Chapter 2
Nasa kotse ako ngayon ni ate kasi sinundo niya ako sa park, alam na ni ate kung saan kami madalas tumambay ni Chie kasi malaya ko siyang nailalakad. I don't really know kung saan galing si ate, she said na emergency lang daw kaya naging rush.
I still think about what he said earlier. How does he knew my name? did we met before? what if ini istalk niya ako?!
Assuming.
"Nice meeting you too, Akaira."
Bigla na lang ako napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi pa naman ako nagpapakilala sakanya.
"H-huh" Lilingon na sana ako sa direksyon niya ngunit may narinig akong bumusina sa malayo.
"Pot! tara na umuwi na tayo baka hinahanap na tayo nila mommy." Hindi ko na namalayan ang oras kaya siguro sinundo na ako ni ate sa park. Mabilis lang pala yung byahe niya.
"Umm, see you when I see you, bye!"Nagpaalam na ako sakanya at hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at tumakbo na ako papunta sa car ni ate. Mukhang nakita din ako ni ate paniguradong kukulitin niya ako kasi may kasama akong lalaki.
"Ikaw babaita sino 'yon, hmm?" I just rolled my eyes at her. Hindi siya nagsayang ng oras nang pitikan niya ang ulo ko.
"Aray! bat namimitik?"
"Ikaw ha may nabingwit kana ah sino yan? ano pangalan niya? anong course niya? ilang taon na siya? saan siya nakatira? nililigawan ka ba n-" Hindi ko na siya pinatapos at pinitik din ang ulo niya.
"Ay, nanakit ka na ha. Sige ano muna ang pangalan niya. Spill. The. Tea. Sis." Hindi pa rin siya tumitigil sa kakakulit at bumigay na rin ako. Para tumahimik na.
"Alam mo ate si oa ka eh no, hindi matigil-tigil ang bibig mo, walang preno." Ngumiti lang siya sa akin habang nakatuon sa pag drive ng kotse.
"Kyren Hayashi crush ko okay na?" Pagaamin ko kay ate.
"What? H-hayashi?" Bakit nauutal si ate what's wrong with his surname?
YOU ARE READING
Swaying in the winds
RomanceSwaying in the winds Akaira Lei Fuentes, a college student fell in love for the first time with Kyren Naoki Hayashi, whom she knew would love her back. Can Akaira's family present a hindrance to their bond with Kyren?