The 4th Case

0 0 0
                                    

Chapter Four

Maliban sa singsing, wala na silang ibang ebidensiyang nakuha roon.
Nagtataka nga rin sila. Bakit? Bakit wala silang makitang kahit anong bakas sa lugar na ito? Sa lugar kung saan nangyari ang krimen?

Ang singsing na lamang ang naiwan ng Ate niya kaya sinabi ni Aldrin kay Rico na sa kanya na lang muna ito, tutal na kay Rico naman ang kutsilyo.

Lumabas ng bahay na may iniisip pa rin si Aldrin.

Nakasalubong nila ang guwardiya sa labas kaya tumango sila ni Rico dito.

"Sir? Tapos na ho ba kayo sa pag-iimbestiga?" tanong nito kay Rico.

Pero parang walang planong sumagot si Rico kaya si Aldrin nalang ang nagsalita, "Hindi nga rin ako sigurado,Mang Kanor. Kung tapos na ba o hindi pa. Matanong ko nga pala, wala bang...kahit sino ang pumunta dito pagkatapos mangyari ng krimen? Yung araw ho na pinasimulan  kayo sa pagbantay rito?"

Bigla namang napaisip ang matanda, "Naku simula ho nang nagbantay ako rito, wala namang pumunta maliban nalang sa inyong dalawa ngayon."

Napatango silang dalawa ni Rico pagkatapos ay nagpaalam na aalis na.Sumunod naman ng tahimik si Aldrin.Papasok na sana sila sa kani-kanilang sasakyan nang may bumato ng kung anong bagay sa sasakyan ni Rico.Medyo matigas siguro ito kaya nagasgasan ng kaunti ang magarang sasakyan nito.

Gustong tumawa ni Aldrin sa mga oras na yun, pero alam niya, hindi katawa tawa ang bagay na binato sa sasakyan ni Rico.

Isa itong bato na binalutan ng papel,kinuha ito ni Rico tsaka lumapit si Aldrin.

Nanlaki ang mata ni Aldrin sa nabasang nakasulat sa papel. Tama ang hinala niyang may mensahe nga ang ibinato, pero ang tanong, sino ang gagawa nito?

"Huwag na kayong mag-aksaya ng oras sa pag-iimbestiga sa bahay na yan. Kasi bago pa kayo dumating nauna na sila at nilinis na ang maaaring umiwan ng bakas para sa ebidensiya." Iyan ang nakasulat sa nakalukot na papel.

Napalinga linga si Aldrin sa paligid,wala naman siyang nakitang kahina-hinala na kahit sino. Muli niyang ibinaling ang tingin sa sulat.

Narinig siguro ng matanda ang malakas na tunog na parang may ibinato kaya dali-dali itong pumunta sa dalawa.

"Naku mga sir! Ano pong nangyari? Ayos lang  ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng matanda.

Ibinato ni Rico ang bato at nilukot sa kabila niyang kamay ang papel, tsaka siya umiling sa matanda, "Wala naman Mang Kanor, mga batang kalye na pasaway lang ho," palusot ni Rico.

Napakamot ang matanda sa ulo niya, "Naku, noong unang araw ko rin dito,noong nakatulog ako sa pagbabantay dito sa labas, yung mga batang yun,ginising ba naman ako at tatanungin kung natutulog ba kamo ako? Hahahaha mga batang yun talaga," nahihiyang kuwento ng matanda.

Tumawa si Aldrin, himala't tumugma ang mga palusot ng isang to.

Nang malaman na wala namang nangyaring masama, nagpaalam ang matanda na babalik na ito sa pwesto kaya tumango si Rico.

Agad na lumingon sa kanya si Rico kaya nagulat si Aldrin. Mas mataas sa kanya si Rico kaya kailangan pang tumingala ng kaunti ni Aldrin.Napaatras siya ng isang beses at sinalubong ang tingin ni Rico.

"Hindi mo ba nakita kung sino ang bumato?" tanong ni Rico.

Umiling si Aldrin, "Hindi."

Umiling din si Rico. Tatalikod na sana siya at babalik sa sasakyan ng magsalita si Rico kaya napatigil siya at lumingon ulit dito.

"Isang bata."

"Bata?" takhang tanong ni Aldrin.

"Mn, batang lansangan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TANGLED EVIDENCEWhere stories live. Discover now