CHAPTER FOURTEEN
Tired
Never in my entire life have I imagined myself crying over a thing while hugging a man.
Tangina, paano nangyari 'to? Alam kong medyo marami ang ilang sa akin dahil sa bunganga ako. I'm rude and straightforward. Walang preno ang bibig ko kaya mas pinipili ng iba ang manahamik lalo na kung ako ang kaharap. Pero ito? Itong pag-iyak ko? Ewan ko na lang talaga.
Nasa labas kami ng campus ngayon. In the plaza to be exact. The same place where we go after the mass.
Hindi ko alam na malapit lang pala ito dito. Ngayon ko lang nalaman.
"Are you okay now?"
I lifted my gaze the moment I heard Ishmael's voice. May dala siyang dirty ice cream sa magkabilang kamay.
"Ayos lang naman ako," sagot ko. Pinanliitan niya ako ng mata pero tumango din sa huli.
"Wait, I'll just get the other one," he said, placing the other two on the bench where I sit.
Bumalik nga siya do'n sa nagtitinda ng ice cream. Nagkwentuhan pa yata kasi maypa-apir-apir pa ang dalawa. Napailing na lang ako.
I was confused for a while. Alam kong sa mga oras na ito, may klase pa kami sa subject niya pero nagtataka ako kung bakit siya nandito. Kung bakit niya ako sinundan paglabas ng opisina.
"Ang dami naman niyan. Ice cream lover ka ba?" tanong ko, hindi pa siya nakakaupo.
He smiled a bit, giving the other one. Mabuti at naka-cup iyon at hindi nakaapa.
"These two is for you," he simply stated and started eating his ice cream.
Tumaas ang kilay ko. Para sa akin?
"Para ano 'to?" tanong ko pa. I started eating the ice cream, savoring its delicious mango flavor.
He shrugged. "They say ice cream can lift up our moods when we are feeling down. Bumili ako kasi baka gumaan ang pakiramdam mo. I just don't know if it's true since this is the first I eat this..." he said.
"Seryuso?" I was surprised. Tangina, ang daming mahilig sa ice cream tapos siya, first time? Saan ba lupalop ng mundo 'to galing.
Tumango siya, sayang-sayang sumubo. "Yeah. I'm busy. I don't have the time to eat ice cream."
Umismid ako, napapantastikuhan ko siyang tiningnan.
"Ewan ko sa 'yo."
Naging tahimik kami pagkatapos no'n. Looking at him, I know that it's really his first time. Sayang-saya siya habang kumakain. May patango-tango pa.
"How are you feeling now? Are you okay?" he finally asked after the silence. Nilapag ko ang cup ng ice cream sa gilid. I wasn't saying anything but Ishmael immediately handed me his handkerchief and a bottle of water.
BINABASA MO ANG
Line Between The Borders
RomantikSTAND ALONE NOVEL He fell and she fell harder... but he fell hardest. Hiraya Aguilar, not a simple and typical girl. A badass, warfreak and living cursing machine. Sabi pa nga niya, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa magandang usapan. Kung pwede la...