Chapter 6

7 0 0
                                    

Sho's Pov

It's been days since the incident happened and Sam hasn't talked to me since... ah whatever, she accused me too anyways.

I entered the room and saw her doing some homework, wow, sineseryoso pa rin ang pag-aaral though it's only for the mission, maybe she's bored.

"Hey, Sam, I've been thinking, what if we go outside at midnight, don't you think we'd be able to see the killer?" I broke the silence and tried to suggest something for the mission.

"And risk getting killed by the killer? we don't know what they're capable of, plus pa'no kung hindi lang iisa ang killer? we should get ready first, Sho— I mean Li" did she just call me Sho? I grinned at her teasingly.

"Eyy, you called me Sho, does this mean we're friends now?" I asked while teasing her, she smiled at me.

"No" her face went from smiley to poker face, I don't understand her, is she even a human? it doesn't seem like it.



Sam's Pov


Ibinaba ko lahat ng gamit ko at umakyat na sa bunk bed dahil inaantok na ako at wala akong energy maglaro kung sino ang unang maiinis sa amin ni Sho dahil alam kong talo na ako, mukha niya pa lang nakakainis na.

Humiga na ako ang humikab na dahil sa antok. Nakakapagod na ang pumasok sa klase araw-araw, kailangan ko pa ba gawin 'to, kairita, buti na lang at nandoon si Sofia dahil mas maayos nang naging mas malapit kami, sa mga nakaraang araw natatakot na siya sa sarili niyang dorm, natatakot na rin siya para sa buhay niya, hindi niya manlang naisip na makikita niya ang katawan ni Harry doon na wala nang buhay, naaalala ko pa kung paano niya ako niyakap ng mahigpit at nanginginig pa dahil sa nakita niya, naawa kami sa kaniya at sinamahan na lang kahit panandalian.

Ipinikit ko ang mga mata ko para sana matulog pero may narinig nanaman kaming sigaw, napaupo ako at napatingin kay Sho sa baba ng bunk bed.

"Kumuha ka ng mga baril" sabi ko at agad naman siyang kumuha ng mga baril, iniabot niya ito sa akin at kinabitan ko naman ng silencer ang baril ko.

"Are we going outside?" tanong sa akin ni Sho, aba'y malamang?

"Ay hindi, alangan naman maglaro tayo ng baril-barilan dito?" tinignan ko siya ng masama at inirapan.

Mahina niyang binuksan ang pinto at hinay hinay na lumabas.

"Ako na rito sa kabila, ikaw na diyan" pabulong kong sambit habang siya naman ay tumango.

I slowly walked to the side that I chose and got my gun ready for any threats.

In a distance I saw a girl standing in the hallway, weird kasi bakit nakatayo lang siya diyan, akala ko ba delikado?

Nagulat ako at napatingin ako sa daan kung saan si Sho pumunta nang may narinig akong dalawang pag putok ng baril, nang lingunin ko ang babae, nawala na ito, napagpasyahan kong puntahan si Sho nang maalala kong may pumutok nga palang baril.

Napatakbo ako at pinuntahan ko para malaman kung ano ang nangyari at nakita ko siyang nakahiga at humihinga ng malalim habang nakatutok ang baril sa akin, akala ata ay may papuntang kalaban sa kaniya, may tama siya... sa may tiyan niya.

"What the hell, anong nangyari sa'yo?!" pabulong kong sigaw at tinulungan ko agad na makatayo at dali dali na bumalik sa dorm room, ni-lock ko agad ang pinto at ipinahiga ko siya sa sofa.



Sho's Pov

Buried Within Solstice's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon