Dalawang araw na ang lumipas at hindi naman nagpapadala ng mensahe sina mama at papa. Mukhang hinahayaan nila kami ni Atticus na mabulok dito sa bahay.
Kung tutuusin ay pwede naman kaming lumabas dalawa ngunit nakakahiya naman kung aalis ako at maiiwan siya. Mukhang ganoon din ang naiisip niya. Hindi ko rin naman siya mayaya na lumabas. Bukod sa hindi ako mahilig gumala ay hindi rin kami close.
Yes, hindi pa din kami close.
Matapos ang nangyaring pagbanat niya sa akin ay hindi ko na siya ulit kinausap hanggang sa matapos kaming kumain. Ganoon din naman siya. Kinalimutan ko iyon. Tanging may mga sulyap lang siya sa akin na mapangasar ngunit hindi ko na iyon binibigyang pansin.
Lagi rin ako nakakulong sa kwarto ko at ganun din siya. I let him stay on the other bedroom dahil ayoko namang nasa sala lamang siya.
Hindi kami madalas magkita dahil parehas lamang naman kaming nasa sarili naming kwarto. Tuwing breakfast, lunch at dinner lang kami parehas nagpapakita sa isa't isa. Siya rin halos ang bumibili ng mga pagkain dahil ika niya ay wag ko daw siyang insultuhin.
Komportable naman kahit papaano basta't hindi lamang niya ibubuka ang kaniyang bibig.
Ngayon ay naisipan kong magluto ng lunch namin. Medyo nagsasawa na rin ako sa mga deliveries at nananakam ako sa adobong manok. Nanood na ako ng 'how to cook adobo' kanina sa YouTube at madali ko naman itong nasundan.
Tumingin ako sa orasan na nakalagay sa gitna ng pader. Maaga pa naman. 9:45am.
Nais kong pumunta sa savemore para doon na mamili. May malapit naman dito at walking distance lang rin. Nagkape na ako kaninang umaga at naabutan ko nga din si Atticus na nagaalmusal kanina habang nanonood ng tv. Nag good morning lang kami sa isa't isa.
Nagpalit ako ng damit bago lumabas. I wore a green baggy tshirt with a new york design sa gitna and a simple denim shorts. I settled my hair in a messy bun. Hindi na ako nagapply ng makeup dahil mamamalengke lang naman ako. Sinuot ko na rin ang white crocs ko.
Nagtungo ako sa dining area at dumiretso sa pintuan ni Atticus. Kumatok ako ng tatlong beses bago niya ito binuksan.
Nakasandal ang siko niya sa pader habang hawak ang doorknob. He's wearing a drifit tshirt and shorts. Mukhang nagwowork out siya sa loob dahil pawis na pawis ang noo niya hanggang sa leeg.
Naamoy ko ang natural niyang amoy. Napakamanly. Hindi siya amoy pawis na siyang nakakagulat.
"Hmm?" Nakataas ang kilay niya sa akin habang nakanguso.
Napatingin ako bahagya sa kaniyang labi ngunit agad rin akong nagiwas. Damn lips. Nakakadistract.
Deborah, nahahawa ka na sa pagiging manyak ni Atticus!
Tumikhim ako bago nagsalita. "I'm going to buy some stuffs. Magluluto ako ng lunch natin."
I think I really need to tell him before I go out kasi siya lamang ang maiiwan dito. At least nagsabi ako. Hindi na siguro ako mahihiyang iwan siya dahil dito na din naman siya natutulog. Tumango tango siya.
"Do you need money?"
Agad naman akong umiling. I have my own money and I won't let him pay for this one. Nagsabi lang naman ako sa kaniya but it doesn't mean I'm asking for money!
"I'm just letting you know. Baka kasi hanapin mo ako."
Ngumisi siya. Oh!
I realized that it doesn't sound good. Hindi naman sa gusto kong hanapin niya ako. I just.. I just want to let him know, that's all!
"So you're expecting me to find you? Hmm?" Napakurot ako sa daliri ko dahil sa malambing niyang tono.
Grabe nakakainis naman! Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Ayoko na masyadong iexplain ang sarili dahil baka maging defensive ako masyado sa paningin niya.
YOU ARE READING
Glimmer of Hope
RomanceDeborah's life was full of pain that molds her to become distant from the world. Loneliness resembles her soul. But in just a snap of a finger, her life aligned with the stars, gradually pushing her to another version of life. Will she ever be able...