01

17 1 0
                                    

Hays, amboring naman. Wala kasi kaming teacher ngayon. Nakakainis! Aral na aral pa naman na ‘ko tapos wala palang magtuturo ngayon kahit isa.

Ilang minuto palang ang nakalilipas nang may naisip akong katarantaduhan, haha.

Tumingin ako Kay Lewis, ‘yung crush ko. Ilang buwan na rin akong nagpapapansin sa kanya, pero waepek pa rin. Pachoosy pa eh!

Tumayo ako saka pumunta sa harapan at tumingin nang diretso sa kinauupuan n’ya. Hindi pa ata napansin ang presensya ko. Kainis to ah? Huminga muna ako nang malalim bago ako magsalita. Kinakabahan ako, punyeta haha.

"Tayo nalang dalawaaaa~ tayo nalang magsamaaaa~" kanta ko habang nakatingin parin sa kan’ya. Mukhang naagaw ko na nga ang atensyon n’ya pati ng mga kaklase ko dahil nakatingin na sila ngayon sa’kin. ‘Yan, gan’yan dapat.

"Tayooooo nalang dalawaaa" Kahit kinakabahan ay tinuloy ko pa rin ang plano ko. Kapag talaga ‘to nagwork, papakasalan ko na talaga ‘yan s’ya agad agad! I swear!

"Ano na namang kabaliwan ‘yan, Lyra?" Singit ng isa kong kaklaseng babae, ‘yung may gusto rin kay Lewis. Papansin! Gusto n’ya kasi s’ya lang ang pinapansin ng lahat.

"Wala kang pake!" Sabay irap ko sa kanya

"Ohhh! Boom!" Sabi ng mga kaklase ko. Wewz, forever basher ko nga kayo eh.

"Lewis! May sasabihin ako hehe" Sabi ko sa crush ko habang nagpipigil ng tawa

"Ano na naman ba ‘yon?" He said and then finally turned his body towards my direction

Wait ka lang. You must watch and learn. Sabi ko sa sarili at napakagat labi. Shet HAHAHAHAHA

"Okay guys, attention! May mahalaga akong announcement!" Sabi ko habang kinikilig.

"Siguraduhin mong mahalaga ‘yan ah!" puny*ta talaga ‘tong mga kaklase ko ket kelan

Oo, mahalaga to! Haha

"Kasi guys, kami na ni Lewis! At ika-kasal na kami next year. Diba babe?" Sabi ko sabay tingin nang diretso sa mata n’ya, uwu.

Halatang nagulat s’ya sa sinabi ko at maya-maya ay masama na s’yang tumingin sakin.

Opss, Lyra. Wrong move ka na naman. Mukhang hindi na naman uubra itong plano mo.

"Engk, boring"

"Lol"

"She’s dreaming again guys! Hahahaha"

"Itulog mo na lang ‘yan Lyra, Hahahahaha"

Ume-eksena na naman mga papansin na kaklase ko.

'yan sige tumawa kayo! mabilaukan sana kayo ng laway n'yo, kainis!

"Hindi ‘yun totoo. Hindi kita gusto." He said in a cold tone voice. Okay, ouch.

Hays, si Lewis talaga ket kelan anchoosy.

"Boom! Araaaay sakeeeet! HAHAHAHAHA" kantyawan ng mga kaklase ko. Naku ‘tong mga ‘to! Kahit kelan walang support! Buset!

"Ang sarap n’yo batuhin ng eraser sa mukha ‘no?! Grabe ka naman babe, ang sakit no’n ha?" naiiyak na ako huhu, kainin nalang ako ng lupa today T^T

"HAHAHAHAHA Hindi ka n’ya gusto! Ako kasi ang totoong gusto n’ya, ‘diba, loveydovey?" Sabat na naman nitong si Lyka

"Yuck. loveydovey amp, saan mo napulot ‘yan?!" patawa ‘to s’ya guys!

"Yuck yuck ka pa. Bakit kasi hindi mo matanggap na ako talaga ang totoong gusto ni Lewis. Echosera ka kasi, haha" sabi n’ya sabay pulupot ng kamay n’ya sa braso ni Lewis.

Hala?! Paepal talaga! Lewis ko huhuhu

"Yuh yuh. Echoserang frog! HAHAHAHAHA" Singit ng mga alipores ni Lyka.

Bullying na to ah?! Huhuhu

"N-nagbibiro lang naman ako eh. N-naniwala ka naman agad, haha" pagsisinungaling ko kahit ang totoo, malapit na ako umiyak.

"Uulitin ko. Hindi kita gusto--"

"Alam ko! Wag nang paulit ulit Lewis. Tanggap ko na, tanggap ko nang--"

"Hindi kita gusto kasi MAHAL KITA" mahinahon n’yang sabi

Ay, wow.

"loveydovey?! Noooo" Pasigaw na sabi ni Lyka

"A-ano? Paki ulit?" Di ko rin makapaniwalang saad

"Ang sabi ko, HINDI KITA GUSTO KASI MAHAL KITA!" ngayon ay pasigaw na n’yang sinabi ‘yun.

Am I just dreaming? Shet?! Niloloko lang ba ako ni Lewis? Kung hindi, pakakasalan ko na ‘to gaiz!!

"Seryoso ka ba? B-baka niloloko mo lang din ako eh. Weh, hindi ako naniniwala"

"Kahit kailan hindi ako nanloko. Kung anong nararamdaman ko, totoo lahat ‘to"

I'm so speechless. ‘di wow.

"Sa araw araw na pangungulit mo sakin, kahit na hindi kita pinapansin hindi mo alam kung gaano ako nagtitimpi kapag hindi kita pinapansin..."Panimula n’ya

"Lewis..." Banggit ko sa pangalan nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Sige, ‘te girl pauto ka lang!

"Akala ko, kapag hindi kita pinapansin titigil ka na. Pero hindi pala. Ibang iba ka sa lahat ng babaeng nagpapapansin sakin. Nagkamali ako, hindi ko namamalayang nahulog na pala ako sayo, Lyra" sabi n’ya habang nakatitig sa’kin samantalang ako, heto pabagsak na mga luha ko. Kasi naman eh!

"Kaya nung sinabi mong biro lang ‘yung sinabi mo kanina, nanlumo ako. Kasi baka nga wala akong pag-asa sayo. Hindi pala mutual ang feelings natin para sa isa't isa. Nakakalungkot lang kasi—"

"Gusto rin kita, Lewis. Ay hindi, mahal na rin pala kita. Sinabi ko lang ‘yun kasi... ayokong mapahiya ako sa mga kaklase natin." Sabat ko,

"Really?" Hindi n’ya makapaniwalang sabi.  kinikilig kasi ‘yan, pustahan HAHAHAHA

"Yeah." wala na, nahulog na si ante. bahala ka jan

"So, Can you be my girl and my wife for a life time?"

"Yieeeeee" sabi ng mga kaklase ko, jusko ampa-plastic nyo ha?

"Why not?! Syempre oo! Aarte pa ba ko?" Excited kong sabi

"From now on, you're my girl and my life. You're mine now. Clear?" Omg, Lewis?! ‘Yes, I do’ na agad!!

"Of course! I'm yours forever and ever, Lewis babe."

"Argh! Ako dapat ‘yan eh! loveydovey paano na ako? huhuhu" Pagma-maktol ni Lyka sabay walk out kasama ng mga alipores nya.

Jusko gaiz!!!! Mama? Papa? Pakihanda na ang simbahan! Ang prinsesa n’yo papakasal na! Bye gaiz! I'm getting married now!

---

PSYCHE

© All Rights Reserved. 2024

Original Date Published: xxxx 2020
Date Completed: June 2020
Date Edited: November 3, 2024 (updated)

~

Psyche: GUYS, NAPAKA CRINGE PALA TALAGA NG SELF KO, BACK 2020 JUSKO!

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon