Niyakap ako ni Louie ng sobrang higpit while letting me sit on his lap.
"I miss you." Bulong niya habang hinalikan ang aking leeg.
Sobrang saya ko the way na hahalikan niya 'ko, pakiramdam ko ay wala ng mas hihigit pa sa kasiyahang naranasan ko tuwing s'ya ang kasama ko.
"Louie baka may makakita sa'tin dito." Reklamo ko habang pinipigilan ang kamay niya na humawak sa kung saan-saang parte ng aking katawan.
I want it but i feel embarassed.
"Can i take you to my room?" He whispered with a sweet smile.
"You can't!" Agad akong napailing dahil mukhang iba na ang naiisip niyang mangyayari.
I know i love Louie but i can't give him my own.
Tumayo ako ngunit bigla niya akong binuhat papunta sa kaniyang kwarto.
"Louie babalik na 'ko ro'n baka hinanap na ako ni Crizza." Sabi ko ng ilapag niya ako sa malaki niyang bed.
"No. You stay here. Don't worry about her hindi yun magigising." Hinaplos niya ang aking pisngi saka hinalikan ang tungki ng aking ilong.
I know he want something from me.
Muli ay napatitig s'ya sa hugis ng katawan ko, sobrang nipis kasi ng soot kong pampatulog kaya klaro nito ang hubog ng aking pangangatawan.
Unti-unti ay inilapit niya ang kaniyang mukha sa'kin dahilan para mapabalikwas ako mula sa pagkakahiga saka mabilis na bumangon.
"Hanna, why?" He asked.
Hindi ko alam pa'no sabihin sa kaniya but i have to.
"I'm sorry Louie pero hindi pa-"
"Your not ready right? hmm... i know already, hindi naman kita dinadala dito para gawin yun, i respect you a lot Hanna and i love you kaya never akong gagawa ng bagay na alam kong hindi pa dapat." Aniya.
Tumulo ang mga luha ko na napayakap sa kaniya, hindi ko akalaing kaya pala niyang respetuhin ang isang kagaya ko. The way he respect me ay the way rin na mas lumalim ang pagmamahal ko sa kaniya.
That night he asked me to sleep next to him at pumayag naman ako kasi alam kong malaki ang respeto niya sa'kin bilang girlfriend niya. After that night, napatunayan nga niya sa'kin kung gaano niya ako nererespeto. Magkasama kaming bumangon at pumunta sa washing room upang maghilamos.
"Han, thank you ha." Aniya sabay halik sa aking noo.
"Para sa'n?"
"For trusting me."
His not just handsome but he's also full of respect.
"I love you!"
"I love you too my girl."
Pagkalabas namin ni Louie sa kaniyang kwarto ay aksidente kaming nakita ni Crizza. Lumapit ito sa'min saka tinignan kami from head to toe siguro napansin niya na iba na ang soot ko.
"Bakit mo soot ang polo shirt ni Kuya?" Curious na tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Louie ng isang saglit.
"I can explain."
"You don't have to. Malinaw na sa'kin Kuya kung ano yung nakikita ko! I-I can't handle this! What the fuck are you thinking of."
"What's happening here?" Mahinang tanong ni Tito Roman.
(tito nalang muna saka na 'yung daddy kung kasal na kami ng Unico hijo niya.)
"Son, are you sleeping with her?" Napakagat labi nalang ako. Kahit sabihin namin ang totoo na wala kaming ibang ginagawa maliban sa pagtulog ay hindi sila maniniwala.
"Dad it's just- Uhm.. yes i-i'm-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Louie ng bigla s'yang pagbuhatan ng kamay ni Don. Roman.
"Honey! bakit mo sinuntok ang anak natin!?" Tarantang lumapit ang ginang kay Louie.
"Wala kana bang respeto ngayon sa babae?! Hindi kita pinapayagang makipagrelasyon para lamang sa isang walang kwentang bagay!" Galit na sigaw ni Don. Roman.
Handa na akong magalit sila sa'kin at tignan ako bilang isang masamang babae.
"Pakasalan mo s'ya sa lalong madaling panahon!!" Utos nito saka umalis kasama ang tauhan neto at mabilis namang humabol si Crizza.
Pakakasalan? seryoso ba s'ya?
Imbes na magalit si Louie sa pambibintang ng kaniyang ama na nakipagtalik a'kin ay nakita ko sa kaniyang mga labi ang mga ngiti.
"B-Bakit ka nakangiti?"
"I'm just 'HAPPY' bakit hindi kaba masaya? na ikakasal sa'kin?"
Huminga lang ako ng malalim saka nag walk-out.
Ang bilis naman kasi 'di ba? sobrang bilis wala pa nga kaming isang buwan tapos ikakasal na agad."Anong nerereklamo mo d'yan?" Tanong na naggaling sa aking likuran.
Paglingon ko ay tumambad sa aking mga mata si Ate Iris na may dalang ice coffee narinig niya 'ata yung bulong ko sa hangin.
"Oh palamig ka muna masyado kang mainit kagabi."
ay. Si Ate nagpaparinig!
Napairap nalang ako sabay kuha ng ice coffee at mabilis na iniinom.
"Meron paba?" Pagsusungit na tanong ko at napairap sa kawalan.
"Gusto mo pa?" Taas kilay na tanong niya.
Kakainis talaga ang babaeng 'to lagi nalang akong kinokontra. Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa ref. upang kukuha ulit ng ice coffee. Pagbukas ko sa ref. ay nagulat ako ng may biglang yumakap sa aking likuran and it was Louie.
"Galit kaba?" Pinaharap niya ako sa kaniya.
Umiwas ako ng tingin kay Louie dahil ayokong s'yang kausapin, nagtatampo ako kasi hindi man lang s'ya nag eexplain agad.
"Okay, i'm sorry." Aniya at hinalikan ako sa noo alam na siguro niya ang nararamdaman ko.
Aaminin kong kinilig ako sa comfort na ginawa niya pero hindi parin nawawala yung tampo ko maliban nalang siguro kung sasabihin niya ang totoo sa parents niya na wala talagang nangyari sa'min.
"Ano bang gusto mong gawin ko para mawala yang tampo mo sa'kin, hmm?"
"Gagawin mo ba?" Tanong ko at nakita ko sa kaniyang mga mata na willing s'yang gawin kung anuman ang gusto kong ipagawa.
"Uhm.. kausapin mo yung Mommy at Daddy mo lalo na si Crizza na walang nangyaring love making sa'tin kagabi. E-explain mo lahat sa abot ng makakaya mo."
"So you mean ayaw mo'kong pakasalan? I'm not the man of your dreams." Bagsak ang balikat niya na bumitaw sa'kin.
Infierness cute niyang magtampo!
"Nagtatampo kaba sa'kin?" Tanong ko pero bigla nalang s'yang umiwas sa'kin ng tingin.
"Akala ko kasi handa ka ng magpakasal sa'kin, yes alam ko na bago pa tayo pero Hanna mahal na mahal kita for almost 2 years at ganun ka rin sa'kin." Mahinang sabi niya.
Well, tama naman s'ya dun kaya lang ayoko pang matali sa isang relasyong alam kong wala na akong kawala mahirap na. Although mahal na mahal ko si Louie pero hindi ibig sabihin na pakakasalan ko na kaagad s'ya, Gusto ko munang pag-isipang mabuti kung talagang s'ya ba ang tamang lalaki para sa'kin.
"You love me right?"
"Yes i love you." He answered.
"Then, understand me."
"I understand you Hanna."