It's been a week, and my experience here in school wasn't that bad, Chaotic pero mababait naman sila. And, also nalaman ko na ang name niya, siya pala si Luke Cyrus Whitlock, half American papa niya kaya ganyan ang surname niya.
Nalaman ko din na sumasali din sa ML tournaments si Luke, kasama niya ang mga kaibigan niya na Sina Julius, Hiro, Clyde and Tristan. Sila ang RGDZ squad, at sa pagkakaalala ko, nakalaro ko na sila, pero syempre malas sila sa tuwing kalaban nila ako. Champion ako palagi eh! HAHAHAHA #feelingon.
Wala silang ideya na ako si Kazuma, gumawa ako ng bagong account ko sa ML, para 'yon ang gagamitin ko sa tuwing maglalaro ako sa public places. Kasi nga, students from my past school are starting to get hints that Kazuma was me, and when the time that they'll know who I really was, it would definitely spread and maririnig 'yon ni mama. There might be bad things that she would do to me when she knows.
"Hoy Astraea" Tawag sa akin ni Clyde, isa siya sa mga kaibigan ni Luke at isa sa miyembro ng RGDZ squad.
"Ano?"
"Naglalaro ka ba ML?" Tanong niya at umupo sa harap ko, Matalino rin itong si Clyde, matangkad, maputi, matangos ang ilong, maninipis ang labi at kulay brown naman ang mga mata nito, mabait siya at masyadong pilosopo and clumsy.
"Hmm...oo, pero matagal na akong huminto" sagot ko sa kanya.
Napatango-tango naman siya, "Sayang, kulang kasi kami ng isang member, tumigil kasi sa pag lalaro si Tristan."
Nagtataka akong napalingon sa kanya. "Bakit?"
"Ewan ko, ganyan naman si Tristan, palipat-lipat ng squad kaya medyo naiinis na sa kanya si Luke, pero syempre hindi na niya 'yon pinapakita, kasi napaka close nila sa isa't isa."
Habang nakikinig ako ay biglang dumating si Hiro, isa sa kaibigan ni Luke. Nakasuot siya ng white Polo na long sleeves at black slacks, naka ayos rin ang buhok nito na naka mullet cut. Singkit ang mga mata nito dahil sa lahi niyang Japanese.
"Hello Astraea!" Bati sa akin ni Hiro na sumisingkit na ang mata sa kakangiti, may dala siyang tray na may yogurt at turon. Umupo siya sa tabi ko at inilapag sa harap ko ang yogurt.
"Sayo na yan, Libre ko na sayo."
Tinanggap ko ang yogurt na binigay niya sa akin. "Salamat" Ngiti kong tugon sa kanya.
"What about me??" Tanong ni Clyde Kay Hiro.
"Bili ka ng iyo, mayaman ka tapos di ka makabili ng own yogurt mo?" Pagsusungit ni Hiro sa kanya.
YOU ARE READING
Love is a Game
Romance(UNDER REVISION) Astraea Reyes grew up in a rich and successful family, sinasabi ng lahat na swerte siya kasi successful family niya, but little did they know she was experiencing the opposite. In their school she was known for being a great player...