Gaz's POV
It's been two years since I set sail with these crew, pero wala pa ring nangyayari sa dahilan ng paglayag ko.
Two years ago, nakita kami ng kaibigan kong si King, ng mga pirata. Maliit lamang na bangka ang gamit namin at kahit marunong kaming lumaban, alam namin parehong wala kaming magagawa kundi ang sumama. Dalawa lang kami laban sa dami ng crew na mayroon ang mga pirata.
Señor Pirates ang pangalan ng grupo ng mga piratang kumuha sa amin.
"Swerte n'yo at kami ang unang nakakita sa inyo, kung ibang pirata ang nakakita sa inyo malamang ay tapos agad ang paglalakbay n'yo." Medyo natatawang sabi sa amin ng nagpakilala sa aming vice-captain ng barko, kasabay ng paglagay ng tasa ng kape sa harapan namin ni King. Nagtawanan ang mga crew dahil sa sinabi nito.
Noong una ay balak namin ni King ang tumakas ngunit napagdesisyunan din namin manatili na lang. Their ship is huge and clean. Magagaling at malakakas ang mga myembro kaya't alam kong mas ligtas kami kung mananatili kami dito panandalian. Isa pa ay mas mapapadali din ang paghahanap ko.
Mabait ang captain ng mga pirata, Señor ang tawag namin sa kanya. Despite his age (42), he can still manage to take down enemies. Anak ang turing nito sa amin. Mababait ang mga crew, di nila kami pinilit ni magsalita kung anong dahilan kung bakit namin napag-isipang maglayag. Noong una ay di kami kumbinsido kung totoo ang ipinapakita sa amin dahil lumaki akong masama ang tingin sa mga pirata. Pero iba pala talaga sila.
Kahit anong daldal ni King ay mapagkakatiwalaan ko ito. S'ya lang ang bukod tanging naging matalik na kaibigan ko sa loob ng dalampu't apat na taon ko dito sa mundo. S'ya lang din ang nakakaalam ng tunay kong dahilan sa paglayag.
Habang naka-tambay ako sa labas ng barko ay nilapitan ako ni Jeff, isa sa mga crew. "You got a nice sword there." Sabi nito.
"Thanks." Sagot ko lamang.
"Kakaiba ang espada mo talaga no? mas mahaba at malaki kumpara sa ordinaryong espada. Tansya ko mga 140cm 'to."
"Yeah." Malamig kong sagot.
"Hahahaha alam mo? Dalawang taon na tayong magkasama pero wala pa tayong matinong usapan." Tumatawang sabi nito.
Ang totoo ay hinahangaan ko si Jeff dahil sa katatagan nito. Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan n'ya ay nananatili pa rin s'yang mabait. A year ago, nakita ko kung paano nito kinayang pagsabayin ang tungkulin n'ya bilang crew at grievance dahil sa pagkawala ng girlfriend n'ya.
Flashback:
"Jeff's devastated." Halos pabulong na sabi sa akin ni King pagka-upo nito sa tabi ko. Kasalukuyan akong nasa itaas ng barko bilang watcher. "His girlfriend was killed by those pirates we met a month ago. Naaalala mo ba? Napatay ni Jeff ang kapatid ng captain nila. Nakakapagtakang di nila tayo hinabol. Yun pala ay minanmanan tayo ng mga kalaban lalo na si Jeff. Nalaman nilang may gf si Jeff."
"Pa'no n'ya nasabing parehong pirata ang umatake sa gf n'ya at sa atin noon?"
"Ang sabi ay dadalawin sana ni Jeff gf n'ya kanina sa lugar na pinagdaungan natin, pero galit galing sa magulang ng babae ang natanggap n'ya. Sa kanila din n'ya nalaman na pinatay ang gf n'ya ng mga piratang gustong maghiganti sa kanya."
Halos kalahating taon din bago bumalik ang sigla ni Jeff dahil sa nangyari. Madalas itong napapagalitan ni Señor dahil sa impulsive actions nito sa bawat laban.
End of flashback
"Nga pala, kaya kita nilapitan dito, pinapasabi ni Señor na maghanda tayo para sa pagdaong. Malapit na tayo sa Mercantile." Nakangiting bilin ni Jeff. Tinanguan ko lamang ito bilang tugon.
YOU ARE READING
Shipped Towards You
RomanceAvyanna Sereia "Asé" Buencamida, anak ng isa sa kilalang may-ari ng clinic sa syudad ng Barameda. Dahil sa pagkakaroon nila ng maliit na branch ng kanilang clinic sa abalang bayan naman ng Mercantile, ipinadala dito si Sereia upang maging katuwang n...