CHAPTER FIFTEEN
Card
I went inside his car quietly. Tahimik din siya kaya hindi ko sinubukan magsalita. I also felt like I don't have energy to talk or what. Tangina, ngayon ko lang ulit 'to naramdaman. Para akong... nauupos na kandila. Hindi ko alam kung bakit.
I sighed, looking outside the window to calm myself. Naalala ko, mabuti na lang at walang nakakita sa aking pumasok sa kotse ng lalaki dahil kung hindi, ewan ko na lang.
"Do you want to eat something?" he asked in the middle of silence.
Umiling ako. "Sa bahay na ako."
From my peripheral sight, I saw him slowly nodding his head.
"Okay," he answered but his car turn right to have a drive thru. Dahil hindi ako assumera, hinayaan ko siya. Aba, malay mong para sa kaniya iyon. Bahala siya.
"What do you like?" he asked again, looking at the menu. Binalingan ko at dahil hindi naman yata ako ang kausap, nag-iwas din ako sa huli.
Sa huli, narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na buntong hininga.
"Okay, I will order everything. Just separate from my first order."
"Yes, Sir."
Ilang minuto kaming naghintay do'n. He received the order. After receiving, he maneuvers the car.
When we arrived outside the boarding house where we both live, he stopped. I glanced at him and tried to smile.
"Sige, dito na ako. I-park mo na lang 'tong kotse mo o ano. Mauuna na ako."
Bubuksan ko na sana ang pintuan na ng bigla Niya akong hinawakan sa braso. My brows immediately shot up. Tiningnan ko ang kamay niyang nasa braso ko kaya napunta din doon ang atensyon niya. He sighed and removed his hand.
"I'm sorry," he sincerely said, "But can you wait for me outside? I-pa-park ko lang 'tong kotse tapos sabay na tayong umakyat. Ayos lang?"
Nagsalubong ang kilay ko pero pumayag ako sa gusto niya. Total libre niya naman ulti ako nga pamahase kaya sige. But I was confused. I don't know what's the reason he chose to rent here; a boarding house when in fact he can afford to buy a condominium near the area. Hindi ko alam pero pinagtataka ko iyon. May kotse naman siya para pambiyahe. But nevertheless, I never ask him those questions. Wala ako sa lugar para gawin iyon. We don't know each other. We just know each other by name and that's all. Kung may alam man siya tungkol sa akin, wala pa iyon sa kalahati ng kwento ko. At kung may alam din ako tungkol sa buhay niya, alam kong hindi pa iyon ang buo. And that's okay because I don't have any reason to tell him my story and he is, too.
Nasa labas lang ako ng gate. Hinintay ko siyang matapos mag-park. And well, it didn't take him that long to do that. Dahil makalipas lang ang ilang minuto, nakita ko siyang mabagal na tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Dala niya ang pinamili sa fast food restaurant kanina.
BINABASA MO ANG
Line Between The Borders
RomanceSTAND ALONE NOVEL He fell and she fell harder... but he fell hardest. Hiraya Aguilar, not a simple and typical girl. A badass, warfreak and living cursing machine. Sabi pa nga niya, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa magandang usapan. Kung pwede la...