Ikalimang Layag: Ang Panyo

16 9 0
                                    

     “NAPAGDESISYUNAN mo na ba, Yanah?” Bungad na tanong sa akin ni Acei pagkapasok ko sa silid.

     “Nag-iisip pa rin.” Umupo ako at hindi siya nilingon dahil ayan na naman ang pa-cute face niya. “Good morning!” Bati ko kay Baldwin na siyang kapapasok din. Ang akala ko ay babatiin din ako pero naupo lang ito. “Hays.” Singhal ko.

     Buong buwan kami nag-ensayo para makabisa ang mga steps para sa Wellness Dance. Naging busy na rin kami sa pag-aaral dahil nalalapit na ang first quarter exam.

     "Yanah! Pasabay water! Thank you!" Si Acei na nag-abot ng pera at tapos ay agad na bumalik sa field dahil naglalaro sila ng basketball.

     Habang naglalakad naman ay may biglang tumama sa akin. Isang shuttlecock.

     “Hala! Sorry! Sorry, miss! Sorry, po!” Agad na lumapit ito at kinuha ang shuttlecock habang na-s-sorry.

     “Ayos lang. Ayos lang.” Nang nilingon ko ang babaeng iyon, isa siyang A class base sa suot niyang uniporme. Napakaganda niya rin, para siyang modelo at pamilyar ang mukha niya. For sure campus crush siya.

     Ang uniporme ng girls sa A class ay necktie na ang gamit kumpara sa amin na regular class ay ribbon lamang.

     “Thanks, Yanah!” Si Acei na agad kinuha ang tubig.

     “Painom—” bago pa man makapagpaalam si Baldwin ay isang lagop lang ang tubig kay Acei. Hindi na rin siya narinig ni Acei dahil agad itong bumalik sa paglalaro.

     “Oh,” inabot ko kay Baldwin ang tubig ko. “Huwag kang mag-alala, may tubig ako sa taas, tinatamad lang umakyat kaya bumili ako, pero sayo nalang.” Kinuha niya ito.

     “Salamat.” Tipid na ngiti niya gayunpaman masaya akong makita ang ngiti niya kaya napangiti rin ako.

     “Hoy! Samahan mo nga ako. Ipapasa ko lang 'tong papel niyo.” Si Julie.

     Alam kong kung minsan ay mukhang ang rude ng hoy niya pero ayan talaga ang paraan niya ng pagtawag sa kahit sino. Maliban sa mga nakakatanda.

~*~

     “Hays, 'di ko man lang nakita si crush.” Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad pauwi. Nagkahiwa-hiwalay na kami kaya mag-isa nalang ako.

     Sa 'di kalayuan ay natanaw ko si Baldwin na nakatitig sa isang bahay. Ano kayang meron?

     “Baldwin? Anong ginagawa mo dito?”

     “W-wala. May nakita lang akong pusa.”

     “Ganun ba? Pero anong ginagawa mo dito? Doon ang way mo, 'di ba?"

     “Aly,” the way he call my names sounds so sweet. It reminds me of someone.

     “Bakit?”

     “Ihatid na kita—”

     “Ha!? Ihatid!? B-b-bakit?”

     “Remember nandun ako sa inyo last time? Nung—” napahinto siya nang napagtanto niya ang tinutukoy niya. Maging ako kay napalunok at umiwas ng tingin. “N-n-nung bumili ako, ano kasi...”

     “M-mauuna na pala ako! May dadaanan pa pala ako, naalala ko! Bye!” Agad akong patakbo na naglakad malayo sa kanya.

     Grabe ha. Anong nakain niya at gusto niya akong hinatid. Tiyak na magagalit si papa kung ihahatid ako ng isang lalaki at chismis naman ang magaganap kung makikita ako ng mga kapitbahay ko. So, it's a big no! Isa pa, talagang pinaalala pa niya 'yung nangyari. Nakalimutan ko na nga, nakakahiya!

100 Airplanes To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon