CHAPTER TWENTY-SEVEN
Contented
"Miss Hiraya, how do you define love?"
It was the question. Marami pang ibang tanong pero iyon ang nakaagaw ng atensiyon ko.
Habang binabasa ko ang nga comments nila, hindi ko maiwasang mapangiwi. Tang ina, saan galing ang mga 'to? Bida bida, ah.
What is love for me?
Ano nga ba 'yon? Slowly, a smile from my lips showed up. Agad kong pinindot ang live sa tiktok. Dinagsa iyon ng maraming viewers na kinagulat ko pa rin.
It's been a year since I did tiktok but it still surprises me. Marami ang nag-aabang. Marami ang handang makinig sa mga walang kwenta kong kwento sa buhay.
Kailan nga 'yon nagsimula lahat ng 'to? Ah, noong may isang sikat na tiktokerist ang nag-video sa akin at pinost iyon sa tiktok account niya. Nag-mi-mix lang ako ng iba't-ibang alak habang antok pa tapos nagkaroon iton ng maraming views 'yon.
Tang ina, hindi ko alam kung paano nangyari pero ito ako ngayon.
Nilibot ko ang paningin sa tahimik na restobar. Hawak ang cellphone, naglakad ako patungo sa counter, nakangisi at patingin-tingin sa camera.
"Waaahhhh! Ang gandaaaa!"
"Patingin ng ngisi, Miss Hiraya hehe"
"Pano mo nasabi na he's already the one? Eyyy"
"Pa shOut oUt Poe jeje"
Habang binabasa ang mga comments nila, hindi ko maiwasang matawa.
"Ang cringe ng mga sinasabi niyo," I said jokingly.
Maingat kong nilapag ang cellphone sa cellphone stand ko na nasa counter. Inayos ko iyon at siniguradong hindi mahuhulog.
"Hi, good morning," I greeted the costumer who went in. Ngumiti ito sa akin at agad na inasikaso ng empleyado ko.
"Nasa restobar ako ngayon," sagot ko sa isang nabasang comment, nagtatanong kung nasaan ako.
Parami nga parami ang mga viewers. From hundreds to thousands.
Napabuga ako ng hininga, naglalaro ang ngiti sa labi.
"Nasan ang asawa mo, Miss Hiraya?"
Napasinghap ako sa nabasa. Napanguso para itago ang ngisi.
"Sabihin niyo nga sa 'kin, sino ba talaga ang hanap niyo? Ako o 'yong asawa ko?"
Nagkaroon iyong ng iba't-ibang reaksiyon. Mas dumami ang comments kaya mas natatawa ako. Gosh, I'm enjoying it. Tang ina, ang saya.
Habang nasa live, inabala ko ang sarili sa pagkuha ng iba't-ibang drinks. Maingat ko iyong nilalapag sa counter katabi ng cellphone. Nang matapos, bumalik ako sa camera.I smiled. "Okay, balik tayo sa mga tanong niyo kanina. Ang cringe pero sige, sagutin ko lahat."
Umupo ako sa isang high chair. Pansin kong marami ang napapabaling sa akin kay nginingitian ko na lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na kilala na ang pangalan ko sa social media dahil doon. Simula din noong sinimulan kong magpost ng mismong video sa tiktok account ko, palaging maraming nag-aabang. Umaani ng maraming views at iba't-ibang reaksiyon.
At first, it was shocking. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin do'n. Pero kalaunan, noong nasanay na, ang saya pala sa pakiramdam. It was... fulfilling.
"Okay, so, what is love for me?" It sounds so cringe but it is a good question.
Huminga ako ng malalim. Nakapangalumbabang nakatingin sa camera.
BINABASA MO ANG
Line Between The Borders
RomanceSTAND ALONE NOVEL He fell and she fell harder... but he fell hardest. Hiraya Aguilar, not a simple and typical girl. A badass, warfreak and living cursing machine. Sabi pa nga niya, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa magandang usapan. Kung pwede la...