𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 11

0 0 0
                                    

Isang gabi, mag-isa lang ako sa kwarto ni Crizza hanggang sa mga oras na 'to ay 'di parin s'ya umawi kasama sina Kierro at iba pa nilang tropa.
I'm her bestfriend kaya natural lang na mag-alala ako para sa kaniya. Sinubukan ko s'yang tawagan pero hindi ko s'ya ma contact, dapat ay nasa bahay na s'ya sa mga oras na 'to. I tried to reach out Kierro pero pati s'ya ay nakapatay ang phone.

Hanggang sa mag aalas onse na ng gabi ay nakarinig ako ng sigaw ni Ate Iris mula sa baba kaya mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto upang tignan kung ano ang nangyari.

Then, i saw Crizza, she's drunk.

"Crizza!" Agad ko s'yang inalalayan papunta sa kwarto niya.

"Ate Iris tulungan mo naman ako."

Nagtulungan kaming iakyat si Crizza sa room hanggang sa magtagumpay kami.

"Teka lang Hanna, Kukuha lang ako ng pamunas kay Ma'am Crizza."

"Sige Ate."

Pagkalabas ni Ate Iris ay lumapit ako kay Crizza, tinitigan ko ang kaniyang mukha sobrang lungkot niya at sigurado akong galing s'yang umiiyak.

Habang nakatitig ako sa kaniyang mukha ay nakita ko ang pagkakatulad ng kanilang mga mata ni Louie sobrang attractive, Yun siguro ang  rason kung bakit baliw na baliw sa kaniya si Kierro.

"Oh-Uhm.. tabi ka muna pupunasan ko lang si Ma'am." Sabi ni Ate Iris na kakarating lang.

"Huh-? Eh hindi na Ate Iris, ako na ang bahala dito magpahinga ka nalang." Sabi ko sa kaniya at hindi naman s'ya tumanggi pa, dahil siguro sa antok niya.

Pagkatapos kong mapunasan ang mukha at katawan ni Crizza ay pinalitan ko na kaagad s'ya ng makapal na damit pantulog. Then after ay humiga ako sa tabi niya at nakayakap habang pinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyang makatulog.

"I love you." Si Crizza.

Tinignan ko s'ya pero nakapikit ang kaniyang mga mata, maybe she's dreaming.

"Love me please.." Niyakap ko s'ya ng mahigpit upang iparamdam sa kaniyang may nagmamahal sa kaniya.

Si Kierro kaya ang kinakausap niya sa kaniyang panaginip? o baka may iba s'yang minamahal secretly.

"I can't live without you." Aniya.

"Hey! Crizza." Tawag ko pero hindi na s'ya nagsalita pa kaya natulog nalang ako.

Kinabukasan,
Pagkagising ko ay tulog parin si Crizza kaya ina'ntay ko nalang muna s'yang magising bago ako lalabas ng room.

"Hanna." Banggit niya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagdilat ng kaniyang mga mata.

"Buti gising kana, kumusta ang pakiramdam mo?" Inalalayan ko s'ya sa kaniyang pagbangon.

Nakahawak s'ya sa kaniyang ulo, "Ouch! sakit!"

Kumuha ako ng tubig sa may table saka pinainom sa kaniya.

"Naglalasing ka kasi eh." Sisi ko sa kaniya.

"Kagabi? uhm.." Marahan niyang tinignan ang kaniyang suot na damit.

"B-Bakit..."

Kita ko ang pagka shocks niya ng mapansing iba na ang suot niyang damit.

"Okay ka lang Crizza?"

"Uhm.. si-sinong nagpalit sa'kin ng damit?" Nahihiya niyang tanong.

"Ako lang naman eh, kaya 'di ka dapat mahiya." O smiled.

"I-Ikaw!?"

"Grabe 'to wag ka namang masyadong oa ako lang 'to saka pareho tayong babae wala ka dapat ikahiya."

Expect the UnexpectedWhere stories live. Discover now