"Star, tingin ka sa harap"
"Ano na naman 'yon, Satana?"
"Basta, tumingin ka nalang sa harap. Promise, 'di ka magsisisi 'pag tumingin ka do'n"
"Ano na namang trip mo? May ginagawa ako bitch, can't you see?"
"Shizzz, tumingin ka nalang!"
"Eh ayoko nga! Ano ba meron?!"
"Tumingin ka sa harap! Si Uno ando'n! 'Yung crush mo!"
"Ano meron kay Uno-ha?! Si Uno? 'Yung crush ko?! OMG?!" Napatakip ako ng bibig ko nang makita kong humarap sa'min 'yung isa naming kaklase. Piste. Naloko na.
"Ayan ha?! Si Uno pala crush mo!"
"H-hoy h-hindi ah? Kasi naman 'to si Satana eh!"
"Sorry haha, ayieeee"
"Uno oh, ayieeee" singit naman ng kaklase namin. Shemay, wala na.
"H-hoy ano ba!"
"Luh namumulaaaaa. Ayieeeee" ani Satana
"Alam mo Star, 'yan si Uno crush ka rin n'yan. Torpe lang talaga 'yan kaya gan'yan."
Napatigil ako nang bahagya dahil sa nalaman ko. 'Di nga, Totoo ba 'yon?
"Seryoso?" Sabi ko nang 'di makapaniwala
"Oo nga siz. Nako! Kung ako sa'yo, pagpapatuloy ko lang pagkakagusto ko d'yan kay Uno. Baka i-crush back ka n'yan. Marupok pa naman 'yan. Yieeee~" singit naman ng kaklase ko, Si Layla.
"Nako! Mga paasa kayong lahat! Piste!" Sigaw ko habang uma-arteng umiiyak. Yawa kasi huhu, ayaw akong i-crushback!!
"Sinong paasa?" Sabat ni Uno.
"Uh ano w-wala ah? Sino b-ba kasi 'y-yon ha?"
"May narinig ako kanina eh, sumigaw ka. Sabi mo mga paasa kayong lahat so ibig sabihin kasama ako do'n?" Sabi n'ya ulit habang unti-unting lumalapit sa'kin hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Shizz!! Corner na ko!!
"H-hoy! Ano b-ba?! Umalis ka nga r'yan!!"
"Yieeeeee sabi sa'yo may gusto 'yan sayo eh!! Haha" singit ni Layla. Kahit kelan epal talaga 'to!
"Paano kung sabihin ko sa'yong gusto rin kita? Kung sabihin ko kayang mahal na kita? Paasa pa rin ba 'yun?"
"G-gusto mo a-ako?"
"Of course. I love you, Star" bulong n'ya at kasabay nun ay ang unti-unting paglapit ng labi n'ya papunta sa labi ko.
Damn?! Ano tong ginagawa mo, Uno?! Am I just dreamin'? I hope not...
"I love you t-"
"HOY?! MS. DEVILLA?!" Pambabasag sakin ni Miss Terror.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawa naman ng mga kaklase ko, nyeta?
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! Bakit ka nakanguso r'yan?! Para kang isda! Ano na namang pinapastasya mo ha?!"
"HAHAHAHAHA isda!"
"eyyy, para ka palang isda eh. payag ka nu'n?"
"lah kung ako 'yan, iiyak na 'ko Hahahaha"
"I'm sorry ma'am, akala ko po kasi...." Pagtigil ko dahil baka masabi ko ang hindi ko dapat masabi. Nako mahirap na, baka asarin na naman ako
"Akala, Akala! Puro ka nalang akala! Wala namang nagkakatotoo sa akala mo! Go get your things and leave my class!"
"But ma'am—"
"No buts! I said go out!"
"Alright. I'm sorry"
"Go! out!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA" rinig ko na namang tawa ng mga kaklase ko. Nakakainis na!
"Ayan kase! Pantasya pa kay Uno, akala mo papatusin ka no'n?! HAHAHAHA never, ever." rinig kong sabi ni Satana, best friend ko. Ay no, ex-bestfriend ko simula nang inagaw n'ya sa'kin si Uno.
Taena, nagpa-pantasya na naman ako. Akala ko totoo na, hays.
---
PSYCHE
© All Rights Reserved. 2024
Original Date Published: xxxx 2022
Date Completed: xxxx 2022
Date Edited: November 3, 2024 (updated)Psyche: BALIW NA S'YA GUYS. HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
ONESHOT STORIES
FanfictionHey! Welcome! W A R N I N G! This is just a work of my imagination. Anything that you seems look familiar in this story is not true, inshort not a true to life based story. Any names, places, or events that mentioned in my story are just an art of m...