HJ 007

15 2 7
                                    

Hey, Jules!

        Tol, nandito kami ngayon kila Angela, Tol. Tumatambay lang, wala kasi kaming magawa. Pero may mga bisita siya kaya dito lang kami sa kwarto niya. Sabi niya, mga kaibigan niya raw 'yon sa school. Sina Darlene, Armine, at Sofia. Cute nga nung jowa ni Darlene eh, kaso Ernesto ang pangalan. Kapangalan nya 'yung tatay ni Kokoy. HAHAHAHAHA! 

Ay, naalala mo si ate Mads? 'Yung nagtitinda ng kwek-kwek malapit sa dating school natin noong high school? Pumunta kasi kami doon kanina para bumili ng fishball bago kami dumeretso rito kila Angela. Tapos nandon 'yung baby niyang two years old. Kasama niya kanina magtinda. Ang ganda-ganda! Ang cute-cute nung baby! Haaay, parang gusto ko na rin. Huy? Chariz lang.

Oh siya, parang naririnig na namin na nagpapaalam na 'yung mga kaibigan niya. Baba na kami, Jules, magmo-movie marathon pa kami eh. Manonood kami ng cocomelon. 

Miss ka na namin! Labyu <3

Gutom na,
Hachi

Hey, JulesWhere stories live. Discover now