Hey, Jules!
Hi! Sorry, ngayon na lang ulit ako nakasulat. Ilang lingo na rin kasi akong busy sa school. Pinapagalitan nga ako nila Kris kasi hindi na ako nakakakain ng maayos kagagawa ng mga plates. Ganito pala kahirap mag-architecture, Jules, pero masaya ako rito. Nag-e-enjoy ako. 'Yun nga lang kailangan kong isakripisyo ang pagkain at pagtulog ko sa tamang oras.
Kanina pala, hinigit ako ng mga 'yon sa bazaar. May bazaar kasi malapit sa munisipyo ngayon, tapos may tugtugan kapag alas-sais na ng gabi. So, hinigit nila ako doon kasi hindi na raw nila ako nakakasama at malapit na raw silang magtampo. At saka kailangan ko raw kumain sa tamang oras. Nilibre nila ako. Ang dami nga nilang binili eh, mga boang. Pero thankful ako kasi baka kapag hindi nila ako pinilit, hindi na naman ako makakakain.
'Wag kang mag-alala ha? Galingan mo d'yan para makauwi ka na rito. Gusto rin kitang makasama mag-bazaar! Masarap 'yung spanish latte doon!
Nagca-cramming,
Hachi
![](https://img.wattpad.com/cover/365628491-288-k269897.jpg)
YOU ARE READING
Hey, Jules
Short StoryWhen Jules left, Hachi started to write a diary. A diary full of her rants, confessions, and a story of how her day went. It was all dedicated to Jules. She writes it for him because she wants Jules to be updated on what's happening to her, just lik...