“KUYA pwedeng magtanong?” Nakaupo kami ni kuya ngayon sa sofa kung saan nanunuod kami ng Showtime.
“Nagtatanong ka na 'di ba?” Mataray na pagkakasabi ni Kuya.
“Ay, oo nga pala ehe... Yung A students. Ano ba talagang mayroon dun?” Duon din nag-aral si kuya kaya baka may alam siya.
“Advanced students sila. Kapag A students ka, dapat matalino ka at masipag. Kasi sa bawat subject dapat 85 pataas 'yung grade mo maging 'yung average mo.” Panimula niya. “Pasang-awa na nga 'yung 85 sa A students, e. Parang 75 lang sa regular student. Kailangan mo naman magsipag dahil maraming gawain dun. Bakit mag-a-advanced students ka!? Ni hindi nga gumagalaw grade mo, nasa 80 hanggang 83 lang, at tamad-tamad ka pa minsan!” Nap-pout ako sa sinabi ni kuya, ang harsh.
“Atleast hindi ako nagkakaroon ng line of 7 no! Tss!” Pang-aasar ko naman dahil maraming palakol ang kuya ko noon lalo na nung freshman year. Babalik na sana agad ako sa kwarto pero may naalala pa akong tanong.
“Kung ganun pwede kapang mag-advanced student next year kahit regular ka ngayon?” I asked at tinignan niya ako nang nakakunot ang noo.
“Oo, bakit?”
“Wala lang.” Sagot ko nalang at agad bumalik na sa kwarto baka kung ano pang masabi niya.
Nakaupo ako ngayon sa table study ko at pinaglalaruan ko ang ballpen ko. Ginawan ako ni Papa ng table study pero puro drawing lang ang ginawa ko dito. I never read a book or even my lecture notes. Kahit mga lovestory hindi. Mga wedtoon, comics and so on lang mga binabasa ko. Mga luma na nga iyon dahil galing pa ang mga ‘yun kay Kuya.
Sinilip ko naman ‘yung mga libro ko at akmang ilalabas ito pero binalik ko dahil Mathematics ito, ganun din ang English at Science so Filipino at History book ang kinuha ko. Sinubukan kong magbasa pero nakita ko palang kung gaano kahaba ang mga nakasulat inantok na ako. I closed it!
“Hays! Anong gagawin ko!” humiga ako sa kama at tumulala.
“Bakit tulog ka nung naghulog ang Diyos ng katalinuhan, Aly!?” I'm so dumb! So lazy and dumb!Kinabukasan. Habang naglalakad ako sa hallway biglang lumitaw si Baldwin at may iniabot sa akin.
“Ano ito?” Tanong ko. Hindi niya ako sinagot at naunang pumasok sa room.
Binuklat ko naman ‘yung manila paper at nagulat ako dahil may pinapagawa nga pala si Ma'am. Kumunot naman noo ko nang napansin kong itong topic na ito ang naka-assign sa akin. Pagpasok ko sa loob tatanungin ko sana siya pero dumating na si Ma'am.
“Good morning class!”
“Goooooood moooooorning ma'am!”
“Sit down. Ilabas nga pala ang mga pinapagawa ko at idikit sa blackboard. Group 1 kayo ang mauunang mag-report.”
Napatingin naman ako kay Baldwin pero hindi niya ako tinignan at idinikit niya yung gawa niya, maging ang kagrupo namin ay tumayo narin kaya no choice ako at dinikit ko rin ito. Napalunok ako.
Pagkatapos naming magdikit ay bumalik na kami sa pwesto namin.
“Please explain your work Mr. Agoncillo.” Napalunok naman ako dahil hindi ko alam ‘yung sa akin, ni hindi ko nga ginawa yan e.
“Good morning, this is our work. Literal and Figurative. Literal is the actual meaning of words while figurative is a language that goes beyond the normal meaning of the words used. It short. In literal from the word 'literal' it means what exactly it says. Words for words, while figurative it has a deeper meaning hidden in the words. That's it, ma'am. Thank you." Napalunok ulit ako dahil tapos na siya at ibig sabihin nun ay ako na ang susunod.
BINABASA MO ANG
100 Airplanes To You
Novela Juvenil"Sabi nila, para mahanap mo ang soulmate mo. Bilangin mo raw ang bawat eroplano na makikita mo. Kapag umabot ka sa 100, pumikit ka ng tatlong segundo, sa pagdilat mo... lumingon ka sa likod. Kung sino ang una mong makikita, siya raw ang soulmate mo...