HJ Epilogue

11 2 19
                                    

"Naka-ready na ba 'yung mga foods?" tanong ni Kokoy, katabi niya si Kristina na nakahawak sa mga braso niya.

"Yep, ready na." Angela replied. Tinuro pa niya ang basket na dala-dala ng nobyo na si Silas.

"Ikaw, Jules? Ready ka na?" Kokoy, once again, asked. Nakatingin siya kay Jules na kanina pa nananahimik.

Ngumiti ang binata ng marahan bago tumango. "Oo naman. Tara na baka kanina pa niya tayo hinihintay."

Nauna nang maglakad ang mga kaibigan patungo sa sasakyan nilang gagamitin.

Natawa na lang siya dahil naalala niya ang isang entry ni Hachi sa diary niya.

'Totoo ngang nakakainis ang maging fifth wheel, Hachi.' He told himself while chuckling mentally.

Nang makarating sa sasakyan na inarkila nila, si Jules ang nagprisintang mag-drive. Lahat naman na sila marunong na magmaneho, gusto lang talaga ni Jules mag-drive.

Limang taon na ang nakakalipas at hindi pa rin sila nakakausad— mali. Dahil si Jules lang pala ang hindi makausad.

"Lapit lang pala!" Saad ni Kristina nang makarating sila sa kanilang pupuntahan.

"Kaya nga eh. Pero we need car pa rin kasi marami tayong dalang food." Sagot ni Angela.

"Hindi pa ba kayo nakakadalaw sa kanya?" Mahinang tanong ni Jules.

Umiling silang lahat maliban kay Kokoy. "Dumalaw ako isang beses, bago ako umuwi."

"Traydor ka! Bakit hindi mo 'ko sinama!?" Nakakunot ang noong tanong ni Kristina.

"Magkaaway tayo noon 'di ba? 'Yon 'yung time na anong oras na pero pumunta pa rin ako sa inyo."

"Ah kasi ang sabi mo kadiri kapag naging ipis ako."

Angela sighed, "Pag-uuntugin ko kayong dalawa."

Jules and Silas just laughed at them. When he parked his car inside the memorial park, mabilis silang bumaba sa sasakyan at kinuha ang mga dalang gamit sa compartment.

Mabilis nilang nahanap ang libingan niya sa tulong na rin ni Jules, dahil lagi siyang dumadalaw rito.

Ibinaba nila ang gamit at naglatag ng picnic mat bago doon umupo.

Inalis naman ni Jules ang mga nakakalat na dahon sa lapida niya. Si Silas naman ang naglagay ng tatlong kandila at sinindihan. Si Kokoy ang naglapag ng bulaklak.

The two girls prepared their foods. Naglagay sila sa isang paper plate ng cassava cake at inilagay iyon sa lapida, katabi ng bulaklak.

"Grabe 'no? Parang kahapon lang kasama pa natin siya. Lagi pa tayong nag-o-overnight sa kanila para bantayan siya." Ani Angela.

"Namimiss ko na siya." Maiyak-iyak na saad ni Kristina.

"She's in peace na, don't worry. No more pain. No more suffering. Just resting peacefully."

Angela wiped the tears that escaped from her eyes. "Sayang lang she couldn't wait for her daughter anymore."

Jules smiles painfully as he reads the name engraved on the tombstone.

Halsey Lopez (1980 - 2028)

Limang taon na ang nakakalipas simula noong umalis si Hasley para magpagamot sa ibang bansa, at limang taon na rin silang naghihintay.

Mahirap lang din dahil walang communication. Hindi nila alam kung lumalaban pa ba si Hasley or sumuko na. Masakit din dahil ang nanay lang ni Hasley ang laging nagsasabi sa kanila na huwag panghinaan ng loob tapos ito pa ang nawala.

Hey, JulesWhere stories live. Discover now