Current Year.....
"Mommy!!!!!" tawag sa akin ni sarang mula sa baba. "Tito David is bullying me again!" muli nitong sigaw.
pagbaba ko ay nadatnan ko si sarang na nakabusangot ang mukha at hindi maipinta dahil sa pang aasar ni David sa kanya. Wala namang ibang ginawa yang kapatid ko kung hindi ang asarin at pag tripan ang anak ko.
"Hayaan mo na love may pagkabaliw talaga 'yang tito mo." biro ko sa kanya habang inaayos ang uniporme nya. "we can't do anything about that, your tito is an unemployed man." ewan ko ba r'yan kay David simula noong umalis sa last job nya ay hindi na muling nag trabaho, ayun tambay na lang sya rito sa bahay minsan sa flower shop ni papa.
"nye nye!" patuloy na pang aasar ni David. Muntik ko na nga syang batuhin nang suklay dahil sa ginagawa nya.
inayusan ko lang ng buhok si Sarang dahil may pasok sya ngayon sa daycare at syempre sino paba ang maghahatid edi yung tambay kong kapatid.
"dumaan kayo mamaya sa hospital para makapag meryenda tayo." sakto kasi yung time ng uwian ni Sarang sa time ng break time ko kaya madalas ko silang pinapapunta sa trabaho ko para makakain nang sabay. "sige na baka ma-late pa tayo."
inabot ko na yung hinanda kong lunchbox nya para sa breaktime nila sa school, just a simple snacks and drinks. Hindi ko sya pinababaunan ng mga heavy meal dahil madalas nga kaming kumain nang sabay after ng class nya. Inabot ko na rin kay David yung susi ng kotse na gagamitin nila, nakatago kasi sa kwarto kong susi na 'to dahil isang beses tinakas nya yung kotse at pumunta sa kung saan. Yan ang napapala ng mga ayaw mag trabaho.
"bye mommy! kisses." she kissed me in the cheeks ang gave a quick peck in the lips before leaving the house.
halos sabay lang kaming umalis ng bahay, me going to the hospital where I work and them going to the daycare center. Si papa kasi busy sa shop nya at maraming order ng bulaklak ngayon, hindi ko naman sya matulungan dahil nga may work ako. Si David lang ang madalas nyang katulong pag uwi nya galing sa pag babantay sa daycare ni Sarang.
Sarang is my daughter and she's already four years old, a one night thing that happened in seoul south korea five years ago is a precious little girl now. Sarang is so sweet and admirable kid, wala akong regrets sa nangyari sa akin noon at sa kung anong mga sakripisyo ang ginawa ko para sa kanya.
umuwi ako sa pinas na may dala na palang bata sa sinapupunan, that man named francis kim is the father and I know that one hundred percent. Oo hinahanap ko pa rin sya at some point dahil karapatan nya pa ring malaman na may nabuo kami noong gabing iyon, pero may times din sa akin na okay lang na hindi na dahil nakaya ko naman mag-isa, napalaki ko si Sarang na mapagmahal at puno ng pagmamahal ang natatanggap nya mula sa amin.
nakarating ako sa hospital ng ligtas at palagi ko yun pinagpapasalamat, ayokong maulila si Sarang. Mommy na lang ang meron sya ayokong mawala rin 'yon sa kanya, palagi akong nag iingat dahil alam kong may batang naghihintay sa pag uwi ko.
"good morning!" bati ko ron sa guard bago umakyat sa quarter ko.
I started my day by cleaning my quarter and walk straight to my room to start my real day. I have two scheduled patients for today and they're both my long time patients already.
*knock on door
"come in." pagkasabi ko noon ay pumasok na rin agad si Elise na aking unang pasyente. "good morning!" bati ko sa kanya at binigyan sya nang pinakamalaking ngiti na kaya kong ibigay.
YOU ARE READING
One day in Seoul 🇰🇷
ActionWhat was supposed to be a fun trip to Seoul ends up changing Katarina's life forever. Where do broken hearts go? To Seoul. Her plan to distract herself and forget the painful memories of her ex-boyfriend turns into an unexpected twist of events. A o...