Zora
Habang tinatahak ko ang matahimik na daan ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip ang nangyaring labanan kanina. Pakiramdam ko kasi ay nakakulong lang ang mga nilalang na 'yon sa mahigpit na batas ng Hari kaya gano'n na lang sila kung umakto. Parang lahat ng sasabihin ng Hari ay susundin nila kahit na ang kani-kanilang buhay ang kapalit ay gagawin parin nila ang utos. Mukhang tama nga si Reyna Sahaya, binura lahat ng masamang Hari na 'yon ang mga kabutihan na nasa mga utak nila at hindi rin imposible na gano'n rin sa iba pang mga nilalang.
Mabuti na lang naiiba si Deo, siya lang ang katangi-tanging nilalang na nanirahan ditong hindi nabura ang kabutihan sa kaloob-looban. Kung sana katulad niya lahat ang mga nandito ay walang magiging problema sa bansang 'to!
At sana kung mabait lang ang Hari nila kagaya ng kaniyang anak, mukhang mas lalong magiging maganda ang buong bansa ng Herozomia.
"Bakit kaya may kastilyo pa sa likod ng lagusan na 'yon?" Bulong ko sa sarili habang nililibot ang tingin sa buong paligid. Kitang-kita ang mga sira sa mga kagamitan rito, may mga halaman na halatang hindi na naaalagaan at may mga biyak na rin ang bawat dingding at pasilyo na nadadaanan ko. Hindi naman gano'n kadilim, pero ang pakiramdam sa buong paligid ay sobrang bigat.
Ilang minuto ang nakalipas ay unti-unti ko ng nararamdaman ang kakaibang enerhiya. May kung ano na akong nararamdaman na kapangyarihan na bumabalot sa isang lugar pero hindi ko batid kung ano ito. Hindi ko rin masasabi na ang kristal na nga ba ito kasi dalawa ang enerhiya ang nararamdaman ko at isa pa, hindi ko alam kung anong hugis ng kristal ang pinag-uusapan. Hindi ko rin alam kung gaano kaliit, o di kaya kung gaano kalaki.
"Hayst." Hinga ko ng malalim nang maramdamang parang mas lalong nanghihina ang buo kong katawan. Para akong pinagpapawisan ng marami dahil sa unti-unti ko na ring nararamdaman ang init sa bawat hakbang ko papalayo sa lagusan.
Masiyadong marami ang enerhiya ang nawala sa akin at dahil 'yon sa malakas na mga Dragonoid na naging anyo ko kanina. At masiyadong malakas ang mga atake na ginawa ko sa limang nilalang, lalo na no'ng pinakawalan ko ang mga ligaw na kaluluwa ng mga nilalang rito sa kastilyo.
Ang kastilyo na 'to ay sigurado akong libingan ng mga nilalang na siyang gustong-gusto malaman ang nakaraan. Mga nilalang na gustong malaman ang nakaraan at makalaya sa sakit mula ro'n. Mukhang sa lugar na ito sila kinikitil upang hindi nila makuha ang kani-kanilang gusto, batid kong ang mga nilalang na gustong makita ang kani-kanilang mga nakaraan ay may mabubuting puso at hangarin sa buhay.
Kaya sila ipinapatay ng Hari.
Napapikit ako nang may kung anong liwanag ang tumama sa mga mata ko na siyang agad kong ikinahanda. Tinakpan ko pa ng bahagya ang mukha ko at niliitan ito para mas maklaro kung ano ang liwanag ang nakikita ko.
Hindi ko alam pero biglang tumibok ang puso ko nang makita ang asul na kulay ng liwanag habang parang iniimbitahan ako nitong lapitan. May kung anong enerhiya mula roon ang hinihila hindi lang katawan ko kun'di ang kaluluwa, puso't isip ko na rin!
"I-Iyan na ba ang kristal na hinahanap ko? Iyan na ba ang kristal ng karagatan?" Bulong ko sa sarili at pilit na tinititigan ang maliwanag na bato na parang kasing laki ng aking kamay! Kahit halos nakakabulag ang liwanag ay mas lumapit pa ako ng lumapit, hanggang sa ang asul na kulay ay unti-unting nagiging ube!

Nakalutang siya sa ere habang sa ilalim nito ay mga naglalakihang bato. May kung anong parang itim na ugat na nakayakap sa ubeng kristal habang may kung anong mga liwanag ang lumulutang sa bawat parte ng katawan ng kristal.
BINABASA MO ANG
A Crown For Throne: Guild House [BL]
FantasyDaemonicus (Arc) "I no longer fear death, as I already remember the past, death must fear me." Bilang isang nilalang na siyang napakaraming responsibilidad sa buhay at sa nayon, kailangan niyang maging magiting lalo na't maraming nakaangat ang noong...