Chapter 17

11 3 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Pass

Dalawang linggo bago ang birthday ng kapatid ko, sasabak muna ako sa pasakit dahil sa final exam namin sa accounting. Ang exam na siyang magdidikta kung makakag-third year ba o suko na.

Kung ako lang, bahala na 'yon pero naisip ko sina papa. Hindi man nila ako pini-pressure, alam ko pa ring umaasa sila sa akin. Ako ang panganay. Ako ang dapat na tumulong sa kaniya.

"Hindi mo pa rin pinapansin si Sir?" biglang tanong ni Fernandez sa akin, isang gabi habang abala kaming dalawa sa pagre-review.

Tang ina kasing mga major subjects 'to, kung pwede lang i-cram ginawa ko na, eh pero ang gago, subukan mong i-cram paniguradong magmumukha kang tanga sa oras ng exam. Hindi pwedeng isang gabi lang ang review. Ang kailangan dito halos isang buwan bago ang exam. Pero dahil hindi naman ako gano'n kaadik sa accounting, isang linggo o kahit dalawang araw lang, ayos na sa akin. Kaya heto, babad ako. Mag-iisang linggo na at hindi ako pumasok ng trabaho. Ang resulta, walang pera, tang ina.

Saglit ko siyang binalingan. Binalik ko din agad ang mata sa calculator no'ng kamuntil ko nang makalimutan ang susunod na pipindutin.

I only scoffed with her question. "Bakit tunog gago ako sa tanong mo, Fernandez?"

"Bakit? Gago ka naman talaga, ah," she briefly answered.

Humingos ako, sinamaan siya ng tingin. Ay aba.

"Sa'n mo nakuha 'yang ugali mo, Fernandez? Ang sama, ah."

I heard her chuckled. "Sa 'yo 'to galing, Aguilar. Kaya 'wag ka nang magtaka. Sing sama din kasi ng ugali mo."

Ay talaga naman.

Inismiran ko lang siya at pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Pero 'yong totoo, anong nangyari sa inyo? Para kayong mga tanga. Isang araw close tapos isang araw biglang wala ulit."

I hissed. "Ang dami mong alam talaga. Turuan mo na lang kaya ako dito."

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naglakad papalapit sa study table niya. Napailing lang ito pero hinayaan ako.

"Kung bati kasi kayo ngayona, edi sana mas magaling pa ang tutor mo. Ikaw kasi. Inaway mo siguro."

I gasped. "Ay aba, Hazel Fernandez, sa bait kong 'to, mang-aaway ako? Napaka-imposible—"

"Oo, napaka-imposibleng hindi, Pag-asa."

Hindi na ako nagsalita at sinamaan na lang siya ng tingin. Kita mo talaga 'tong babae na 'to. Akala mo sobrang bait pero demonyo din.

Naubos namin ang limang oras sa pagbabasa. Sumasakit na din ang ulo ko. Namalayan na lang namin na hapon na no'ng tumunog ang tiyan ni Fernandez dahil sa gutom. Nagkatinginan pa kami at sabay na natawa dahil tumunog din ang tiyan ko pagkatapos niya.

"Pag tayo hindi pumasa, ewan ko na lang."

Tumawa ako. "Ikaw, siguradong pasado na. Ako? 'Wag na lang."

Umiling lang ito pero nangingiti. Nagpaalam ang babae na lalabas para bumili ng pwedeng makakain. Tumango lang ako at pinasabay na din ang akin.

Bumuga ako ng malalim na hininga ng napagtantong bukas na din pala ang exam  na 'yon. Walang kasiguraduhan pero susubok pa rin ako. May isa pa naman akong chance, eh. Eh, kung bagsak, edi bagsak. Hayaan na lang.

Bumalik si Fernandez makalipas ang ilang minuto.

"Wow, ang daming pera, ah," puna ko dahil ang dami niyang pinamili.

Line Between The BordersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon