Chapter 2: Thirdy

20 3 0
                                    

Mabilis kong dinaluhan ang lalaking iniwan niya. Tumawag din ako ng tulong. Matapos ay tiningnan ko ang lalaking walang malay hanggang ngayon.

Napakagat ako ng labi habang nanginginig sa takot. What if bumalik iyong demonyong gumawa nito sa kaniya? Tahimik akong napadasal habang hinihintay ang tulong.

Gusto ko sana siyang hawakan ngunit bukod sa alam kong delikadong galawin siya ay natatakot din ako sa duguan niyang mukha.

Hindi nagtagal ay dumating din ang tulong at mabilis siyang dinala sa hospital.

Tinanong pa ako ng mga police na kasama ng emergency ambulance bago nakauwi.

Nang makauwi sa bahay ay pabagsak akong nahiga sa upuan. Huminga ako ng malalim sa pagod. Ngunit agad akong napabangon nang marinig ang katok sa pintuan.

"Sino 'yan?" Sigaw ko. Kumatok muli ito ngunit hindi sumagot. Napalunok ako.

"Sino sabi 'yan?!" Ulit ko. Tumayo ako at kinuha ang walis.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa bintana at pilit sinilip ang tao sa labas ngunit dahil madilim ay hindi ko ito matanaw.

Huminga ako ng malalim at akmang magsasalita nang muling kumatok ito at magsalita.

"Girl? Are you there?" Napaayos ako ng tayo at nanlaki ang mata nang marinig ang pamilyar na boses.

"Nina?" Tugon ko at mabilis siyang pinagbuksan.

Tumaas ang kilay niya nang makita ang walis na hawak ko. Mabilis ko itong naibaba at pinagpagan ang sarili.

"Nina? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at lumabas. "Ah... madilim sa loob at magulo." Sabi ko matapos isara ang pinto.

"Ano ka ba! It's okay!" Ngumiti ako nang nagsalita siya. "And napadaan lang ako dito. Thank God you're here na!" Dagdag niya matapos at iangat ang hawak na plastik. Inabot niya ito sa akin.

"Here! Bumili kasi ako ng foods sa malapit na resto, and naalala kita." Napatingin ako sa pagkaing ibinigay niya.

"Nina... thank you. Ang thoughtful mo naman," wika ko.

"Matagal na 'no! Ngayon mo lang napansin." Tumawa ako.

"Anyways, ayun lang. Mauuna na 'ko, para you can rest na rin. Ubusin mo yan ha? I'll see you tomorrow!" Paalam niya at mabilis na bumeso sa akin at tumakbo palayo.

"Ingat ka!" Sigaw ko ngunit kumaway lang siya sa akin.

Napatingin ako sa hawak na pagkain at sa dinaanan niya. Napangiti ako sa sarili.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para dumiretso sa restaurant na balak pasukan. Nakatali ang buhok at naka maong na pantalon habang puti ang soot na t-shirt at nakaputing sapatos ay presentable na akong tingnan.

"Good morning po..." bati ko sa pamilyar na lalaki. Nilingon ako nito at agad ngumiti.

"Oh! Good morning din. Buti at maaga ka. Resumé mo?" Tanong nito sa akin. Inangat ko ang resumé at tumango siya.

Binitawan niya ang hawak na pang linis at kinuha ang resumé ko.

"Dadalhin ko lang sa office ni boss para masama sa rereviewhin niya. Wala pa kasi siya pero parating na rin 'yon maya-maya. Maupo ka muna." Ngumiti ako at nagpasalamat.

Alas siyete palang ng umaga ngayon at iilan palang ang mga customer na pumapasok. Inabala ko nalang ang sarili sa pagsusulat ng notes na hindi naisulat kahapon habang naghihintay.

Hindi ko namalayan ang oras at nang lapitan muli ng pamilyar na lalaki ay mag-aalas otso na.

"Nasa loob na siya. Pwede ka na daw pumasok." Napangiti ako at mabilis na sumunod sa kaniya nang samahan ako patungo sa labas ng opisina.

Devils are angels in disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon