*flashback*
"shanti anak,paki dala naman tong dalawang kilo ng baboy sa tito ramon mo" sabi ng mama niya.
"opo ma,ay nga pala ma pwede po bang magstay ako dun?"malambing na tanong ng 12 anyos na si shanti.
Ngumiti ang ginang at agad na nag salita "sige pero hwag kang magpapa-gabe."
"opo mama,bago po mag alas sais andito nako" lumabas na ng kusina at bitbit ang dalawang kilong baboy ng makita niya ang kanyang ama sa sala."andito kana pala pa,ang aga niyo naman po gumarahe?"
"Nakaramdam kasi ako ng sakit ng pangangatawan anak,kaya naisipan ko magpahinga na muna.Maayos naman ang income ko sa pasada."isang taxi driver ang kanyang ama.At sariling taxi nila ang pinapasada nito kaya okay lang kung ano oras pwede gumarahe ang papa niya.
"Ganon po ba?sige po magpahinga na po kayo jan at dadalhin ko lang po tong pinabibigay ni mama para kay tito ramon".
"sige anak mag-iingat ka wag ka magpapagabe".turan ng kanyang ama.
Bago maka-alis si shanti ay nagkaroon sila ng bisita ang kumpare ng kanyang ama na si joey.Humingi ito ng pabor kung maaari ba nitong ipasada ang taxi nila kasi nangangailangan daw ito ng pambili ng gatas ng mga anak niya.Pinahiram ito ng kanyang ama na agad namang pinasada ng kumpare nito.
"oy shanti mag aalas syete na di ka pa rin uuwi?" Puna ng kanyang tyuhing pulis na kakauwi lang galing sa trabaho.
Agad namang napabalikwas ng bangon ang bata dahil sa gulat.Hindi dahil sa dumating na ang tyuhin kundi sa oras na nasabi nito.Ang paalam kasi niya sa mama nito bago mag alas sais ay nakauwi na siya.Agad na bumangon sa kakahiga ang bata."aalis ba po ako" at patakbong lumabas na ng bahay.
"mag-iingat ka insan.lagot ka nanaman sa mama mo.hahahaha"rinig niyang sabi ng pinsan niyang si Charlotte.
Malapit na si shanti sa kanilang bahay ng makita niya ang taxi na nakaparada na sa tapat ng bahay nila."nauna pang umuwi ang taxi kesa sakin.tsk".sabi nia sa sarili.Pero nagtaka si shanti kung bakit may itim na kotse din ang nakaparada sa tapat nang bahay nila."may bisita kaming mayaman siguro."
Papasok na nang bahay si shanti ng mapahinto siya sa pag-lalakad.Naririnig niyang umiiyak ang kanyang ina gayon din ang kanyang mga kapatid."ano ang nangyayari?" Tanong nito sa sarili at mabilis na lumapit siya sa pinto na bahagyang nakabukas.Sumilip siya doon para alamin kung ano ang nangyayari laking gulat niya ng may makita siyang limang lalaki na halos naka itim lahat.Napalingon ang isa sa direction niya pero agad siyang nakakubli at umalis sa kanyang pwesto.Dahan dahan siyang lumapit sa likod ng bahay at hinanap niya ang malaking butas sa dingding kung saan makikita niya lahat ng nangyayari sa loob ng bahay.
Sumilip siya dun at kitang kita niya nga nakaluhod ang kanyang ama sa harapan ng isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa mid thirties na ito.Katabi ng kanyang ama ang ina nitong umiiyak habang hawak ang 8 taong gulang nitong mga kapatid na kambal.Narinig niyang sumigaw ang isang lalaki sa salitang hindi niya naintindihan.Pero agad iyon na translate ng katabi nitong lalaki.
"Uulitin ko,asan ang brief case na naiwan sa taxi mo?"
"wala po talaga sa akin at di ko po alam ang sinasabi niyo."sabi ng ama nito.
Agad na nagimbal si shanti ng makita nitong tinotukan ng baril ang kanyang ama.Kalibre 45 ang baril at may silentcer iyon upang di marinig ang putok ng baril.Alam niya yun kasi ganon din ang baril ng tyuhin niya.Sunod na nakita ni shanti ay ang pag bagsak ng kanyang ama sa sahig na dugoan sumigawa ang kanyang ina nang saklolo pero agad din itong binaril.Pero di pa nakuntento ang demonyong lalaki pati ang kambal niyang kapatid ay pinagbabaril din.
Nanlalaki ang mata at ipit ang iyak ang ginawa niya nang masaksihan ang ginawa sa pamilya niya.Matapos pagbabarilin ay ginulo ang bahay nila na may hinahanap.Nang wala silang matagpuan agad naman umalis ang mga kalalakihan.
Sampung minuto bago ang nakalipas ng mag sink in sa utak ni shanti ang nangyari sa kanyang pamilya agad siyang tumakbo papasok sa bahay nila at nanginginig na hinawakan isa isa ang kanyang mga magulang at kapatid."papatayin kitang demonyo ka".Sigaw ni shanti habang yakap yakap ang pamilya nito.
*present*
"Shanti" tapik ng tyuhin niya sa balikat niya na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan."alam kung ang pangyayaring yun ang tumatakbo sa isipan mo.Di ko inaalis sa'yo na kalimutan mo ang nangyari.Pero sana matutunang magpatawad at tanggapin ang nangyari."turan ng tyuhin niyang si ramon.
"walang kapatawaran ang ginawa niya sa pamilya ko.matututunan ko lang sigurong tanggapin ang lahat kung naka paghiganti naku".sagot niya sa tyuhin habang titig na titig ito sa lapida ng kanyang pamilya.15 years na ang nakakaraan pero di pa rin matahimik ang kanyang isipan sa nangyari sa kanyang pamilya.
Malalim ang buntong hininga ni ramon sa sinagot ng dalaga."mag-iingat ka dun.Pag isipan mo ang lahat ng bagay bago mo gawin.Tandaan mong wala kang ibang pamilyang malalapitan doon sa oras ng iyong pangangailangan.Bilisan mo na jan antayin na kita sa kotse malelate kana sa flight mo".Tuluyan na siyang iniwan ng kanyang tyuhin.
"Ma,pa,at sa mga kapatid ko.Dumating na ang oras na maniningil na tayo.Hwag kayong mag alala ibibigay ko sa inyo ang hustiyang di natin nakuha".hinaplos niya ang lapida ng kanyang pamilya at agad nang umalis.
Nasa airport na sila nag pigilan siya nag pinsan niyang si Charlotte. "Oy insan dalhin mo to."may binigay itong picture ng lalaki."Pag nakita mo siya ipa autograph mo naman yan tapos ibigay mo number ko sa kanya sabihin mong tawagan ako.hehehehe".sabi ng pinsan niyang kinikilig pa.
Tiningnan ni shanti ang picture.Gwapo ito at makinis ang mukha."sino ba to?"
"yan kasi walang kahilig hilig manunood ng tv at trabaho lang ang inuuna kaya di kilala ang mga sikat na artista.Si Lee Min ho yan pina ka sikat na actor sa korea.Kaya pag nakita mo siya wag mo kakalimutan ang sinabi ko."
Ibinalik niya ang picture dito."nangangarap ka nanaman ng gising.At isa pa di siya ang pinunta ko dun kaya tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo.Aalis naku baka maiwanan pako ng eroplano dahil sa kabaliwan mo.Tiyo roman pakibantayan mo yang pinsan ko baka isang araw makita mo nlang naghuhubad na yan sa harap ng picture na yan.hahahaha..aalis naku..magiingat kayo".pagkasbi nun ay pumasok na siya ng airport upang mag check in.
"Bitter ka talaga,shanti".Rinig niyang sigaw ng pinsan niyang baliw.

BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
FanfictionMay dalawang tao ang paglalapitin ng tadhana. Si Lee Min ho isang sikat na actor sa bansang korea na makikilala ang isang babaeng estranghera na gugulo sa kanyang nananahimik na mundo.Papaano kaya niya pakakatiwalaan ang isang babaeng di man lang ka...