CHAPTER 51

6.7K 94 10
                                        

Chapter 51: New character

KALLANI SOLEIL CARVENTO-VALDERAMA’s POV


FOUR years later...

MATUTULOG na sana ako nang mahimbing nang marinig ko ang boses ng piloto na nag-aanunsyo na nakarating kami nang ligtas sa airport ng Pilipinas. Oo, kami ay kasalukuyang nasa isang eroplano at mula sa Indonesia.


Apat na taon na kaming nanirahan sa bansang iyon at ngayon ay nagpasya ang aking asawa na bumalik sa bansang pareho naming pinanggalingan at ito ay Pilipinas.

Gayunpaman, mas pinili niyang maiwan doon, dahil marami siyang papeles na dapat asikasuhin. Darating siya kapag naayos na niya ang kailangan niyang ayusin sa kumpanya niya.

Inayos ko ang shades ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko na umabot lang sa balikat ko at may highlights na violet.

“Madam Kalla, let’s go?” I looked at our fellow passenger first. Masyadong marami at ayokong maipit.

“We’re going down later kapag kakaunti na sila and Zavein stop calling me madam. Goodness, just call me Kallani or Soleil,” sabi ko at napahagikgik lang ang best friend kong bading. Ngunit literal na hindi siya nagsusuot ng mga damit na pambabae. Clean-cut pa rin ang hairstyle niya.


I rolled my eyes. “You are so beautiful, Kalla.” He pinched my cheek.


“I know right.” I grinned.

Muli, napatingin ako sa likuran. Binalingan ko si Zavein at kumindat ako sa kanya. Nakuha niya agad ang gusto kong ipahiwatig.

Tumayo siya at nagpatulong sa dalawa naming bodyguard para sa luggages namin.

I’m wearing a white coat and inside it is a black sleeveless shirt with a low neckline, white slacks and a pairs of white stiletto that 3 inches ang taas. Kinuha ko na ang black signature handbag ko at inilahad agad ni Zavien ang braso niya sa akin. Ngumiti ako at yumakap doon saka kami sabay na naglakad at nang makababa na mula sa eroplano.

“Oh, heaven!” bulalas niya nang sumalubong sa amin ang masakit na sikat ng araw. Ngunit ikinangiti ko pa ito, kasi ganito talaga ang panahon sa Pilipinas.

“Parang hindi ka na nasanay, Zavein,” nakangising komento ko at siya naman ang nag-roll eyes.

Nasa unahan namin ang isang bodyguard at may nasa likuran din namin. Alerto sila. Hindi naman namin kailangan ang bodyguard pero masyadong overprotective ang asawa ko.

“Sanay naman ako, but nakabibigla naman kasi!” Gusto ko siyang tawanan nang malakas pero hindi ko naman magawa kasi nasa public place kami. Kapag nasa labas kami ay palagi kong ipinapakita na walang ekspresyon ang mukha ko. Na parang palagi rin akong seryoso at tipid na salita lang ang lumalabas sa bibig ko.

Isa iyon sa itinuro ni Archimedes, my husband. Para hindi raw makita ng mga tao ang weakness ko. Marunong naman akong magtago ng emosyon ko at hindi ako nagpapadala.

Sa exit ay may black expensive car na ang nakaabang sa amin at binuksan iyon ni Zavein. Pinauna niya akong sumakay bago siya.

“Thanks, babe.” He giggled.

“Stop it, Kalla. Baka malaman iyan ng hubby mo at matik na ang beauty ko,” he whispered. I smirked at him. Yup, I have a jealous-husband.

“Don’t ’ya worry, sagot kita my beloved handsome best friend.”

“Tse! Dapat beautiful hindi handsome! Sa hotel po tayo ng Bongon, Sir!” he command.

“Bongon?” tanong ko.

The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon