Chapter One
ALDRIN
Magkasalubong ang kilay at hindi maipinta na mukha ni Aldrin ang sumalubong sa lahat ng tao sa opisina.
Nabalitaan nila ang nangyari sa kapatid nito kaya gusto sana nilang kausapin ito at makiramay dito subalit hindi na nila magawa sapagkat sa hitsura nito na parang isang kalabit nalang eh sasabog na.
Dire-diretso ang lakad niya papunta sa mesa niya at padabog na umupo.
Hindi na nagulat ang mga nandoon kung bakit ganito ang inaasta ng binata.
Nakakapanibago nga lang na ang dating masiyahin at mapang-asar na mukha nito ay napalitan ng magkasalubong na kilay at wala sa modong mukha.
"Brad, nakikiramay kami."
Ang tatlong kaibigan lamang niya na kasama niya sa squad ang nagkalakas ng loob na lumapit sa kanya at kausapin siya.
Sila ay sina Victor, David at Tricia.
Tumango lang siya ng hindi lumilingon dito.
Si David ang nagsalita, naupo si Tricia sa tabi ni Aldrin at tinitigan ito.
"May lead ka na ba sa kaso ng Ate mo?" tanong ni Tricia.
Umiling siya ng hindi parin lumilingon dito.
"Sino naman kaya ang gagawa nito kay Ate Stef diba? Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala eh, ang bait-bait nun eh, mamimiss ko yung luto nun," sambit ni Victor.
Palibhasa dati tuwing pagkatapos ng trabaho, ini-imbitahan ni Aldrin ang tatlo na pumunta sa bahay nila, kaya nakilala ng mga ito ang Ate niya at naging malapit na rin sila dito.
Umiling si David, "May mga bagay talagang hindi inaasahan mangyari, pero sa dinarami ng tao bakit pa nadamay si Ate Stef?"
"We decided to help you with the investigation, parang Ate na rin namin yang si Ate Stef, hindi pwedeng uupo lang kami rito at walang gagawin." Tricia interrupted.
Aldrin sighed, "I'm looking into it, might as well start today."
Tumango ang mga kasamahan niya.
"Uh, Aldrin?" tawag ng isa sa kasamahan niya kaya napalingon silang lahat rito.
"Pinapatawag ka ni Head Chief sa opisina niya."
Tumango si Aldrin at tumayo.
Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan bago niya narinig ang salita nito na "pasok".
Nagsalute siya rito bago lumapit.
"Take a seat, Detective Mercado."
Umupo siya sa upuang nasa harap ng mesa nito.
"I heard the news. Condolences to you and your family."
Masyadong lumilipad ang utak niya ng mga oras na yun kaya ngumiti lang siya ng bahagya at hindi nagsalita.
The Head Chief didn't mind this gesture, alam niya ang nararamdaman nito.
"It was said Mr. Crimson was involved too? Looks like this isn't just a simple case. Were you going to investigate it?" The Head Chief asked.
"I'll comeback at the crime scene and investigate further Head Chief. If you'll allow me, can I take this case?"
In their Agency kasi, there are circumstances na kahit related ka pa sa isang kaso, mayroong time na sa iba nila ito pina iimbestiga, para maiwasan ang paglala ng isang kaso.
YOU ARE READING
TANGLED EVIDENCE
Action--- Two distant people, but not strangers. The other has a warm personality while the other is an enigma-stoic and reserved. Despite their contrasting personalities, they've crossed paths countless times on the job. Their job is to protect the citiz...