NANUNUOD ako ng T.V nang may kumatok mula sa labas ng bahay. Binuksan ko ito. Bumungad ang isang babaeng balingkinitan na nakasuot lamang ng pambahay.
“Ate Gianna? Ano pong ginagawa niyo rito?” Tanong ko dahil simula nung bakasyon ay hindi na siya bumisita pa rito.
“Gusto ko sanang makausap ang kuya mo, nandyan ba siya?”
“Yes, ate. Pasok ka muna at umupo, tatawagin ko lang si kuya.” Habang umaakyat, sinilip ko mukha ni ate Gia. Sa itsyura pa lang niya mukhang may pinag-awayan na naman ang dalawang 'to. Siguro lalaki na naman. Hays.
Kumatok ako pero hindi pa man din siya sumasagot ay binuksan ko na ang pinto. Naka-earphone siya habang nagd-drawing sa isang papel ng mga damit na kanyang dinesenyo. Napansin niya ako kaya tinanggal niya ang kabilang bahagi ng earpud.
“Baket?” Medyo masungit na tanong niya.
“Si ate Gia nandito at—” hindi ko pa natatapos ang sasabihin dahil sumagot agad siya.
“Sabihin mo busy at pagod narin kaya sa susunod nalang.” At agad siyang bumalik sa kung ano man ang ginagawa niya.
May pinag-awayan nga ang dalawa.
Bumalik na ako sa baba. “Sorry ate, busy daw siya at pagod kaya sa susunod nalang daw.” Nanlumo si ate Gia.
“Ayos lang.” Tipid na ngumiti ito. “Yige, salamat, Aly.” Nakayuko itong lumabas ng bahay. Ilang beses ko narin naman nasaksihan ang tampuhan at away nila kaya magbabati rin 'yang dalawa.
Kinabukasan. Habang naglalakad ako papasok, kapansin-pansin na halos lahat ng estudyante ay nauunahan ko dahil sa bilis kong maglakad. Simpleng bagay pero natutuwa ako.
Naputol lang ang saya ko nang may isang lalaki ang biglang nauna sa akin. Mas matangkad ako sa kanya, purple bag niya at mukhang marine dahil sa uniporme niyang suot. A students ang tawag sa kanila sa pagkakaalala ko.
Sinubukan ko siyang habulin. Naabutan ko siya pero hindi ko maunahan. Hanggang sa napagod na ako at sumuko.
“Sobrang bigat ng bag niya pero ang bilis niyang maglakad.” Sabi ko sa sarili ko habang hinihingal.
Hay naku, Yanah. Pinapagod mo lang sarili mo sa kalokohan mo. Dahil jan, naging mabagal ang lakad ko. Pagdating sa gate, saktong nakasabay ko si Julie.
“Magandang umaga!” Masayang bati ko. Tinanggal niya ang kanyang earphone at ibinalik sa bag.
“Good morning din.” Bati niya in a cold but a little bit warm way.
“Sabay na tayo.” At sabay nga kaming pumasok sa silid.
“Good morning!” Bati ko kay Acei pagkaupo ko, napalingon naman ako kay Baldwin.
“G-good morning.” Bati ko sa kanya and as I expected he didn't response at tumutok ulit sa librong binabasa niya. Nerd.
“Yanah, panuorin mo ito.” Sinuot ko ang iniabot ni Acei na earphone at pinanuod namin ang sayaw.
“Ayos ba?”
“Wow! Ang cool! Ang galing naman niya, napakaangas ng move! Sino siya? Impyernes bet ko siya!” Patukoy ko sa lalaking kakaiba ang galaw. Nakatulala naman si Acei at mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko.
“Acei! Ayos ka labang ba?” Pinisil ko ang mukha niya para matauhan siya.
“Oh? Uhm...”
BINABASA MO ANG
100 Airplanes To You
Teen Fiction"Sabi nila, para mahanap mo ang soulmate mo. Bilangin mo raw ang bawat eroplano na makikita mo. Kapag umabot ka sa 100, pumikit ka ng tatlong segundo, sa pagdilat mo... lumingon ka sa likod. Kung sino ang una mong makikita, siya raw ang soulmate mo...