Iminulat ko ang mga mata nang dumampi sa aking balat ang init ng liwanag na nagmumula sa malaking bintana ng aking kwarto. Kinusot ko ang mata bago tumayo at magpunta ng restroom.
Hindi pa rin ako makausad sa nangyari kahapon. Hindi ako masanay sanay sa mga kalandian ni Atticus at mukhang hindi talaga ako masasanay.
Dumiretso agad ako sa aking kwarto matapos niyang baliwin ang sistema ko at lumabas lang muli para sa dinner. Kinakausap niya ako ng normal ngunit ako naman itong naging mailap muli sa kaniya.
Mukhang wala lang sa kaniya iyong mga pinaggagagawa niya ngunit sa akin ay malaki ang epekto. Nasisira ang proseso ng aking katawan at isipan sa mga panlalandi niya sa akin. At nakakainis pa ay hindi ko kayang pigilan siya dahil ako mismo ay napapatimang.
I am not like this and I can't believe that Atticus could stir up my whole system.
Naghilamos ako at humarap sa malaking salamin ng cr. I stared at my face. May malaking eyebags sa aking mga mata siguro dahil na rin sa hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Ilang oras akong nagpagulong gulong ngunit madaling araw na yata bago ako dinalaw ng antok.
I gently massaged my cheeks upwards. Baka sakaling magrelax ang mukha kong naiistress na kay Atticus.
Nagtoothbrush ako upang mawala ang bad breath. Ilang minuto kong inayos ang pagbbrush ng ngipin dahil ayaw ko namang masiraan ako. This is one of my best assets. My set of straight white teeth. I smiled on my reflection.
Habang nagmumumog ay biglang bumukas ang pintuan sa direksyon ng kwarto ni Atticus kaya agad akong nabilaukan. Mukhang nagulat din si Atticus kaya nagmamadali siyang lumapit sa akin.
"Shit! Akala ko walang tao."
Aniya habang hinihimas himas ang aking likod. Panay ang ubo ko at napahawak pa sa lalamunan. Gusto ko siyang batuhin ng aking toothbrush ngunit pinigilan ko ang sarili.
"Bakit kasi hindi ka kumakatok?" Mahinahon kong tanong nang ako ay mahimasmasan.
Ibinalik ko ang toothbrush sa lagayan at noon ko lang napansin na mayroon na ring mga panlalaking gamit dito sa loob ng bathroom. Geez! Kung may ibang makakakita nito ay iisiping may kalive-in ako.
"I didn't know you're here. Maghihilamos din sana ako."
Inintindi ko na lamang ang sinabi niya. Hindi rin naman niya kasalanan. I should know better because this is my condo right? And hindi na ako magisa ang nagsstay dito. I should be extra careful.
Mabuti na lamang ay ganoong tagpo lang ang inabutan niya. Paano pa kaya kung.. naliligo ako? Mahihimatay siguro ako sa kahihiyan!
Nagbrush din siya sa aking harapan kaya iniwan ko na lamang siya doon. It's awkward to watch him like that. Hindi naman kami magkaano ano.
He's your fiance, Deborah.
Oh well, whatever!
Lumabas ako ng kwarto at gumawa ng kape sa kusina. I need caffeine in my body. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag hindi ako nakakahigop ng kape. Pakiramdam ko ay lowbat din ang katawan ko kapag hindi ako nakainom sa umaga.
Coffee is my lifetime maintenance.
Habang nagsasalin sa aking tasa ay naisipan ko na ring salinan ang isa pang tasa para kay Atticus. Gusto kong ihagis ang hawak nang maalala iyong nangyari kahapon. Kinilabutan na naman ako.
Nais ata ni Atticus magmanifest siya sa mga bagay na nakikita ko. Una ay ang pader. Ngayon naman ay mga tasa. Napabuga ako ng malakas.
"Umagang umaga, stressed ka."
YOU ARE READING
Glimmer of Hope
RomanceDeborah's life was full of pain that molds her to become distant from the world. Loneliness resembles her soul. But in just a snap of a finger, her life aligned with the stars, gradually pushing her to another version of life. Will she ever be able...