🇰🇷

6 0 0
                                    


Disclaimer: This is a Work of Fiction Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

5 years ago.....

Katarina Ross' POV

"Mag iingat ka sa byahe mo anak." paulit ulit na paalala sa akin ni papa. "alam ko yung nararamdaman mo kaya san-" I hushed him using my fingers and gave him my biggest smile I could ever give.

"huwag na po natin pagusapan ang tungkol don basta mag eenjoy ako nang bongang bonga." may halong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ito ang unang beses na lalabas ako nang bansa at hinayaan lang ako ni papa.

"enjoy your three days stay in Seoul anak but please know your limits." tumango tango lamang ako sa kanya bilang tugon. "at saka palagi kang mag uupdate sa akin kung nasaan kana." to see my dad acting like this is my greatest happiness ever. Alam kong nag-aalala sya sa akin dahil ito ang unang beses kong mag babakasyon at talagang sa labas pa ng bansa.

"opo pa, promise." I even show him my pinky finger.

leche kasi 'tong ex ko talagang timing pa sa graduation ko yung pakikipaghiwalay nya, samantalang kasama kopa sya nung graduation ceremony ko. After one week nanghingi ng space tapos biglang ayaw na raw nya at pagod na. Nagulantang talaga ako nang malala dahil okay naman kami nung gabi bago sya nakipaghiwalay.

First boyfriend ko yun for almost 3 years ah talagang heartbroken malala. Sabi ni papa sa akin ay huwag ko na lang masyadong isipin at mag focus ako sa board exam ko pero parang hindi ko yata kaya, so he insisted and told me to go somewhere far away from him.

biniro ko si papa na gusto kong magpunta sa seoul para maghanap nang oppa pero hindi ko alam na seseryosohin nya, kaya eto ako ngayon papuntang seoul.

we own a small flower shop here in town, medyo okay naman yung business nowadays pero hindi pa rin yung sapat para makabili si papa ng round tickets ko at syempre yung pocket money. Pero nandyan na kasi yung ticket hindi ko naman pwede I refund pa kaya mag eenjoy na lang ako ron at baka sakaling may makilalang oppa.

"ate kimchi ah!" dinig kong sigaw ni david mula sa sala. "at saka ate ramyeon yung legit na ramyeon galing korea." dagdag pa nya.

"ang dami mong request ikaw na lang kaya pumunta sa korea." pabiro kong asik sa kanya. "oh sya tatlong araw lang akong mawawala umayos ka!" inumpisahan ko nang ayusin yung maleta ko at yung hand carry bag na dala ko. "pa alis na po ako."

"pasensya na hindi na kita maihahatid kailangan ko kasing tapusin yung order ni chairman para ron sa asawa nya." I felt bad to see my father like this, he sacrifice too much for us and he still thinks about us though we're old enough to handle our selves.

"okay lang po sige na po see you in three days."

sa airport na lang kami magkikita nung best friend kong literal na one call away, noong sinabi ko sa kanyang pupunta ako sa korea ay agad syang nagbook ng ticket nya. Mari my childhood bestie, we are from the same neighborhood but have a different status in life.

Yung pamilya nila yung may ari ng mga sikat na restaurant dito sa amin in short galing sya sa mayaman na pamilya, kaya kahit saan mo yan ayain talagang sasama sya.

One day in Seoul 🇰🇷Where stories live. Discover now