One

8.1K 90 7
                                    

COLET'S POV:

ako si Maria Nicolette Vergara "colet " for short . Isa ako sa trainee ng starhunt at first sobrang tahimik ko sa ibang trainee's kasi taga province kasi ako at sa language barrier din. Awkward kasi mag tagalog nung mga unang linggo ko sa starhunt hehe. Pero may isang trainee na nag approach sakin siya si maloi at first nahihiya talaga ako makipag usap sa kanya pero sobrang daldal niya kaya habang tumagal nagka sundo din kami. Naging hype na din ako minsan pag magka usap kami. Tapos may nakasundo rin ako na ibang trainee siya si sheena. Months ang nakalipas out of 200+ na nag training 8 nalang kami natira at isang group na kami. Pero kahit buo na kaming 8 as a group todo practice parin kami.






🐼: Hooo nakakapagod at gusto ko na talaga umiyak!  (sabi ni Maloi habang umiinom ng tubig)





Break time kasi nami ngayon. Habang ako nasa tabi lang nakaupo at sobrang pagod na din.




🐰: FIGHT FIGHT FIGHT kaya natin to walo nalang tayong natira, group na tayo kaya kakayanin natin to! Walang susuko!




🐥: Group hug guuuuys!




(nag group hug kami at natawa nalang pagkatapos)



Si Jho ang leader namin, kahit minsan siya ang laging bunot sa trip ng group pero best leader siya pag dating sa mga ganitong bagay. Sobrang daldal rin ni jho kaya kahit leader siya di kami na iilang sa kanya pagdating sa kalukuhan. At first di kami nag uusap kasi sabi niya natatakot daw siya sakin kasi di daw ako pala salita at laging nasa gilid lang HAHAH Pero sa mga nagdaang araw ay unti unti din kaming nagka sundo dahil siguro sa pagka funny niyang tao. Sa ngayon isa na siya sa pinaka close ko maliban kay shee at maloi




Lagi ko siyang inaasar at binabanatan ng mga corny na jokes at sweet lines gaya ng:



🐺: Di bagay sayo contempt , bagay ka sakin!


🐺: ikaw ang Jho sa JHOLET ko HAHAHA



At first friend lang talaga ang turing ko sa kanya pero habang tumatagal nag iba na ang feelings ko. Parang ang lungkot ko pag di kami magkatabi at sobrang saya ko pag kasama ko siya like sobrang saya ko talaga na lahat ng funny side ko pinapakita ko but she likes someone else ☹️





Minsan dina nga niya ako napapasin pag nandiyan yung crush niya at tsaka lagi niya yung bukang bibig at aware kami dun sa crush niya. Siya si JL , sa ibang group siya pero iisang building lang kami nag tra-traning. Minsan nga nag titipon ang girl at boy group na mag training kaya sobrang saya ni Jho pag magkasabay kami sa boy group hays





________

Pagka tapos naming mag training, papunta na kami sa bini house magkasama pala kaming walo sa iisang bahay





🐥: Ate colet samahan mo muna ako may bibilhin lang ako sa mall , PLEASE (nag pout pa ng lips)



Sobrang whipped ko pagpadating kay Jhoanna kaya nag yes ako agad!





🐼: Hmmmm (Pabulong na sabi)





Tinignan ko siya ng masama





🐺: Buang ka talaga (Pabulong din na sabi ko sa kanya)



Alam kasi ni maloi na may crush ako kay Jho. Sobrang kulit kasi ni maloi tanong ng tanong sakin kung may crush ba ako kay jho kasi iba raw treatment ko kay jho at sa ibang members kaya napa amin tuloy ako pero secret lang namin yun syempre! Hihi




MAHAL KO O MAHAL AKO? Where stories live. Discover now