Chapter 19

18 3 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Heartbeat

"Sa'n mo nabingwit 'yan, tanga? Ang gwapo!"

Agad kong natakpan ang tenga dahil sa biglang pagtili ni Carmela. Tang ina, gusto yata akong gawing binge. 'Di pwedeng magtanong ng walang tili?

Binalingan ko siya sabay bigay ng masamang tingin. Pero ang gaga, malawak lang ang ngisi sa akin.

"Sinong tanga?"

"May sinabi ba akong gano'n?" patay malisya niyang sabi. Isang sulyap pa sa bintana ang ginawa sabay kagat sa labi bago ako puntahan na nasa hapag, kumakain.

"Sige na kasi, sabihin mo sa 'kin kung saan mo nabingwit ang chupapi na 'yon para makahanap na din ako. Siyempre dahil best friend tayo, 'di ko 'yon aagawin sa 'yo." Sabay ngisi niya ng malawak sa akin. May pataas baba pa ang kilay.

I scoffed. Inilingan ko at kumain ulit.

"Hoy! Gaga ka. Ang damot, ah."

"Sa 'yo na 'yan. Dami mo pang sinasabi. Chupapi ba 'yon?"

Rinig ko ang pagngiwi niya. Tinapos ko ang pagkain. Tumayo sa lamesa at nilagay ang pinagkainan sa lababo. Rinig ko ang yapag niyang nakasunod sa akin. Kumuha ako ng baso na malapit sa may bintana kaya aksidente kong nakita ang kapatid na nasa labas, tawang-tawa habang kausap si Soriano na nagsisibak ng kahoy. Naka-sandong puti lang at dahil siguro pawisan, kita na ang tinatago sa loob no'n.

He was smiling while telling things to my brother. Umangat pa ang ulo niya sabay baling sa pwesto ko kaya wala sa oras akong napaiwas ng tingin. Tinuloy ko na lang ang pagkuha ng tubig sabay lagok no'n.

"Tang ina mo ka, pasimple ka pa, eh. Kita kong tinitingnan mo 'yong abs. Ikaw, huh."

My eyes widen when she suddenly tickled me on my waist. Ang iniinom na tubig ay naibuga ko sa gulat. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-ubo. At ang gaga, ginawa lang akong katawa-tawa.

"Hey, are you okay, Aguilar?"

I was still coughing when I felt someone caressing my back. Hindi ko alam kung sino iyon dahil nakapikit ako. Tang ina. Nakakamatay nga talaga ang mabilaukan.

Noong medyo umayos na ang pakiramdam ko, dahan-dahan kong binuksan ang mata. I immediately saw Carmela with her eyes widen. Nakanganga pa. I breath in and out to calm myself better. Doon ko lang napantantong may kung sinong nakahawak sa bewang ko. And when I glanced at his owner, I almost caught my own breath.

Hindi ako nakagalaw. Kahit na noong dahan-dahan niya akong iniharap sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala. Malamlam din ang tinging ginagawad sa akin.

I blinked twice.

"Ayos ka lang?" tanong niya ulit.

I was about to open my mouth to speak when his hands found its way to my cheeks. Kasabay ng pagsinghap ni Carmela at ng kapatid ko, napasinghap din ako, nanlalaki ang mata.

"May masakit ba sa 'yo?" tanong niya ulit.

I was left dumbfounded. Hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Ang bumubuting pakiradam ay sumama balik. Pakiramdam ko, lalagnatin yata ako.

"Anong nangyari?"

When I heard my father's voice, entering our home, I immediately stepped back. Naitulak ko din si Soriano sa gulat. Parang doon lang din bumalik sa wisyo ang lalaki. He looked away and cleared his throat. Ang kapatid ko pumipitong lumabas ng bahay. Kita mo din sa mukha niya nakangisi siya. Pambihira. Si Carmela, nag-iwas din ng tingin. Kagat kagat pa ang labi niya habang kunwari'y inaayos ang mga pinggan sa lababo. Tang ina...

Line Between The BordersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon