo naman."

"By the way i'm Crizza, ikaw?" Inayos niya ang kaniyang upo saka ngumiti sa'kin.

"I'm Hanna." Nginitian ko rin s'ya pabalik saka ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

"Mahilig ka sa maasim?" Tanong niya ng mapansin niya ang hilaw na mangga sa may gilid ko.

"Nag cri-crave lang." Nahihiya kong sagot.

"Ahh! Okay!"

Habang kumakain kami ay napapansin ko ang sarili ko na pinapawis, ewan ko nahihiya ako kasi palagi lang niya akong sinusulyapan, gusto 'ata ako nitong kainin.

"Pwede bang makipag friend sayo?" Tanong niya at hindi naman ako choosy ng friend nuh.

"Okay lang."

Inabot niya ang kaniyang kamay.

"Para saan yan?"

Ngumiti s'ya, "For Friendship."

Ahh!! kala ko pambata lang ang ganun.

"Checkhands tawag dito diba?" Natawa kong tanong at tumango lang s'ya habang tumikim ng Apple Juice na kakaabot lang ng waiter.

"Hanna, pwede bang sabay na tayo mamaya sa pag-uwi?"

"Ay sorry may kasama ako." Tanggi ko.

"Boyfriend mo nuh?" She teased.

"Hala wala ako niyan nuh. Uhm... kasama ko kasi yung alaga ko." Nahihiya ko pang sagot.

"As in baby? ohh no comeon Hanna seryoso kaba?"

She's laughing, buti nalang maganda s'ya dahil kung hindi naku baka naiinis na ako.

"Ibig kong sabihin uhmm..."

Ang hirap!

"Uhmm.. what?" Ginaya pa niya ako, hayss!

"Basta sasabihin ko nalang sayo kapag alam ko na ang tawag dun."

"Baby sitter?"

"Oo YUN!"

Baby sitter? hmm.. ganun nga yun.

After 3 hours

Palabas na ako ng building ng magkasabay ulit kami ni Crizza.

"Sabay na tayo, gusto ko rin makilala ang alaga mo." Aniya.

"Sige."

"May kapatid pala ako dun sa pinapasukan ng alaga mo." Share niya at napatango lang ako.

Nagkasabay na kaming pumunta sa school ng mga kids.

"Hi Baby, 'andito na s'ya."

Nakita kong papalapit sa'min si Baby Sofia.

"Ateee...."

Ate? anong nakain niya bakit Ate ang tinawag sa akin?

"S'ya ba ang batang inaalagaan mo?" Kumunot ang kaniyang noo habang pinagmasadan ang batang patakbong lumapit sa amin.

Shocks! yumakap ito kay Crizza.

"Oh!" Tumingin si Crizza sa'kin na para bang gulat sa ginawa ng bata.

"Uhm.. Baby Sofia that's my friend, hindi s'ya ako."  Kinuha ko ang bata ngunit mahigpit itong nakakapit kay Crizza.

"Hey Baby!" Bumitaw na agad ang bata sa pagyakap kay Crizza.

"Hanna s'ya ang kapatid ko." Pakilala niya.

"What? as in mag sister kayo?"

Kakagulat naman diba? kung kapatid niya yung batang yun it means kapatid rin niya yung masungit na crush ko, oh nooo!!

"Baby uwi na tayo, Hanna sabay ka nalang sa amin."

"Huh? Eh kung kapatid mo s'ya bakit hindi kita nakita sa bahay niyo?"

"Hindi kami okay ni Kuya." Malungkot na sagot niya.

"Mm.. bakit naman?"

"Long story."

"Ngayon ba ayos na kayo?"

"Hindi pa pero para kay Sofia kakayanin kong harapin s'ya."

"Sino bang may kasalanan sa inyo?" I asked.

"S'ya."

Pagdating namin sa bahay.

"Crizza, you're here?" Gulat na reaksiyon ni Sir. Louie ng makita niya ang kaniyang kapatid na si Crizza.

"Sinamahan ko lang si Sofia." Nakayukong sabi ni Crizza.

"You can stay here tonight."

Mabait naman pala si Sir. Louie kay Crizza, bakit ayaw sa kaniya ng kaniyang kapatid?

"No Kuya hindi na, hinatid ko lang talaga sila dito. Uhmm... Hanna mauna na ako sayo."

Pinisil ni Crizza ang palapulsuhan ko bago s'ya umalis.

"Ingat ka!" Habol ko.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Sir Louie.

"Oo kanina lang dun sa school."

"Close?"

"Hindi pa."

"She's a nice girl."

"Bakit parang ayaw niya sayo?"

"Sasagutin ko pa ba yan?" Tumaas ang makapal niyang kilay.

Sungit ni Kuya.

"Sorry po."

"Sige na bihisan mo na si Baby Sofia para makakin na."

"Magluluto pa po ba ako Sir?" Nahihiya kong tanong baka kasi akala niya na may pagkain akong niluto kanina.

"Nagpapaluto na ako kay Manang kanina bago s'ya umuwi sa kanila." Sagot niya.

Ganun ba talaga ang mga mayayaman hindi marunong magluto?

"Baby Sofia come here."

Pababa na kami ng hagdan ng mapansin ko ang bata na inikot ang kaniyang mga mata na tila ba ay may hinahanap.

"Where's Ate?" Malungkot na tanong nito.

"Umalis baby eh kaya ako nalang muna ang Ate mo ngayon, okay ba?"

"No!! i want Ate Crizza, hindi ka naman pretty eh!"

Sabi ko na nga ba eh. Hayss...

Napansin kong lihim na natawa si Sir. Louie sa sinabi ni Baby Sofia, kakahiya naman oh! oo na hindi na ako pretty.

Nasa harapan na kami ng hapagkainan.

"Eat kana baby."

"No!!"

Umiiling-iling ito ng susubuan ko na.

"Ayaw mo bang kumain? sige wag!" Takot ko kay Baby Sofia saka akma na sanang tatayo ng biglang hawakan ni Sir Louie ang aking kamay.

"Hindi maganda yan! tinatakot mo yung bata." Napairap nalang ako sa kawalan saka bumalik sa pag-upo.

"Sir. ano bang gusto mong gawin ko? hayss... kung hindi ko pa sana kailangan ng pera hindi sana ako magtiis sa batang 'to."

"Sorry ka nalang at pinanganak kang hindi kasing yaman namin."

"Yabang."

"May sinabi ka?"

"Wala."

"Sige na pakainin mo na s'ya, sweetie you have to eat para always healthy okay?"

"But i want to see Ate Crizza."

"No sweetie, gabi na nagpapahinga na ang Ate Crizza mo. Ganito nalang, bukas na bukas ay ibi-visit natin s'ya sa kaniyang condo, ano ayos ba yun?"

"Mmm.." Tumango ang bata at ngumiti.

Sa wakas ay kumain na ito.

Ganun ba niya ka mis ang Ate niya?

Expect the UnexpectedWhere stories live. Discover now