Pinagsabay kong lutuin ang dalawang itlog para hindi sayang sa gasul. Parehong sunny side up iyon pero hindi perfect ang pagkakaluto dahil medyo nabasag ang gitna. Ang isa ay medyo hindi luto ang yolk dahil iyon ang gusto ng kapatid kong babae."Jessie! Genrie! Kakain na" tawag ko sa kambal kong kapatid. Nakita kong nakabihis na silang dalawa at nanonood ng T.V sa sala. Maliit lang ang bahay na inuupahan namin at isang silip ko lang mula sa kusina, kita ko na agad ang sala. "Kumain na kayo dahil baka ma-late kayo sa school" sabi ko sa kanilang dalawa.
Si Jessie ay sumunod habang si Genrie ay nanonood pa rin sa TV. Pinaupo ko si Jessie sa upuan at kumuha ng panali sa kaniyang buhok. Nang makakuha ako ay tinali ko ang buhok niya patirintas habang kumakain siya.
"Genrie, kumain ka na rito" tawag kong muli sa kapatid kong lalaki.
"Wait lang po, kuya!" Sabi niya at ginagaya ang kung anong pinapanood.
Three years ago, our mom left and dad passed away and we three have lived together since then. Nag-aaral kaming tatlo at nagtatrabaho ako para may pangkain kami araw-araw at pambayad sa upa.
"Kuya! Ang galing nung babae sa boxing!" Tuwang-tuwang sabi ni Genrie.
"Genrie, tama na 'yan," sita ko sa kapatid ko, "Kumain ka na rito."
Tiningnan niya ako gamit ang malungkot niyang ekspresyon at kahit na ayaw niyang patayin ang TV ay sumunod pa rin siya. Hindi nagbago ang mukha niya hanggang sa makarating sa hapag kainan.
"Kumain na kayo riyan at ihahatid ko pa kayo sa school" sabi ko pagkatapos kong talian si Jessie.
Kinuha ko ang bag nila at hinanda ang mga librong gagamitin sa school. Nilagay ko rin ang pagkain at tubig nila. Hindi kami mayaman kaya nagsisikap akong mag-aral at magtrabaho para sa amin dahil kaming tatlo na lang ang magkakampi sa mundo. Kahit na mahirap, titiisin ko dahil kailangan naming makapagtapos.
Pagkatapos ko silang ihatid sa school nila ay dumiretso ako sa trabaho ko. May ilang oras pa naman ako bago magsimula ang unang subject.
"Welcome po" bati ko sa bagong dating na customer.
Isa akong waiter sa isang restaurant. Minsan ay nagde-deliver din ako ng pagkain kapag walang available sa amin. Nang makita kong may bakanteng lamesa na marumi. Lumapit ako roon at nilinis ang baso, platong may tira-tira pang kanin at manok. Pinunasan ko na rin ang lamesa at nilagyan ng sanitizer sabay punas ulit. Dinala ko sa likod ang mga plato at inilapag sa lababo kung saan si Shane ang naka-schedule na maghugas ngayon.
"Ito pa, Shane"
"Sige, lagay mo lang diyan" pagod na sabi niya. Napatitig ako sa kaniya saglit na mukhang napansin niya at lumingon sa akin, "Oh bakit?"
"Kaya pa?" Tanong ko at hinawakan siya sa balikat. Maliit na ngiti ang binigay niya sa akin sabay tango. Balak ko sana siyang tulungan kaya lang ay tinawag ako sa harap kaya nagpaalam na ako sa kaniya at pumunta sa labas. Pinagbuksan ko ng pinto ang customer at nagpasalamat sa pagkain nila sa restaurant namin.
"Balik po kayo, Ma'am" nakangiting sabi ko.
Tumingin ako sa relong pambisig. Trenta minutos na lang at mag-uumpisa na ang klase. Nagpaalam ako kay boss na papasok na ako. Alam naman niya ang schedule ko kaya pumayag siya. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil pumayag siyang magpart-time ako sa restaurant niya kahit ilang oras lang. Nagmamadali akong pumunta sa likod at kinuha ang uniform ko pamalit. Hinubad ko ang t-shirt at pinunasan ang katawan ng towel.
Naglagay rin ako ng perfume na binigay ni Walter, isa sa mga kaibigan ko rito sa restaurant.
"Boss, una na ako" paalam ko sa manager. Tumango lang siya. "Una na ako, pre" sabi ko kay Walter at tinapik siya sa balikat nang madaanan ko siya.
YOU ARE READING
Loving This Bitch
RomanceIn the affluent confines of a prestigious school, a girl named Nionahlie grew up with all the riches one could dream of. She holds herself in such high regard that she doesn't even bother with her studies anymore, simply because she's already wealth...