05

7 0 0
                                    

Ikaw na pala
Ang may ari ng damdamin ng minamahal ko

Ilang taon na rin simula nang iwan ako ni Lovelle, ang pinakamamahal kong babae. Pinagpalit n'ya kasi ako sa kaibigan kong si Mario. Hindi ko akalain na magagawa nilang dalawa 'yun, ang sakit.

Pakisabi nalang...
Na wag nang mag-alala at okay lang ako

Medyo nakararaos na'ko mula sa pagkalugmok pero andun pa rin 'yung sakit. Hindi naman basta basta nawawala 'yun agad.

Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo s'ya ay hahayaan mo,
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan

Simula nung umalis si Lovelle, hindi na ako nag-abalang pigilan pa s'ya. Alam ko namang kahit bumalik s'ya, hindi na ako 'yung mahal n'ya. Mahirap mang tanggapin pero kailangan eh. Masaya na s'ya sa iba, guguluhin ko pa ba?

Kaya't humihiling ako kay Bathala
Na sana'y hindi na s'ya luluha pa
Na sana'y hindi na s'ya mag i-isa
Na sana lang...

Inaamin ko, nagkaroon kami ng pagtatalo noon ni Lovelle at alam kong palagi ko s'yang napapaiyak sa tuwing nag a-away kami, pero normal lang naman sa magkasintahan 'yon 'diba? Hindi naman ibig sabihin non ay i-iwan n'ya na 'ko agad

Pero ngayong masaya na s'ya, sana hindi s'ya saktan ng kaibigan ko.

Ingatan mo s'ya
Binalewala n'ya ko dahil sayo
Nawala rin ang saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko rin binu-buo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko

Sana lang hindi n'ya gawin 'yung ginawa ko noon kay Lovelle kasi handa akong agawin uli s'ya kapag nangyari 'yon. Ingatan ka sana ng pinili mong mahalin ngayon, mahal ko.

Para naman sa kaibigan ko, sana hindi mo s'ya sasaktan. Ibigay mo lahat ng gusto n'ya. Gusto n'yang sa kanya lang ang oras mo, gusto n'yang s'ya lang ang mahal mo. Pakiusap, 'wag mo s'yang lolokohin.

Siguro nga panahon na para kalimutan ka. Siguro nga panahon na para magmahal naman ako ng iba.

Heto nang huling awit na iyong maririnig
Heto nang huling tingin na dati kang kinikilig
Heto nang huling araw ng mga yakap ko't halik
Heto na...
Heto na, ingatan mo s'ya...

Hanggang dito nalang mahal. Pero pinapangako kong kapag sinaktan ka n'ya, hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sa kan'ya. Mahal na mahal kita, Lovelle. Mahal na mahal, ngunit paalam.

---
Song credits: 'Binalewala' by Michael Libranda

PSYCHE

© All Rights Reserved. 2024

Original Date Published: xxxx 2022
Date Completed: xxxx 2022
Date Edited: November 3, 2024 (updated)

Psyche: wow, poet

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon