"Ang ganda"
Sabi mo habang tayo'y nasa rooftop ng bahay n'yo. Akala ko kung ano, 'yun pala'y mga bituin na nagniningning sa kulay itim na kalangitan.
Hinarap kita, habang ikaw nakatingin pa rin sa mga bituin. Unti unti kong pinagmasdan ang kabuuan mo nang hindi mo pa rin napapansin. Maging ang mga mahahaba mong pilik mata kahit na nakatagilid ka, hindi ko pinalampas titigan. Ang kulay tsokolate mong mahabang buhok, na tila sumasabay sa alon ng preskong hangin ay lalong nagpadagdag ganda sa'yo.
"Totoo, napaka ganda.... mo" mahina kong sambit na hindi ko akalain ay maririnig mo pa rin.
Tila nagulat ka pa nga, mukhang hindi mo inakala na masasabi ko iyon sa harap mo. Pati ako, akala ko hindi ko makakayang masabi 'yun. Kakaiba nga talaga.
"hala. ano ka ba, haha" ah, sh*t. Hindi ko mapigilan mapamura sa aking isipan nang marinig kitang tumawa. Wala bang mali sa'yo? maski ang mahinhin mong pagtawa, tila musika sa aking tenga. Nakakamangha ka.
Minsan, napapatanong na rin ako sa sarili ko kung totoo ka pa ba? Kasi mukha kang anghel, napakahinhin, walang maipintas, at parang hindi marunong magalit.
FLASHBACK
"Hala, Serene sorry, sorry!" sambit ko habang natataranta. natapunan kita ng pintura! Kulay pula pa.
"bakit? hala. okay lang, hayaan mo na. mabubura pa naman 'yan" sabay tawa. hindi ko alam, bigla akong napatulala.
Anghel ka ba? Nagawa mo pang tumawa sa lagay na 'yan. Siguro kung ibang tao ka, binato mo na ako. Talagang tumawa ka pa, ha? Hindi ko alam, biglang may naramdaman ako sa tiyan ko. May bulate ba ako o ano?
END OF FLASHBACK
Tumayo ako, na s'yang ipinagtaka mo. Tumingin ka sa'kin, wala pa ring galaw. Tila inaabangan ang mga susunod kong gagawin at sasabihin. Inalalayan kitang tumayo, hinawakan ang nanlalamig mong mga kamay. Habang pinagmamasdan ang mukha mo, sobrang ganda mo pala talaga sa malapitan.
"Gusto mo bang sumayaw?" tanong ko sayo, halos pabulong dahil kinakabahan pa 'rin ako.
Ngumiti ka, na sana hindi mo nalang ginawa dahil mukhang bibigay na ako at mahalikan kita bigla.
"Pero... hindi ako marunong" sabi mo habang unti unting bumababa ang tingin, tila nahihiya ka pa.
Hinawakan ko ang maliit mong baba, unti unting inangat hanggang magkasalubong na tayo ng tingin.
"Huwag ka mahiya, tuturuan kita" nagliwanag bigla ang 'yong mga mata, tuwang tuwa na akala mo bata na binigyan ng regalo sa pasko. Sa hindi ko na alam kung pang ilang pagkakataon, 'napakaganda mo'.
Dahan dahan n'yang pinatong ang mga paa n'ya sa ibabaw ng mga paa ko, ini-ingatang hindi magpabigat para mabuhat at maalalayan ko s'ya. Nanginginig kong hinawakan ang maliit n'yang baywang, tila isang babasagin na sinisikap kong hindi mabasag. Ipinatong ko ang isa n'yang kamay sa aking balikat, at ang isa ay nakasalikop sa isa ko pang kamay.
Nagsimula akong kumanta, isang bagay na hindi n'ya alam na kaya kong gawin.
(please play 'LIHIM' by Arthur Miguel while reading this part)
Humawak ka sa'kin, sundan aking himig
'Wag nang magtago, 'di naman magbabago
'Di kailangang sabihin, walang dapat gawin
Oh, aking bituin, ikaw ang hiling...Heto na naman 'yung mga tingin n'yang namamangha. Kumikislap ang mga mata n'ya. Tila mga bituin talaga.
'Wag mong pigilan hayaan mong kusa
Humawak ka sa'kin, sundin ang damdamin
Oh, sumama ka sa'kin at tayo ay...Sasayaw sa kulog at ulan
Iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw
Pakinggan ang puso, 'wag nang bibitaw'Wag nang magtagu-taguan
Kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin
Kailan aaminin?Kailan ako aamin?
Hindi ko na kinaya pang matapos ang kanta, nakikita ko s'yang naluluha na. Kinabahan ako nang malala, wala pa akong ginagawa umiiyak na s'ya!
"S-serene... bakit?" nag aalala kong tanong sa'yo habang binababa kita, inaayos ang nagulo mong buhok.
"wala. kumakanta ka pala. ang ganda ng boses mo, ngayon lang kita narinig kumanta" sambit mo, habang pinupunasan ang mga makukulit mong luhang patuloy na umaagos sa mga mata mo.
"Para sa'yo talaga 'yon."
Tumitig ka sakin, matagal. Naghihintay na naman sa susunod kong gagawin.
"Serene... alam kong mali pero—"
"shh. Alam ko na." pinahinto mo 'ko sa sasabihin ko. Nagulat ako, oo. Parang wala pa akong sasabihin, hindi na agad ang sagot mo.
"Anong alam mo?"
"Gusto rin kita, Aya. Hindi—mahal kita."
"At walang mali do'n, hinding hindi magiging mali na minahal kita."
Nakakawala ng angas pero, tang*na kinikilig ako!
"Serene..."
"Bakit? mali ba 'ko? hindi ba iyon ang sasabihin mo?" nahimigan ko ang lungkot sa boses mo. Natawa ako nang mahina, hindi dahil nakakatawa, kundi nakakatuwa.
"Kinukuha mo naman ang mga salita kong gustong sabihin sa'yo." ani ko, nakangiti pa rin sa kan'ya.
"Uulitin ko. Mahal kita, walang pero. Mahal kitang totoo."
"Mahal rin kita, Aya."
Pagkatapos n'on, magkayakap na sabay naming pinagmasdan ang kulay itim pa ring kalangitan, punong puno ng mga bituing kagaya n'ya—nagniningning sa ganda.
---
Hindi mali ang magmahal sa kagaya mong kasarian, sa kahit na sino. Ang mali, ay ang patuloy na panghuhusga na tila isa silang nakakadiring nilalang na pinagbabawalang mabuhay sa mundong ibabaw.
Maikli lang ang buhay, maliit lang ang mundo. Magmahal ka hangga't gusto at kaya mo, walang pipigil sa'yo. Hindi masama ang magmahal, tandaan mo parati 'yan.
---
PSYCHE© All Rights Reserved. 2024
Original Date Published: April 5, 2024
Date Completed: February 9, 2024
Date Edited: November 3, 2024 (updated)Psyche: Entry ko sana 'to for National Women's Month kaya lang hindi ko nai-publish dito last March hahahahaha, sad.
BINABASA MO ANG
ONESHOT STORIES
FanfictionHey! Welcome! W A R N I N G! This is just a work of my imagination. Anything that you seems look familiar in this story is not true, inshort not a true to life based story. Any names, places, or events that mentioned in my story are just an art of m...