𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 8

0 0 0
                                    

••
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang magluto ng agahan, pagkapunta ko sa kusina ay napahinto ako sa hamba ng pintuan ng makita ko si Sir. Louie na ang agang naghahanda ng maraming pagkain. Dun ko lang nalaman na marunong pa pala s'yang magluto.

"Good morning!" Nakangiting bati niya sa'kin at natawa nalang ako ng makita ang pawis na pawis niyang mukha.

"Good morning din Sir." Lumapit ako sa kaniya saka kinuha ang apron sa may cabinet.

"Ako na dito!" Pigil niya sabay hawak sa aking kamay.

Pinaupo niya ako sa upuan.

"Ako na ang bahala dito, okay?" Aniya sabay kindat.

So cute!

Infierness hindi na s'ya mukhang suplado.

"Pero Sir. trabaho ko-" Hindi na ako nakapagsalita pa ng takpan niya ang bibig ko sa kaniyang daliri.

"Dito kalang okay? panoorin mo lang magluto ng masasarap na putahe ang future boyfriend mo." Sabi niya. Magrereact sana ako kaya lang hindi na ako makapagpigil sa kilig kaya abot tainga akong ngumiti.

Ang sarap mainlove kay Sir. Louie.

Habang pinapanood ko s'yang nagluluto ay bigla ko tuloy naiimagined kung ano ang magiging buhay ko kapag ako ang babaeng papakasalan niya, panigurado ako yung maging pinakamasayang babae sa balat ng lupa.

Nasabi ko sa sarili ko na kapag s'ya ang lalaking makakatuluyan ko lahat ay gagawin ko para araw-araw ay masaya s'ya.

Pasulyap-sulyap s'ya sa'kin habang abala sa pag-aasekaso ng niluluto, gaano kaya ako kaganda sa paningin niya?

"Oh ang aga natin ngayon Hijo ah!" Bungad ni Don. Roman na nakatayo sa may hamba ng pintuan kaya agad akong napatayo sa kinaupuan at bumati sa kaniya.

"Good Morning po Don. Roman uhm.. maupo po muna kayo." Sabi ko dito saka inalalayan.

"Ano kaba Hija, wagkang masyadong pormal, hm? parang pamilya na tayo kaya alisin mo na ang pag-aastang katulong okay? balang araw magiging Roosevelt kana." Masayang sabi ni Don. Roman while patted my head.

Anong maging Roosevelt?

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Kunot noo kong tanong at pinaupo niya ako sa kaniyang tabi habang nakatingin parin sa amin si Sir. Louie.

"Hija, kahit matanda na kami alam namin kung ano ang nararamdaman niyo ni Louie sa isa't-isa." Nagulat ako sa sinabi ni Don. Roman.

"At masaya kami ni Isabel na ikaw ang babaeng naiibigan ng Unico Hijo namin, botong-boto kami sa pagmamahalan niyong dalawa."

Halos manginginig ang mga tuhod ko sa biglaang pangyayari.

Nasa harap na kami ng hapagkainan pero tulala parin ako.

"Hanna, okay kalang?" Tumango lang ako saka uminom ng tubig.

"Kumain kapa Hija, oh Louie lagyan mo naman ng pagkain si Hanna." Nanunuksong utos ni Madam Isabel.

"Uhm.. hindi na po Sir." Kukuha na sana ako ng biglang makabangga ang kutsara namin at sa hiya ko ay agad kong inalis ang kutsara ko.

"Ako na Kuya." Crizza insist.

Lahat sila ay alam ng gusto ako ni Sir. Louie at naramdaman kong boto sila sa'kin kaya lang nahihiya ako.

"May gusto kaba kay Kuya?" Tanong ni Crizza sa'kin.

"Huh-?"

"Hanna i'm asking."

"Paano kung sasabihin ko sayong Oo." Huminga s'ya ng malalim saka ngumiti sa'kin, kahit ngumiti s'ya ay alam kong hindi s'ya masaya.

'Blood is thicker than Water' naalala ko ang sinabi sa'kin dati ni Crizza kaya nalungkot ako. Sino ba naman ako para mas pipiliin ni Sir. Louie over his sister alam kong mas mahalaga para kay Louie ang pamilya kaya buo na ang desisyon kong huwag pansinin kung anuman itong naramdaman ko para sa kaniya dahil kita kong hindi ako gusto ni Crizza na maging Sister-in-law niya.

"Hanna." Tawag ni Sir. Louie sa'kin habang nakikipaglaro kay Baby Sofia.

"Sir." Tumayo ako saka lumapit sa kaniya.

"Hmm.." Pinunasan niya ang pawis sa aking noo gamit ang kamay niya kaya kaya nanginginig ang aking mga tuhod sa bawat oras na magkalapit kami.

Naririnig kaya niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko?

"Sir. baka may makakita sa atin."

"It's okay, hayaan mo lang silang titingin sa'tin. If you worry about Mom and Dad hm.. hindi yun magagalit, boto kaya iyon sa'tin." Aniya at niyakap ako.

"Saka pwede ba tanggalin mo na yang Sir." Reklamo niya.

"Sir. si Crizza." Bulong ko sa kaniya habang nakayakap s'ya sa'kin.

Bumitaw si Sir. Louie.

"What about Crizza, she's your friend."

"Pakiramdam ko kasi ayaw niya ako para sayo. Alam mo naman diba mahirap lang ako saka ang layo-layo ko sa buhay na meron kayo." Malungkot akong nakatanaw sa malayo.

Inakbayan niya ako at saka niyakap.

"Crizza is not like that, siguro nagulat lang s'ya pero kilala mo naman yun hindi s'ya matapobre."

"Alam ko naman." Huminga ako ng malalim saka umupo sa upuan na parang balesa.

Sinaksak ko sa aking utak na hindi kami pwede ni Sir. Louie pero magkasama kami sa iisang bahay at lagi kaming magkikita at lagi niyang pinapakita sa'kin kung gaano niya ako kamahal. Tuwing iiwas ako sa kaniya ay lagi naman akong napagsabihan nina Madam at Don. Roman na huwag ko raw iiwasan si Sir. Louie.

Lumipas ang dalawang linggo ay ganun parin ang set-up sa pagitan naming dalawa ni Sir. Louie kay a nagbalak nalang akong umalis sa pamamahay nila kaya lang pinigilan ako ni Crizza, s'ya mismo ang nakiusap na huwag akong umalis.

Pinayuhan ako ni Crizza na huwag akong titingin sa kapatid niya kung ayaw ko raw mas mahulog pa ng malalim dito. Gusto ako ni Crizza at mahal niya ako bilang kaibigan at hindi bilang sister-in-law kaya ayos na yun sa'kin.

"Hang-out daw tayo sabi ni Kierro." Sabi ni Crizza habang nanonood kami ng movie kasama sina Sir. Louie at Madam Isabel.

"Sasama kana sa kanila Hijo." Suhestiyon ni Madam Isabel.

"No Mom! baka makakasira lang yun sa bonding naming magkaibigan." Nakangusong kontra ni Crizza.

"Alangan naman kasing maging lonely si Hanna dun habang kaya ay may partner." Singit naman ni Don. Roman na nasa sahig nakaupo nakikipaglaro kay Sofia.

"Don't worry Mom Dad 'andito naman ako, saka ano pong partner sinasabi niyo? Lilinawin ko lang huh wala kaming relasyon ni Kierro nuh saka sina  Kuya at Hanna wala rin." Mahabang litanya niya habang ngumunguya ng popcorn.

Napansin ko ang tahimik at malungkot na mukha ni Sir. Louie habang nagkunwaring nag focus sa panonood ng tv. Sa totoo lang naawa na ako sa kaniya kaya lang natatakot ako na baka kung susundin ko ang aking puso ay mawawalan ako ng kaibigan.

Expect the UnexpectedWhere stories live. Discover now