"Konti lang ang dalhin mong gamit Asè, tutal ay malapit ka naman na sa bayan, doon ka na lang bumili ng ibang kailangan mo." Bilin sa akin ni mama habang nag-iimpake kami ng mga gamit ko.
Matagal ko nang pangarap tumira sa bayan ng Mercantile. Gusto ko ang ingay dito tuwing umaga at tahimik nitong gabi.
Balita ko ay masyadong busy ang lugar. Halo-halo ang mga lahi ng taong nandoon dahil dito ang daungan ng mga barko. Ang bayan ng Mercantile ang isa sa may pinakamalawak na pamilihan. Dito madalas nagkakaroon ng palitan ng mga produkto.
Nabalitaan ko ring maraming pirata ang madalas dumaong dun dahil sa mahigpit na policy ng lugar na bawal ang diskriminasyon sa kahit anong barkong dadaong sa bayan dahil ang pag-aayos ng barko ang pangunahing trabaho sa bayan na ito. Kontrolado naman daw ang mga ito ng nagkalat na mga pulis at sundalo sa lugar. Normal din daw na ensayado at armado ang mga mamamayan dito dahil sa mga pirata. Sa totoo nga daw ay karamihan sa pamilya dito ay anak o asawa ng pirata. Hindi pa naman daw nagkakaroon ng problema dito sa mga pirata dahil dito sila madalas umangkat ng pagkain at kagamitan, at sa oras na may gawin ang mga ito na masama sa bayan ay hindi na sila maaari pang tumungtong dito. Magiging mahirap ito sa kanila dahil ang bayan na ito ang may pinakamalaking pamilihan at palitan ng iba't-ibang produkto.
"Please anak, mag-iingat ka do'n ha? Masaya akong pumayag ka sa request namin, pero nalulungkot din ako dahil malalayo ka sa amin ng papa mo." Sabi ni mama na walang malay kung anong ginawa ko para lang mailipat doon.
Ngumiti ako dito bago humalik sa kanyang pisngi. "Wag kayong mag-alala sa akin ma, andoon naman si kuya Daniel eh."
Hinatid na ako nina mama sa barkong sasakyan ko papunta ng Mercantile Town.
Habang nasa byahe ay pinaghalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. It will be a brand new start for me. Walang ibang nakakakilala sa akin kundi ang pinsan ko lang na si kuya Daniel. S'ya ang kasalukuyang doktor ng maliit naming branch ng clinic sa Mercantile.
Pagbaba ko mula sa barko ay agad kong tinawagan si kuya Daniel, "Kuya, andito na ako." Sabi ko rito pagkasagot n'ya ng tawag.
"Bilis ng byahe mo, hintayin mo ako d'yan at nasa byahe pa lang ako. Di ko inaasahang maaga ka pala makakarating."
"Sige kuya, ingat ka sa byahe." Sabi ko rito at agad binaba ang telepono.
Ang sarap ng simoy ng hangin dito at tama nga si kuya, napaka-ingay. Ang daming nagsisigawan at nagtatawanan. Ang daming nangyayari sa iisang lugar. Nandyan ang mga lalaking may malalaking katawan na nagbubuhat ng sako-sakong pinamili. Ang ibang ingay naman ay galing sa mga tindera sa malapit. Mayroon ding ingay galing sa mga batang naglalaro at mga nag-iinuman sa gilid.
'Nakakaloka ang mga 'to, tirik pa ang araw ay tumutungga na.' Bulong ko sa sarili.
Minabuti kong ku'nan ng litrato ang bayan para ipadala kina mama. Siguradong matutuwa ang mga ito dahil walang malapit na dagat sa lugar namin.
Natigil ako sa pagkuha ng mga litrato nang makita kong nagtatakbuhan bigla ang mga bata palayo sa daungan. Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan nila at nakita ko ang grupo ng mga lalaking armado. Ang iba ay mayroong mga baril at iba naman ay patalim na nakasabit sa kanilang mga bewang.
Nakakatakot ang mga ito lalo na kung nagtatawanan, para bang mayroong masamang gagawin. Di naman talaga ako judgemental, pero pakiramdam ko magsisimula na dito.
"Asè!" Narinig kong sigaw sa malapit. Nakita ko si kuya Daniel sakay ng kanyang kotse.
"Kuya!" Sigaw ko rin dito kasabay ng pag-kaway.
"Hintayin mo ako dito ha? I-park ko lang ang sasakyan para mailibot kita nang maayos." Tumango lamang ako sa sinabi nito bilang sagot.
---
YOU ARE READING
Shipped Towards You
RomanceAvyanna Sereia "Asé" Buencamida, anak ng isa sa kilalang may-ari ng clinic sa syudad ng Barameda. Dahil sa pagkakaroon nila ng maliit na branch ng kanilang clinic sa abalang bayan naman ng Mercantile, ipinadala dito si Sereia upang maging katuwang n...