Protect You

1 1 0
                                    

Asè's POV

"Okay na 'yan, balutin mo na ng elastic bandage." Turo ko kay King na ngayon ay ginagamot ang pasa na nakuha ko sa braso. "San ka nakabili ng yelo?" Tanong ko dito habang hinahanda n'ya ang bandage na gagamitin.

"May bilihan kami malapit lang dun sa daungan." Sagot nito.

I was touched by his actions. Akala ko ay biro lang ang lahat sa kanya, marunong pala itong mag-seryoso sa ganitong sitwasyon.

"Ang seryoso mo naman hahahaha." Sabi ko rito.

Tinignan lamang ako nito bago huminga nang malalim. "I'm sorry. Hindi naman talaga ganun si Gaz, kahit ako nabigla din sa ginawa n'ya. Nagka-pasa ka pa tuloy. Don't worry, I'll talk to him."

"Wag na! Ano ka ba, wala lang 'to hahaha wala pa 'to sa natanggap ko sa ex ko hahaha" pabiro kong nasabi.

"What do you mean?" Mabilis na tanong nito.

Bahagya akong natigil sa pagtawa dahil dito. Ang hirap pigilin ng bunganga ko these days. Pero sa tingin ko, si King ay di naman yung tipong ipagkakalat yung mga ganitong kwento.

"Actually... kaya kami nag-break ng ex ko before dahil sa pananakit n'ya. I was blinded by love kaya di ko napapansin. Pinapatawad ko s'ya tuwing nasasaktan n'ya ako dahil sa pagseselos n'ya, matindi kasi s'ya mag-selos eh. Bumabawi naman s'ya pagkatapos nun hahaha. Pero natauhan ako nung itinulak n'ya ako at sinaktan sa galit dahil lang nakita n'yang kasama ko ang isa sa kaklase kong lalaki."

"What a jerk." Kumento ni King na naka-kunot nanaman ang noo.

"Yeah, I was hospitalized due to minor injuries. My friends back in my town helped me, ayokong ipaalam kina mama kasi ayokong mag-alala sila. After nun, dinalaw n'ya ako nang ilang beses sa hospital at humihingi ng tawad. I kept rejecting him. Nung huli ay nagalit nanaman ito kaya minabuti na namin ng mga kaibigan kong  i-report s'ya sa security ng hospital para di na makapasok."

"Kaya ka ba nandito sa Mercantile?"

"Hmm I don't know. Andito lang talaga ako kasi gusto kong makita kung totoong maganda ang lugar. But now that you mentioned it, baka nga. Maybe I was really on the run." Nakangiti kong sagot dito. "Wala na akong balita sa kanya."

Tumango ito, "Di ka dapat nagsesettle sa ganung klase ng lalaki. Ba't mo ba kasi naisipang sagutin 'yon?"

"A-actually di n'ya ako niligawan."

"Ha? Paanong naging kayo?"

"He was a heartthrob in our school that time. Maraming nagkakagusto talaga sa kanya, isa na ako dun. Nag-effort talaga ako para mapansin n'ya hanggang sa maging kami."

"Hahaha tapos ngayon ikaw nanaman ang naghahabol? Damn, you're a masochist."

Umiling na lamang ako at natawa sa sinabi nito. Habang nagtatawanan ay napansin ko ang tattoo sa likuran ni King.

"May tattoo ka pala." Sabi ko rito.

"Oo, identification that we're from Señor Pirates."

"So may ganyan ding tattoo si Gaz? Saan?"

"Oh. Not Gaz. Ayaw n'ya magpa-tattoo. Nakiusap s'ya kay Señor na di na gawin 'yon."

"Bakit daw?"

"Hmmm I don't think it's because of the needles, di naman takot masaktan 'yon si Gaz. Maybe the ink." Tumango na lamang ako sa sagot nito. May naalala akong di na dapat maalala pa dahil sa tattoo.

Matagal din kaming nag-usap ni King ng kung ano-anong topic, mostly about Gaz.

"Mauna na ako, kailangan ko pa mamili ng ingredients para sa lulutuin ko bukas." Paalam ko kay King.

Shipped Towards YouWhere stories live. Discover now