After class,
"Tayo na" Hinawakan ako ni Crizza papunta sa kotse ni Kierro.
"Huy anong gagawin natin d'yan?"
"Sabay na tayo sa kotse niya."
"Ikaw nalang nakakahiya."
"Crush mo ba si Kierro?"
"Hindi ah!" Mabilis kong sagot.
"Good."
Anong nakakagood dun?
Hindi na ako nagsalita pa baka aasarin niya ako sa harap ni Kierro nakakahiya kaya.
"Pasok na kayo." Aya ni Kierro.
Nasa loob na kami ng kotse ng biglang mag ring ang phone ni Crizza kaya agad s'yang nagpaalam kay Kierro na lalabas muna upang sagutin ang tawag ni Sir. Louie.
Kami nalang dalawa ni Kierro sa loob ng kotse.
"Alam mo bang crush yan ng campus si Crizza?" Chika niya at lumipat ng upuan katabi sa'kin.
"Mm.. hindi eh, bago ko palang kasi s'ya nakilala." Sagot ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha.
Amoy palang ng hininga niya Naks!! nakakainlove ang bango.
Umayos s'ya ng upo saka sinilip si Crizza sa pintuan ng kotse.
"Your so lucky to be her bestriend, alam mo kasi wala yan masyadong kaibigan masyado kasing mapili sa mga taong kakaibiganin niya."
"Ganun ba, uhm.. 'di ba sabi mo crush s'ya ng campus so, ibig mong sabihin crush mo s'ya?" Klaro ko at makikita ko sa kaniyang mga mata na sinasabing tama ako at totoong gusto niya si Crizza, s'ya na nga nagsabi eh na crush ng campus si Crizza.
"You're funny!" Natatawa niyang sabi, ano bang nakakatawa dun?
"Honestly, yes i have a crush on her pero secret lang natin 'to ha ayokong malalaman niya."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko mula kay Kierro, ewan ko bakit parang may part sa'kin na nanghihina ako.
"Bakit hindi mo s'ya niligawan?" Tanga ka talaga Hanna!! mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon!
"Support kaba?"
"Huh?" Umiiwas ako ng tingin kay Kierro baka mahalata niyang nagseselos ako.
No! hindi dapat ako magselos loyal kaya ako kay Sir. Louie.
"Guys!!" Napausog ako ng upuan ng dumating si Crizza, si Kierro naman ay bumalik na sa driver seat.
"Sorry guys kung medyo natagalan ako, uhm... Kierro pwede bang ibaba mo nalang ako dun sa Del Rio Hotel? 'andun kasi sina Kuya at Sofia eh." Sabi ni Crizza na kinagulat ko.
"Mm.. kung ganun kami nalang ni Hanna ang maiiwan?"
"Asa ka namang iwanan ko s'ya sayo." Ani Crizza sabay irap kay Kierro.
"Sasabay kana sa'kin Hanna." Hinawakan ni Crizza ang mga kamay ko na nanginginig kanina pa.
Bakit ba naman ang dami kong crush sa mundong 'to!!
"Hindi ba ako kasama?" Paglalambing na tanong ni Kierro halatang nagpapapansin, ako nalang kaya ang pa kyutan niya hindi ko s'ya babalewalain.
"Gusto mo ba makita si Kuya?" Tanong ni Crizza na may nakakatakot na tingin.
"Ay.. sabi ko nga e hindi na, kayo nalang hmm.."
Infierness kyut ni Kierro.
Halos napasigaw ako ng bumaba na kami ng kotse niya at nagpaalam.
"Ayos ka lang Hanna?" Tanong ni Crizza sa'kin at hinihimas ang aking likod akala kasi niya ay inuobo ako.
"May hika ka ba?"
"Ah-Oo" Nahihiya kong sagot.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi? Wait lang, 'antayin mo'ko dito bibili lang ako ng inhaler mo tapos sabay na tayong papasok sa loob, ano okay ba yun?" Pag-alala niya.
"Hindi na kailangan Crizza may inhaler pa naman ako dito sa bag ko, sige na pasok na tayo sa loob."
Buti nalang ay na convince ko si Crizza na huwag ng bibili kasi sayang naman diba, e hindi naman ako hikain.
"Let's go." Naghahawak kamay pa kaming pumasok sa loob ng Hotel.
"James?" Kumunot ang noo ni Crizza ng sa pagpasok namin sa Table na pinapareserve ni Sir. Louie ay 'andun si James.
"Kuya what the hell is this?" Naramdaman kong naninigas ang palad ni Crizza habang nakakuyom ito.
Tumayo si Sir. Louie, "Crizza, i can explain."
"Then, explain!" Tumulo ang mga luha niya na sumigaw kay Sir. Louie.
"Crizza i'm sorry for being here, alam kong hindi dapat ako nandito kaya lang i have to do this." Mahinang saad nung guy na nasa tabi ni Sir. Louie.
"What you bring here James! answer!!" Sigaw ni Crizza.
I know she's HURT.
Tumulo ang mga luha ni James na hinawakan ang kamay ni Crizza, he kneel down at pipigilan pa sana s'ya ni Sir. Louie pero hindi na ito nagpaawat.
"I'm sorry. I'm sorry kung naging duwag akong harapin ang totoo. It's all my fault Crizza kung bakit nasira yung relasyon natin, nung sa Japan ako kasama si Louie marami akong narerealize sa sarili ko. Bigla ko nalang na fefeel na masaya ako tuwing kasama s'ya, tuwing kausap s'ya at unti-unti ay nalaman kong nahulog na pala ako sa kaniya, inamin ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman pero gaya ng inaasahan ko hindi niya ako kayang mahalin pabalik, he hates me and hiniling niya na iwanan kita because i don't deserve your love, natakot ako nun kasi bukod sa pwede kang magalit sa'kin ay ayoko ring mawalan ng koneksiyon kay Louie. I'm sosorry kung sinira ko ang relasyon niyong magkapatid dahil sa galit ko na hindi niya ako kayang mahalin pabalik." Sa haba na litanya niya ay unti-unti naming nakikita ang pagiging feminine niya.
"W-Why?!" Naiiyak na tanong ni Crizza habang hawak hawak parin ang kamay ko.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit mo'ko hinayaang lamunin ako ng galit kay Kuya Louie?! Bakit?"
"I'm sorry Crizza.. i'm sosorry hindi ko naman alam eh na ganito yung mararamdaman ko bigla nalang nangyari 'to." Patuloy parin sa pag-iyak si James, kawawa naman s'ya.
"Anong nagpapabago sa isip mo? Bakit mo inamin ang mga kasalanan mo?" Kalmadong tanong ni Crizza.
"May Leukemia ako, cancer sa dugo stage 3 at may isang buwan nalang ako para mabuhay. Crizza sana mapapatawad mo'ko at matatanggap mo ang kapatid mo."
Walang nagawa si Crizza kundi ang umiyak.
Sino bang tao ang baliw na magalit sa taong malapit ng mamatay, 'di ba?
"Sir. hanap na po tayo ni Ma'am." Ani ng isang babae na palapit kay James.
Pagkaalis nina James ay humagulhol si Crizza na napayakap kay Sir. Louie.