NAPATAKIP ako ng bibig at nilayo ang tingin kay Baldwin.
"P-pasensiya na. N-ngayon lang kasi kitang nakitang tumawa. M-mas maganda kasi kung.... K-kung nakangiti ka." Muli ko siyang nilingon, nagtama ang mga mata namin. Hindi siya nagpatinag at tinitigan ako.
Konti nalang paghihinalaan ko na talaga siyang may gusto sa akin.
Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko. "Galingan mo pa sa pagsayaw mo, manunuod ako." Saad niya at iniwan ako.
Napangiti ako. Ito ang unang beses na nakausap ko si Baldwin ng ganito kahaba. Ang hirap kaya makausap si Baldwin, lagi nalang cold replies niya at sobrang iksi.
"Yanah? Hindi ka ba kumain?" Bumalik si Acei na may dalang burger at tubig. Tumabi siya sa'kin.
"Nakalimutan ko. Dumating kasi si Baldwin, nakausap ko palang."
"Ganun ba? Eto, sayo nalang 'yung isa. Buy one take one kasi 'yan kaya dalawa nabili ko."
"Thank you." Kinuha ko ito.
"Acei! Pre!" Sabay kaming napalingon ni Acei sa tumawag. Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ito.
"Ruru! Kumusta!" Nag-fist bump ang dalawa at agad na umakbay si Acei. "Same height pa rin tayo, HAHAHA!"
Pero teka? Tama ba ang rinig ko? Ruru?
"Zart nalang, pre. Nakakahiya ang Ruru, eh." Napakamot-ulo siya.
Walang nakakahiya kung ang pangalan niya ay Ruru Madrid ang dating!!
"Siya nga pala," nanlaki mga mata ko nang hinarap ni Acei sa akin si Crush. "Si Yanah, friend ko. And si Reuzart naman, kababata ko."
"I met her already. Pero ngayon ko lang nalaman name niya. Zart nga pala..." Hindi pa man din ako nakakagat ng burger pero todo lunok ako sa harap nila. Inabot niya ang kamay niya, hudyat na nakikipag-shake hands siya. OMG!
"Y-y-yanah." Nanginginig ang kamay ko nang inabot ko iyon.
Halos gusto kong matunaw sa lambot at kinis ng kamay niya. Ang sarap hawakan, pwede huwag bitiwan?
"Pauwi palang kami maya-maya, may inasikaso lang ako. Kayo, anong ginagawa niyo dito?"
"Well, nagpa-practice para sa dance troupe audition. Si Yanah ang ka-duo ko."
"Talaga? Kailan?"
"Matagal pa naman, mga November pa ata, manunuod ka ba?" Maging ako ay na-curious sa tanong ni Acei sa kanya. Sana manuod siya.
"Hmm... Sige ba. Sabihin mo lang sakin kung kailan." Gusto kong ngumiti nang napakalawak nang marinig ko iyon. Kaso, ayokong mahalata masyado. Kaya sa loob-loob nalang ako nagtatalon sa saya.
"Sige, pre. Asahan ko 'yan."
~*~
Kasabay ng aming pag-eensayo and pag-eensayo ni Baldwin sa Basketball. Sa susunod na taon pa naman daw ang liga pero ngayon palang ay ini-ensayo na sila.
Once a week ang practice namin ni Acei. It's been a month na rin since we started. Kabisado naman ang buong sayaw, kailangan nalang namin linisin ang ilang parte at kailangan mai-practice nang husto nang sa ganun ay magamay namin ang bawat galaw lalo na't duo ang isinasayaw namin.
Dahil kasabay din namin si Baldwin, sumasabay siya sa amin during break time o nanunuod siya sa amin sa tuwing binibigyan sila ng 5 minute break.
BINABASA MO ANG
100 Airplanes To You
Teen Fiction"Sabi nila, para mahanap mo ang soulmate mo. Bilangin mo raw ang bawat eroplano na makikita mo. Kapag umabot ka sa 100, pumikit ka ng tatlong segundo, sa pagdilat mo... lumingon ka sa likod. Kung sino ang una mong makikita, siya raw ang soulmate mo...