𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 7

0 0 0
                                    

"Ako rin Hanna may gift ako para sayo-" Inabot ni Crizza ang maliit na kahon sa'kin.

"Ano 'to?"

Wala na akong pagdadalawang isip pa at binuksan kaagad ang kahon na iyon at napatakip bibig ako pagkabukas ko.

"WOW!!"

"Hindi ba 5M 'yan?" Reaksiyon ni Ate Iris na nasa likod ko.

"5M?" React naman ni Sir. Louie at nakakunot pa ang kaniyang kilay.

"Crizza, totoo bang million ang halaga nito?" Para akong lantang gulay na hinintay ang sagot ni Crizza.

"It's just a money, am i right mom dad?"

Lagot ako nito baka bawiin sa'kin ang bahay at lupa!!

Akala ko ay magagalit ang Mommy at Daddy niya pero hindi iyon ang nangyari.

"I'm so proud of you hija." Don. Roman patted her head.

Anong nakakaproud do'n?

"Pasensya na Crizza pero hindi ko talaga 'to kayang tanggapin." Nahihiya kong saad at ibinalik ang bacelet sa loob ng kahon.

"No Hanna tanggapin mo na yan,"

"You spend million just to buy that Bracelet, tsk." Inis na wika na sabi ni Sir. Louie kaya mas lalo tuloy akong nahihiya.

"Tama si Sir. Louie." Pag sang-ayon ko.

"Inggit kalang Kuya eh, Wala ka kasing maibigay kay Hanna." anito sabay irap.

"Of course meron."

Huh? Meron?

"Weeh-? meron daw kahit wala naman."

"Hanna, later ko nalang ibibigay yung gift ko sayo." Sabi ni Sir. Louie sabay kindat at kita ko kung paano nainis si Crizza.

"Oh buti pa magpahinga na kayo baka mamaya mag-away pa kayo." Sabi ni Madam Isabel.

"Si Kuya kasi eh yabang!"

"Tsk. pikon."

12:09 in the midnight

Lumabas ako ng kwarto hindi kasi ako makatulog sa sobrang daming ganap, hindi ako makapaniwalang nakatapos na ako ng college at nakatanggap pa ako ng expensive gift mula sa pamilyang pinagsisilbihan ko.

At isa na rin sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay dahil yun kay Sir. Louie umaasa akong totoo yung sabi niya na may ibibigay s'yang gift sa'kin.

Gosshh!! SELF!! umasa ka naman!.

"Hindi ka makatulog?" Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Sir. Louie na may dalang bottle of wine. Ayain kaya niya akong uminom?

Nasa pool ako nagpapahangin at tumabi s'ya sa'kin.

"You want?" Aniya sabay abot ng chocolate.

"Mm..thank you." Hindi ko na iyon kinain.

Syempre remembance, ano ba kayo!

"Hanna" Tawag niya at pagtingin ko sa kaniya ay nagtama ang aming mga mata.

Parang gusto ko ng magtatalon sa kilig.

Nagtitigan kami ng ilang segundo at parang umikot ang paligid namin.

"Uhm.. eto gift ko para sayo buksan mo." Nagliwanag ang mga mata ko ng masilayan ang maliit na box.

Singsing 'ata 'to?

Inabot niya sa'kin ang box at agad ko itong binuksan.

"Haaa!!" Nagulat ako sa'king nakita.

It's a NECKLACE!!

Expect the UnexpectedWhere stories live. Discover now