"O-oh, really?"He nodded. "Hmm."
"Okay, Ja..." ngayong alam ko na ang pangalan niya, parang nahihiya akong banggitin iyon. I'm not used to it. "By the way, hindi ka pa ba uuwi? It's late na. May mga kapatid pa ikaw na nagw-wait sa'yo."
Bigla siyang tumawa kaya kumunot na naman ang aking noo.
"Why are you laughing?"
Tumigil siya sa pagtawa pero halata namang pinipigilan niya lang ilabas 'yon.
"Wala."
Tumango ako at sinundan siya hanggang sa pinto.
"Sige, aalis na ako."
Tumango ako. "Okay."
Akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa labas at nakatitig sa akin.
"Bakit?"
"The payment."
Bumilog ang labi ko nang mapagtanto kung ano ang hinihintay niya. I always forget to pay him.
"Wait, I'll just get it." Sabi ko at tumalikod.
"Niona."
Humarap ako sa kaniya at sakto namang lumapit ang mukha niya sa akin sabay naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking noo. Ngumiti siya nang lumayo sa akin at nag-wave pa ng kamay bago umalis.
Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa gulat. Nakatanaw lang ako sa kaniyang likod. Nakalimutan kong ibang payment na pala ang hinihingi niya.
Narinig kong tumunog ang telepono kaya pumasok na ako at sinagot ang tawag.
"Hello?"
["Niona."]
Nilayo ko ang telepono sa tenga at tiningnan iyon. Am I hearing things?
"Hello, yes?"
["When are you going home?"]
I rolled my eyes. Seriously?
"What do you want, Mom?"
["Tomorrow, bumalik ka na rito."]
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What?! No! I don't want to."
["Don't be stubborn, Nionahlie. Uuwi ka rito whether you like it or not."]
"No." Madiin kong sagot sa kaniya.
["Nionahlie."] may pagbabanta sa boses ni Mommy nang tawagin niya ang pangalan ko.
I know. Kapag ganito siya, ibig sabihin ay kailangang sumunod ako. She's always like this. I hate this side of her. I hate her. Ayaw kong sumunod pero alam kong pipilitin lang ako lalo ni Mommy. She's more stubborn than me.
Napahawak ako sa sintido. "Okay, I'll go home."
["Good—"]
"The day after tomorrow."
Sandali siyang hindi nagsalita.
["Alright. The day after tomorrow, Niona."]
And that's it. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binaba na niya ang tawag. We're like this and it's very normal to us.
"You're not in the mood?"
"Isn't it obvious?"
Umismid lang sa akin si Rinoa sabay higop sa juice niya. I'm thinking about tomorrow. Hindi ko alam kung ano na namang gusto ni Mommy at pinapauwi na niya ako. Hinayaan naman niya ako ng ilang buwan kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang tumawag para pauwiin ako.
YOU ARE READING
Loving This Bitch
RomanceIn the affluent confines of a prestigious school, a girl named Nionahlie grew up with all the riches one could dream of. She holds herself in such high regard that she doesn't even bother with her studies anymore, simply because she's already wealth...