CHAPTER TWENTY-EIGHT
Life
Letting go of something doesn't always mean we are loser. Hindi ibigsabihin ng pagbitaw ay ang pagiging talunan mo. Sadyang may mga bagay lang talaga na mas maganda kung pipiliin nating bitawan kaysa hawakan pa.
The truth is, surviving accountancy was really hard. Tang ina, sobrang hirap talaga.
Buong akala ko noon makakaya ko. Minamahal ko na, eh, nagugustuhan. Pero gano'n siguro talaga, minsan inaakala nating kaya na natin, hindi pala talaga. Naging komportable lang siguro ako sa pagsulpot ni Soriano. Inisip kong matatapos ko kasi nandiyan siya para tuluyan ako. Tang inang 'yon, hindi ko man lang naisip na baka dumating lang din siya para umalis.
"'My, who's this Ishmael Soriano?"
My eyes totally widened when I heard my son asked. Hawak niya ang cellphone ko.
Goodness, he's just three years old but he already knew how phone works.
Nagkatinginan kami ng asawa ko. He only raised his brow and smiled mockingly. Sinasabing kaya ko na ang pagpapaliwanag sa bata.
Napanguso ako, binalik ang mata sa bata.
"Ano..." Tumikhim ako. "Fan ko lang 'yan, 'Nak."
Ian cleared his throat. Binalingan ko at sinamaan ng tingin. Ah, gusto yatang sa labas matulog mamaya, sige.
Ngumisi ako sa kaniya. Dahil doon, biglang nanlaki ang mata niya at alam na yata kung ano ang nasa isip ko. Sa huli, sabay kaming natawa.
"But he wants to see you, he said here."
Dahil sa sinabi ng anak ko, wala sa oras akong napatayo at napatingin din sa cellphone. And he was right. Soriano messaged me and telling me he wants to meet up and talk about something if it is okay with me.
Nagpakawala ako ng hininga, maingat na binalingan ang asawa. He's face became serious but when he noticed that I'm looking at him, he smiled. Malalim na naman ang iniisip niya.
He's overthinking again.
Malamlam ang matang pinukol ko ng tingin ang asawa. He probably noticed my stares making him looked at me. Magaan ko siyang nginitian. I slowly opened my arms for him. Doon niya unti-unting pinakawalan ang mabigat na hininga. Nilakad niya ang natitirang diatansiya sa pagitan namin tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
"I love you," I whispered gently. "Mahal na mahal kita. You don't need to overthink. If you don't like the idea, then, I will not go. Ayos na ako. I'm already okay and it's because I have you. 'Wag mong isiping iiwan kita dahil lang nandiyan na ulit siya. I'm already contented. I'm already whole. I have you and our son and that's enough."
Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pagbalik sa pagiging banayad ng paghinga niya, kalmado niya. His embrace tightened.
"I'm sorry. Hindi ko maiwasan," mahina ang boses niyang bulong. "Mahal na mahal din kita, Madam. Walang papantay sa 'yo."
Napangisi ako.
"Talaga lang. Ako na 'to, eh."
And we both laughed with what I said.
I didn't reply to Soriano's message. Hinayaan ko at hindi na din siya nangulit pa. It didn't bother me. Nakalimutan ko din iyon kung hindi ko lang ulit siya nakita sa isang mall.
Hindi ko kasama ang asawa at anak ko. I was alone, giving myself a time to relax. Hindi ko naman inaasahan an makikita ko siya dito.
BINABASA MO ANG
Line Between The Borders
RomanceSTAND ALONE NOVEL He fell and she fell harder... but he fell hardest. Hiraya Aguilar, not a simple and typical girl. A badass, warfreak and living cursing machine. Sabi pa nga niya, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa magandang usapan. Kung pwede la...