Unang Layag: Sa Pasilyo

35 9 0
                                    

Lilipad narin sa wakas ang kwentong ito na matagal ko nang gustong tapusin. Nawa'y samahan niyo 'kong lumipad at alamin ang kanilang kwento. (⁠◠⁠‿⁠・⁠)⁠-⁠☆-Sol

 (⁠◠⁠‿⁠・⁠)⁠-⁠☆-Sol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Unang Layag


     NAALIMPUNGATAN ako sa ingay ng kaserola. Pagdilat ko, nakita ko ang kuya kong binabae na may hawak na sandok at kaserola.

     “Kuya naman! Ang sarap sarap ng tulog ko e!” Sa halip na bumangon ay nagtakip ako ng unan.

     “Aba, mukhang ayaw mo pang bumangon a!? Halika nga rito!” Hindi ko siya pinansin pero hindi ko in-expect na hahatakin niya ang tainga ko.

     “Aah! Aah! A...aray! Kuya naman!” Pagkabitaw niya ay hinawakan ko agad ang tainga ko na sa tingin ko ay namumula na ngayon. Tuluyan nang nagising ang diwa ko sa sakit.

     “Hayskul ka na, matuto ka naman bumangon mag-isa! At isa pa! First day of school hindi kaba excited!? Si Cathy nga kanina pa nakaalis at bihis na bihis e ikaw!” Bumugtong-hininga ako at hinarap ang kuya ko.

     “Opo...masusunod po--- ah!" Muli niyang piningot ang tainga ko. "Mama! Si kuya oh!” Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Kahit kailan talaga! Lagi nalang nang-iinis si kuya.

     Dumiretcho ako sa banyo para maligo at pagkatapos nanalamin ako at pinagmamasdan ang bago kong uniform. Navy blue dress ang uniporme namin. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko 'yung pagka-fresh! 'Yung finally! Naka-graduate na ako, may bago na akong eskwelahan, bagong klasmeyt at bagong damit.

     “Aalis na po ako, ma!” Paalam ko kay mama na nasa tindahan ngayon.

     “Mag-iingat ka! Dinala mo na ba baon mo!?” Nasa pinto na ako nang mapaatras ako sa tanong ni mama.

     “O-opo!” Sagot ko bago ko kinuha 'yung baon kong pagkain na nasa paper bag, nakapatong sa lamesa namin.

     Sampung minuto bago ako makarating sa eskwelahan kapag nilakad ko lang, malapit-lapit lang naman bahay namin kaya kahit papa'no nakatipid ako sa pamasahe.

     Marami akong nakasabayan na estudyanteng naglalakad at ang iba naman ay nakasakay sa tricycle. Malamig ang ihip ng hangin at preskong-presko ang pakiramdam ko. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga taong nakakasabay ko. .

     Agaw-pansin naman ang isang lalaking naglalakad sa unahan ko. Purple ang bag niya, at nagmukha itong travel bag sa dami niyang dala. Pero ang kakaiba ro'n ay ang uniporme niyang katulad sa mga marine. 'Yung nasa balikat ng mga marine, pero ang kanya ay blue.

     Nang makarating kami sa gate ay pumasok ito ro'n, kung saan ang eskwelahan ko. Ibig sabihin, dito rin siya nag-aaral? Bakit ganun ang uniporme niya? Kataka-taka ang uniporme niya pero hindi ko na ito pinansin dahil lumawak ang ngiti ko nang makapasok na ako sa loob.

100 Airplanes To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon