Aurelie's POV
"Sigurado ba kayo na sumali talaga siya?" Ulit na tanong ko kay Apple nang makarating kami sa venue kung saan gaganapin ang contest.
Tumango naman si Apple, "Oo nga!! Paulit-ulit! sabi ni Aid sa'kin kanina sumali si Marshall bilang electric guitarist nila!! Tapos balak mo pa talagang matulog sa dorm e no!" Malakas na sagot ni Apple upang marinig ko ito ng mabuti.
Marami na ang mga estudyante ang nag aantay sa mga performers dito sa may ibaba ng stage at magsimula na ang contest. Crowded ang lugar kaya nahihirapan kaming kimilos ng mga kasama ko sa daming taong gustong manood ng banda.
"Nandyan na ba sila? Bumili na rin ako ng makakain natin sa food booth. Alam n'yo naman masyadong madali magutom si Aurelie" Sabi ni Myla nang makarating sa pwesto namin na may dalang isang paper bag na naglalaman ng pagkain. " Pustahan ta'yo ah, mananalo ang banda nila Aid! Sisigaw talaga ako sa gitna!"
Napangiwi ako, "At paano naman kong hindi? I mean hindi mananalo ang banda ni Aid? Sisigaw ka parin ba sa gitna ng stage?" Pambabara ko upang sila ay mapalingon sa'kin.
"That means wala ka ng pag-asa kay Marshall. So kailangan mo nang mag move on sa kanya kapag natalo sila ngayon sa contest..." Sagot ni Apple.
Hindi na ako nakipagbangayan sa kanila at itinuon nalang ang aking tingin sa ibabaw ng stage. Lumipas ang ilang oras na paghihintay ay nagsalita na 'yung emcee sa gilid ng stage kaya ang ibig sabihin ay magsisimula na ang battle of the bands. Samu't saring sigaw ang narinig namin mula sa aming likuran. At dahil maaga kaming pumunta rito ng mga kaibigan ko ay nasa unahan mismo ng kami nakatayo, mas makita at malapitan kami ng mga sumasali ng contest.
Bakit wala pa sila dito sa stage? May nangyari ba?
"Di'ba VIIscape Band o banda ni Aid ang mauuna? Ba't wala pa sila sa stage?" Curious na tanong ni Myla nang makita namin na wala pang tao sa gitna ng malaking stage.
Napaisip naman si Apple dahil dito, "Sa tingin ko....nagkaproblema sila sa mga instruments o may nawawala?" Pagbibigay opinion n'ya para kami ay nagkatinginan.
"Tara puntahan natin!" Suhesyon ni Myla.
Habang dumadaan kami sa mga kumpulang tao papunta sa likod ng stage para sana hanapin si Aid ay kaagad na nakita namin si Gela na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Kami naman ay nagtaka kung bakit parang hindi siya masaya ng makita kami at kinakabahan.
"Why? May masama bang nangyayari?" Mahinahon kong tanong kay Gela na hanggang ngayon ay hinihingal parin kakatakbo.
Tumango siya bilang sagot, "May problema sa mga instruments nila kaya sobrang malaking problema ito sa banda ni Aid" Paliwanag n'ya.
"Kaya pala noong araw na pumunta ako sa building ng computer science ay may tao akong nakita na dala-dala niya ang guitar ni Marshall. Dahil hindi nila gustong makasali ito sa battle of the bands" Bigkas ko rin para mapatingin sila sa kamay kong nakabalot ng gauze roller bandage.
Tinuro ni Myla ang kamay ko, "At ikaw pa talaga ang lumalaban sa magnanakaw? Kaya nagkasugat ang kamay mo dahil doon?" Paniniguro ni Myla kaya tumango at ngumiti.
Hindi na kami nag aaksaya ng oras at mabilis na namin pinuntahan ang pwesto ng banda ni Aid. Mula sa malayo ay makikita namin na sobrang silang problemado, sila ang unang mag peperform sa stage pero mas pinili parin nilang manatili sa backstage dahil ang isang kasama nila ay nagkadamage ang kanyang instruments.
"Aurelie? What are you doing here?" Salubong ni Aid sa'min ng makapasok kami sa loob.
Kumaway ako sa kanilang lahat, "Gusto lang namin malaman na anong nangyayari...hindi pa kasi kayo umaakyat sa stage kaya sobra kaming nag alala sa'yo" Kinakabahan na wika ko nang makita ko sa peripheral vision ko na napatingin si Marshall sa direksyon naming dalawa ni Aid.
"May kaunting problema lang sa instru—" Hindi ko na siya pinapatapos magsalita.
Lumingon ako sa paligid, "Nasaan? Pwede ko bang tignan? Para malaman ko ang problema ng instruments n'yo" Dahil sa sinabi ko ay gulat nila akong pinagmasdan habang isang-isa ko itong pinagmasdan.
Mula rito sa backstage ay rinig na rinig namin ang iba't ibang sigaw ng mga tao at paulit-ulit na sinasabi sa emcee na kung bakit wala pang banda ang nag perform sa stage. Hindi na namin 'yon pinansin at saka nagtulungan nalang kaming lahat upang alamin kung ano nga ang problema o meron bang nawawala sa kanilang mga gamit. Habang naghahanap sa mga sira ng instruments ay may tumawag sa'kin na lalaki at agad na kumaway, dahil sa mabait akong tao ay kumaway din ako pabalik sa kanya.
Ramdam kong napatingin din siya sa lalaki...
Ganon nalang ang gulat ko ng biglang lumapit sa'kin si Marshall, "Did you just come here to get attention? Do you need my help?" He sarcastically said to me right now.
"Attention? Really? FYI hindi ako pumunta rito upang magpapansin sa inyo at saka gusto ko lang naman tulungan ang kaibigan ko" I stated immediately after that I stood up and walk away.
Urghhh!!! What's wrong with him?!
YOU ARE READING
Sweet, Programmer
Teen FictionVIIscape Series #6: Sweet, Programmer Marshall Caden Villagonza is an incredibly talented computer programmer, but despite his talent, he is mysterious and aloof. He is the type of guy who only focuses on his studies and has no plans for love. Not...