02

17 1 3
                                    

"Hoooooy gaaaaaaiz?!" Sigaw ng secretary namin pagkapasok ng room. Ano na naman kayang sasabihin nito? Sana good news.

"Ano na naman yoooon, Amor? Aga aga ang ingay mooo" ayun si VP, nakisigaw na

"Sabi ni ser Oliver mag review raw kasi may summative tayo mamaya. M-malelate raw s'ya ng dating kasi may inaasikaso pa, t-tas ibibigay raw n'ya 'yung oras na 'yun para makapag r-review tayo kahit hindi naman talaga kayo mag re-review! Ayun, hays natapos na rin!" Sabi n'ya habang hinihingal pa. Takbuhin ba naman simula office sa ground floor hanggang 4th floor, sinong 'di hihingalin? Hahaha

"Hanggang ilan daw?" Sabi ng isa kong kaklase, Si Emmy. Sus kunwari pa, 'di naman nagre-review, haha

"Sa pagkaka-alala ko, hanggang 30 items daw. Tapos erasures means wrong pa.
So ano pang hinihintay n'yo, gaiz? Review naaaa!"

Bogsh!

Pagkasabing pagkasabi ng president namin, aligagang aligaga na 'yung ibang mga kaklase ko.

May mga kumukuha ng yellow papers sa mga bag nila na kala mo huling araw na nila ngayon sa kakamadali. Meron din namang kumukuha ng notebook para magbasa ng notes, may iba ring nagseselpon lang, at isa na 'ko dun. HAHAHAHA bakit ba 'ko magpapakahirap kung may makokopyahan naman? So easy!

Maya-maya, dumating na nga si sir. Hays kahit kelan talaga ang gwapo n'ya lalo na nung nagpagupit s'ya. Mas lalo s'yang naging gwapo sa paningin naming lahat. Baby ko 'yan ih!

Balita ko nga may jowa daw 'tong si ser kaso kakabreak lang. Weh? 'Di halatang broken ang lolo n'yo ah? Lagi kasing nakangiti eh, akala mo walang problema.

"Okay class, get one whole yellow paper. Write your name, section and the date today. Write 1-30 and don't forget, erasures means wrong"

"Be, penge papel"

"Ehem"

"Oy pabili nga papel!"

"Oh dos isa"

"loe beh hehe, enge papel"

Rinig ko sa mga kaklase ko, hay nako HAHAHAHAHA kahit kelan talaga. Hindi na 'ko magtataka kung sa kabilang room na kami manghihingi ng papel.

"Hoy mga tao, tahimik!" Sigaw ni sir kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Jusko ka sir!

As usual, natawa na naman kami. Ganyan kasi ang palagi n'yang sinasabi samin eh, happy pill na siguro namin si sir.

"Let's get started! Ang mahuli kong nangongopya, kukunin ko ang papel at saka pupunitin. Automatically, zero na kayo. Understood?"

"Yes sir"

"Enebe nemen yen ser eeeh"

"Haluh!"

Bulong bulungan ng mga kaklase ko. Hay nako, buti nalang nasa bandang likod ako nakaupo kaya less harm kung sakaling mangopya ako. basic nalang 'yan sa'kin duh, batikan kaya 'to!

Pagkabigay sakin ni sir ng test paper ay nagsimula na 'kong basahin at potek hindi ko magets kung anong nakalagay. Number 1 palang eh mukhang bokya na agad ako. Malamang, 'di naman ako nag review eh haha

"Dai, pakopya ko" bulong ko sa katabi ko saka tumungo ng kaunti, sapat na para 'di ako makita ni bebe—este sir Oliver na nangongopya. Ang hirap kasi eh, 'di ko magets hehe

"Baka mahuli tayo ni sir n'yan! Nako yare ako nito"

"Hindi 'yan, ako'ng bahala. Dali na, pakopya"

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon