"By the way, kumain ka na ba?"Rinig kong tanong ng lalaki sa kaniya nang dumaan sila sa harap namin. Sinundan ko sila ng tingin habang nag-uusap sila dahil ayon lang ay kaya kong gawin. I can't talk to her when we're here. I can't even go near her.
Nagkatinginan kami mula sa taas. Kanina ko pa siya tinitingnan habang nanonood siya ng away. Umiwas siya ng tingin at umalis na rin. I sighed.
"Tara na." Aya sa akin ni Nezel. Sumulyap muna ako sa itaas bago umalis.
"You have lots of friends, huh?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Muntik ko na iyong titigan, mabuti na lang maayos ang pag-iisip ko ngayon.
"Ah...yes"
Ngayon naman ay binasa niya ang mga labi.
"All of them are your friends?"
I nodded. "Yes."
"Just friends?"
I nodded again.
"Are you sure?"
Nagtataka ko siyang tiningnan bago tumango.
"You're not lying? Liars go to hell." Pagkukumpirma niya.
Iniisip ba niyang higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa isa sa mga kaibigan ko? I smiled at her.
"I am not lying, and I will not lie to you, Miss Davies."
I kissed her forehead again. Gustong-gusto kong hinahalikan ang noo niya. I respect her, always. Noong una ay hindi ko sinasadya ngunit ngayon ay alam ko kung ano ang ginawa ko. It's my own will.
"I'm sorry, hijo, pero hindi pwedeng manghiram ang mga estudyante sa hindi naman librarian. Pwede ka lang humiram kapag pinabantay muna sa estudyante ang library kapag may importanteng gagawin ang librarian, at wala akong maalalang pinagkatiwala ko ang library sa kahit kanino." Sabi ng librarian sa akin.
Nagulat ako sa sinabi nito. "P-pero..." nanghiram talaga ako pero hindi sa kaniya.
"Just admit it! Damn it!" Sigaw ni Channel. "You are a thief!"
Hindi ko magawang ipaliwanag ang side ko dahil alam kong walang maniniwala sa akin. May nagpahiram sa akin ng libro. Babaeng hindi ko kilala. Kinailangan kong manghiram dahil sila lang ang may librong kailangan ko pero hindi ko alam na hahantong sa ganito.
"Hindi ko nga ito kinuha."
"Yeah, hiniram mo kuno 'diba? So, kanino mo hiniram?"
"Sa akin."
Gulat akong napatingin sa kaniya. Boses pa lang ay alam ko na kung kanino iyon galing.
"Excuse me? Don't butt in. Hindi ka kasama rito," sabi ng babaeng nasa harap ko ngunit wala sa kaniya ang aking atensyon kundi nasa babaeng naglalakad papalapit sa akin.
What is she doing?
"Rinoa and Ariena want to get some tutoring from you," she said while looking ahead.
"Oh, is that so? Sure."
"I also want to talk to you about something," she said seriously and looked at me.
Tiningnan ko siya at hinintay na magsalita.
"After today, don't come back to the penthouse. This will be your last day tutoring me. After this, you won't need to come and teach me anymore. I won't be going back there either; I'm returning to the mansion. What you've taught me is enough, I've learned a lot."
Ang haba ng sinabi niya at lahat ng iyon ay tumatak sa isip ko. Dahil doon ay hindi agad ako nakapagsalita dahil baka may sasabihin pa siyang iba, baka bawiin niya.
YOU ARE READING
Loving This Bitch
RomanceIn the affluent confines of a prestigious school, a girl named Nionahlie grew up with all the riches one could dream of. She holds herself in such high regard that she doesn't even bother with her studies anymore, simply because she's already wealth...